Pinilit ni Niccolo na hindi sumilay ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Ayaw niyang magkaroon ng ideya si Abbey tungkol sa mga nalalaman niya. Bukod kasi sa ilang minuto na silang nag-uusap ay nahihiwagaan pa rin siya kung paano hindi nito matandaan kung sino siya. His name isn’t that common. Ang mukha rin naman niya ay hindi naman ganoon kadaling makalimutan. Sa sarap ng pag-uusap nila ay hindi na niya namalayan ang oras. Ang alam lang niya ay masayang kausap si Abbey. Hanggang sa dumating ang hinihintay nito at sinira ang gabi nila. Jock is acting crazy as he walks towards them. Sa huli ay umalis ang naghiwalay silang tatlo. At wala siyang magawa nang sumama si Abbey kay Jock. Nang sinundan ang dalawa ay nakita pa ni Niccolo na nagtatalo ang mga ito. Kung hindi siya nagkakamali ay p

