The Transferee

2284 Words
Mafial’s POV:   Nakakainis! Nakaka-badtrip! Habang naglalakad ako papalayo sa lalaking m******s na ‘yon ay walang humpay kong pinupunasan ang labi ko gamit ang panyo ko. Nilagyan ko pa ito ng alcohol saka pinunas sa labi ko. Nakakainis! Ang sarap niyang bugbogin. Parang nakulangan pa ako sa ginawa kong pagsapak sa kanya kanina. Gusto ko siyang gulpihin at durugin ng pinong pino ang mapangahas niyang labi.   First kiss ko ‘yon, eh! Nakakainis talaga. Sa isang iglap nawala na lang bigla ang first kiss na iningat-ingatan ko.   “Dude!” Isa pa itong nakaka-badtrip, eh. Sarap din nitong bigwasan. Kung hindi ito naging late sa uspan namin at kung maaga itong dumating, hindi sana mangyayari ang gano’n.   “Ba’t ang tagal mo?” sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya.   “Woah! Bakit parang galit ka?”   “Kasi ang tagal mo. May nangyari tuloy na hindi maganda,” naiinis na sabi ko saka naglakad. Hinabol naman niya ako.   “Ano bang masamang nangyari? Na-hold up ka ba? Na-r**e or whatever? Ano? Tell me.”   Huminto ako sa paglalakad dahilan para mapahinto din siya. Tiningnan ko siya nang maigi sa mga mata. Alam kong nakikita niya sa mga mata ko ang galit na nararamdaman ko ngayon.   “Yong walangya na lalaking ‘yon, hinalikan ako sa harap ng maraming tao!” mahinang sigaw ko sa kanya.   Napapikit ako saka napahilamos sa mukha nang maaalala ko na naman ang nangyari kanina. Oh, gosh! Kung panaginip lang ‘to, gusto ko nang magising sa bangungot na ‘to.   “Kiss lang pala—” Bigla itong napatigil sa pagsasalita at unti-unting lumaki ang mga mata nang mag-sink in sa utak nito ang sinasabi niya. “What?!”   “You heard me, right? Ayoko nang ulitin ang sinabi ko.” Naba-badtrip talaga ko. Pagnakita ko ulit ang lalaking ‘yon, papatayin ko ‘yon.   “Oh. My. Gosh.” Oa maka-react nito. “Sinong guy ba ‘yan? Kilala ko ba? Gwapo ba? Ano? Dali magkwento ka na, Dude!” Hinila-hila niya ang damit ko. Napasapo ako sa noo ko. Hindi ko talaga maalala kung paano ko naging kaibigan ang babaeng ‘to.   “Hindi ko siya kilala at wala akong planong kilalanin siya. Pwede ba? Huwag na natin ‘yong pag-usapan. Mas lalo lang akong naba-badtrip kapag naiisip ko na kinuha niya ang first kiss ko.”   “Kayaaaah!!” Napatakip ako sa magkabilang tenga ko nang bigla itong tumili. Naglakad ako papalayo sa kanya at iniwan siya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa tili niya. Kahit kailan talaga nakakahiya ang babaeng ‘to. “Hey! Wait for me, Dude!” Lakad-takbo siyang sumunod sa akin.   “Don’t talk to me. I don’t know you.” Naglakad lang ako at hindi siya pinansin.   “Sorry na, Dude.” Kumapit siya sa braso ko nang maabutan niya ako. “I just can’t believe it.”   Tiningnan ko siya ng malamig. “So do I.” Napabuga ako ng hangin. “Huwag na natin pag-usapan ang tungkol do’n, pwede? Mas lalo lang akong naba-badtrip.”   Bumungisngis ito. “Okay. Just one last question, Dude. Ano bang pangalan niya.” Kulit talaga ng lahi nito.   I tried to remember what he say about his name, but I can’t. “I don’t know and I don’t care.”     Gab’s POV:   Today is Monday! At ngayon dadating ‘yong tatlong gwapo na transferee. I’m so excited, lalo pa at nabalitaan ko na magiging kaklase namin ang tatlo. Nandito kami ngayon sa loob ng classroom. Katabi ko si Mafial, since seatmates kami. May fifteen minutes pa bago dumating ang Prof namin.   Nasa second to the last row kami nakaupo ni Mafial, katabi niya ang bintana habang katabi ko naman siya. Napatingin ako sa mga kaklase ko na nakikipagkwentohan sa mga katabi nito. Ipinatong ko ang siko ko sa armchair saka ipinatong ang baba ko sa siko ko at napabuntong-hininga.   Ang boring naman. Buti pa sila may kausap, samantalang ako, wala. Wala kasi akong ibang katabi kung ‘di si Mafial lang. Wala kasing gustong tumabi sa babaeng ‘to dahil masyadong masungit. Kahit katabi ko si Mafial ay hindi ko naman siya makausap. Papaano ko siya kakausapin kung tulog?   Napatingin ako kay Mafial na nakasubsob sa armchair nito at himbing na himbing ang tulog. Akala mo nasa bahay lang niya ito.  Ewan ko ba kung ano ang pinaglihi ni tita dito at laging antukin. Kung may isang bisyo si Mafial, iyon ang pagiging tulog nito.   Ilang minuto lang ay dumating na din ang Prof namin. “Good morning, class,” bati nito sa amin.   “Good morning, Mr. Tan.”   “So, I guest you already heard about the new three students.”   “Yes, Mr. Tan!” malakas at masayang sagot ng mga classmates ko.   “Okay, okay. Mukhang masyado kayong excited.” Naiiling na lang ito. “So, boys, come in and introduce yourself.”   Biglang namang pumasok ang tatlong gwapong nilalang. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang t***k ng puso ko. Char! Nalaglag ang panty ko. De joke lang. Pero ang gugwapo talaga nila. Lalo na ‘yong chinito na maputi. Stop it, Gab. Pumapag-ibig ka na naman. Lahat naman sila ay gwapo, lalo na ‘yong huling pumasok, pero mas naa-attract ako sa lalaking unang pumasok.   Gosh! Feeling ko dumating na si Mr. Right for me. Kinikilig ako.   Hindi pa nakakapag-introduce ang tatlo dahil ang iingay ng mga classmate ko. Tili dito, tili doon ang naririnig ko. Kagaya ko ay kinikilig din sila. Ang sakit na din sa tenga ng mga tili nila, ah. Napatingin ako kay Mafial saka napa-poker face nang makitang mahimbing pa rin ang tulog nito. Grabe! Hindi man lang natinag sa ingay ng mga classmates namin.   “Silent, class. Silent.” Tumahimik din ang mga classmate ko. Takot lang nila kay Mr. Tan, mabait ‘yan, pero nakakatakot magalit. Pero gwapo pa rin si Sir kahit galit. Binata pa kasi si Mr. Tan kaya marami ding nagkaka-crush sa kanya. “Please, introduce yourself to them, boys.”   Unang nagpakilala ang crush ko. Oo, crush ko na agad siya. “Hi, everyone. I am Karl Ace Buenaflor, but you can call me, Ace.” Nagsigawan ang mga babae nang kumindat ito.   “Ang gwapo mo, Ace. Kyaaah!!”   “Sobraaa…”   Ang gwapo niya talaga. So, Ace pala ang pangalan ni Mr. Right. Ayiieh! Gabriela Buenaflor. Gosh! Bagay na bagay. Napatingin naman ako sa mga classmate ko na parang bulate na binudbudan ng asin kung tumili. Gosh! Parang gusto kong sabunutan ang mga classmate ko kasi crush nila ang mapapangasawa ko. Char! Assuming lang? Natawa na lang ako sa kabaliwan ko.   Sunod naman na nagpakilala ang katabi nito. “Hello.” He smiled, a sweet one. “I’m Aaron Jay Villaflor, Aaron for short.” He then bite his lower lips that make him more hottie.   “Kyaaaahhh!!”   “You’re so hot, Aaron.”   “Hotter that the coffee, Baby!” Napapailing na lang ako sa mga classmates ko.   And the last one who introduce. The most handsome and the hottest of the trio.   “Hello,” pormal niyang sabi. Hmm, mukhang masungit, ni hindi man lang kasi ngumiti. “I’m Luhan Lennon.” And then…     “Kyaaaaaaahhh!!!”   Napatakip ako sa magkabilang tenga ko dahil sa sigaw ng mga classmate ko. Kung malakas ang sigaw nila kanina sa dalawang lalaki, mas malakas ang sigaw nila kay Luhan. Gosh! Sinong hindi mapapasigaw? Eh, ngumiti lang naman siya. A killer one. He gave us a killer smile.   Gosh! Hindi ako makapaniwala na may classmate kaming kasing gwapo ng tatlong ‘to. Bakit ba kasi ngayon lang lumipat ang mga ito? Eh, ‘di sana hinintay ko na lang siya.   “Silent na, class. You may now take your seat at the back.” Turo ni Mr. Tan sa upuan na nasa likod namin ni Mafial.   Napatingin naman sila sa direksyon ko, lalo na si Ace. Napalunok ako at gusto kong magwala sa kilig dahil ngumiti siya sa akin. Nagsimula na silang maglakad saka naupo sa likod ko. Halos pigil ko ang hininga ko dahil nasa likod ko lang siya. Magkaklasi na sana si Mr. Tan ng may kumatok sa pintuan.   “Excuse, class.” Pinuntahan niya ang kumatok sa pinto saka muling tumingin sa amin. “Class, be quit. Pinapatawag lang ako ng Dean. I’ll be back.”   Umalis na si Mr. Tan kaya nagsimula nang magkwentohan ang mga classmate ko habang ako naman ay bored na bored na nakatingin sa blackboard. Wala naman kasi akong makakausap kasi itong katabi ko ay tulog. Kapag talaga ito natutulog, mapapanis ang laway ko.   “Miss?”   “Ayy palaka!” Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat. Napatingin naman ako sa likuran at sa may-ari ng kamay na nakapatong sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko ng si Ace pala ang nagmamay-ari no’n.   “Sorry. Nagulat ata kita.”   “A-ayos lang.” Mahina akong tumawa para kahit papaano mawala ang hiya ko. Chos! May hiya pa pala ako sa katawan?   Napatingin siya kay Aaron na nagpipigil nang tawa. “Hindi ko alam na kamukha mo na pala ang palaka, Dre.”   “Shut up, Ron,” saway niya sa kaibigan.   Nakaharap ako ngayon kay Ace dahil nasa likod ko siya habang nasa likod naman ni Mafial si Luhan at wala namang kaharap si Aaron. Tumingin muli sa akin si Ace saka ngumiti. Napalunok ako nang mariin. Gosh! Bakit mas gumuwapo siya kapag ngumingiti? Mahuhulog na ata ang puso ko nito.   “Ako nga pala si Ace, ikaw?” Inilahad nito ang kamay niya sa akin para makipag-shake hands. Pigil ko ang ngiti nang tanggapin ko ang kamay niya. Ang lambot!   “G-Gab.” Gusto kong lamunin ng lupa dahil sa pagkautal ko. Napaghahalataan tuloy ako na kinakabahan.   “Gab?”   “Gabriela Fernandez. Gab, for short.” And we both shake our hands.   “I see. Akala ko panglalaki ang pangalan mo.” Para naman akong nahiya. Bakit kasi ‘yon ang pinakilala ko sa kanya? “Siya nga pala si Aaron,” turo niya kay Aaron na kumaway sa akin. “at siya naman si Luhan.” Turo nito kay Luhan.   Nakipag-shake hands ako sa kanilang dalawa. Parehong malalambot ang mga kamay nila pero kakaiba ang nararamdaman ko nang hawakan ko ang kamay ni Ace. Parang may kuryente na dumaloy sa palad ko. Is this what they called love?   “And this?” Turo ni Luhan sa kaharap niya.   “That’s my best friend, Mafial. Mafial Krys Dela Vega.”   “What is she doing?”   Napakamot naman ako sa pisngi. “Natutulog?”   “At this hour?”   Napatawa naman ako. “Oo. Minsan naman nagka-cutting ‘yan. Kapag pumapasok naman tulog ‘yan. Huwag niyo na siyang pansinin.”   Hindi na kami nakapagkwentohan dahil bumalik na si Mr. Tan saka nagklasi. Dumaan ang oras ay tumunog na ang bell. Ibig sabihin, lunch time na. Inilagay ko na sa bag ko ang mga notebook at iilang gamit ko.   “Gab?” Napalingon ako kay Ace nang tawagin niya ako.   “Yes?” Ngiti, Gab. Baka makuha mo ang puso niya sa pagngiti mo.   “Pwede ba kaming sumabay sa ‘yo na mag-lunch? Alam mo na, baguhan lang kami dito. Maliban sa ‘yo ay wala na kaming iba pangkilala.”   Napakamot ako sa pisngi ko. “Hindi ba ako dudumugin ng mga fans niyo?”   Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko na kahit baguhan lang sila ay madami na agad silang fans. Baka mamaya kapag nakita nilang kasama ko ang tatlo ay abangan nila ako sa labas at dudumugin. Gano’n pa naman ang mga nababasa ko sa mga nobela na binabasa ko. Pero ‘yong totoo, gusto ko talaga silang makasabay kumain, lalo na si Ace.   “Ano ka ba naman, Gab?” Humampas sa hangin si Aaron. “We know that we’re handsome, but don’t mind them.” Napatawa ako nang mapakla nang tumawa ito nang malakas. Ang lakas din ng hangin ng isang ‘to, eh.   “Please, Gab?” Pakiramdam ko ay may tumama na isang pana sa puso ko nang makita ang mukha ni Ace.   “O-okay.” Mabilis akong tumalikod sa kanya saka lihim na hinawakan ang magkabila kong pisngi. Namumula na ako sa kilig.   Tumayo na sila saka pumunta sa harap ko dahil hinihintay nila ako. Bumaling naman ako sa kaharap ko saka mahina itong niyugyog. Kami na lang din kasi ang tao sa classroom.   “Hey, Dude.” Niyugyog ko pa siya nang hindi siya sumagot. “Gumising ka na. It’s lunch time.”   Mahina itong umungol saka dahan-dahan na inangat ang ulo. Itinaas nito ang dalawang kamay nito saka humikad. Halatang sarap na sarap ang tulog niya, eh, no?   “Dude?” nagtatakang tanong ni Luhan.   “Yeah. Yon ang tawagan namin.”     Luhan’s POV:   Anakng! Napamura ako ng marami sa isip dahil sa gulat ko. Nang umangat ang ulo ng babaeng kanina pa natutulog ay lumaki ang singkit kong mga mata.   “Uh-oh!” rinig kong sabay na sabi ni Ace at Aaron.   Pero hindi ko magawang hindi ialis sa babae ang tingin ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi pa niya kami nakikita dahil nakapikit pa rin siya habang nakataas ang dalawang kamay niya at humihikab pa. Bakit gano’n? Bakit maganda pa rin siya kahit bagong gising lang siya?   Napalunok ako ng dahan-dahan niyang imulat ang mga mata niya at magtama ang mga mata namin. Mula sa malumay na tingin ay naging galit ito. Bigla siyang tumayo saka dinuro ako.   “What the heck! Anong ginagawa ng m******s na ‘yan dito?!” malakas niyang sigaw.    

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD