Vesuvio Roof restaurant has one hell of a view. Pagpasok palang niya sa restaurant na iyon ay binati agad siya ng malawak na view ng dagat at magagandang mga ilaw. Such scenery is only possible in the movies. Pero ngayon ay nakikita niya ito nang harapan. Pero sandali lang siyang nabighani sa ganda ng tanawin. Sa di kalayuan kasi ay nakita niya ang pagpasok ng isang lalaki na nakasuot ng itim na amerkana. Napaka-gwapo nito sa formal look na iyon. He’s like the real prince who’s walking towards her. At nang nasa harap na niya ang lalaki ay saka lamang siya tila natauhan. Ginagap kasi ng lalaki ang kanyang kamay at hinalikan iyon. “Perfect. You look perfect tonight, Abbey.” Oh Niccolo! Saan ba ito humuhugot ng karisma. Napakagaling nitong pukawin ang kanyang puso. At hindi l

