bc

Wooing The Man Hater

book_age16+
160
FOLLOW
1K
READ
possessive
arranged marriage
kickass heroine
student
comedy
sweet
bxg
campus
enimies to lovers
school
like
intro-logo
Blurb

Mafial Krys Dela Vega known as a man hater. Mad at all men because she feels that men are just made to make women cry. Yon ang nangyari sa ina niya. Sa kabila ng pagiging masungit niya at pagiging man hater niya, he will meet Luhan Lennon. A friendly, but deadly to all girls.

She hates Luhan so much. Mas lalong siyang nagalit sa mga lalaki dahil sa binata. She hate him so much because he stole her first kiss. Halos sumpain niya ang binata sa galit.

Nang malaman ni Luhan ang dahilan kung bakit siya naging isang man hater ay ginusto niyang mapalapit sa dalaga at maging kaibigan nito. He was wooing the man hater kahit pa abot langit ang galit nito sa kanya.

Ano nga bang magiging reaksyon ni Mafial kapag nalaman niya ang lalaking pinakamumuhian niya ay siyang lalaking gustong ipakasal sa kanya ng ina niya?

She will be the fiancee of the man that she hates the most.

Ano nga bang mangyayari sa kanilang dalawa? May pag-asa bang mapapalambot ni Luhan ang puso ni Mafial?

chap-preview
Free preview
First kiss
Mafial’s POV:   “Oy, Dude! Ayosin mo nga ‘yang mukha mo. Para kang kakain ng tao, eh.”   “Ang sarap manapak, alam mo ba ‘yon?” naiinis kong sabi kay Gab—ang matalik kong kaibigan—habang pinapakita ko sa kanya ang nakakuyom kong kamao.   Tumawa lang ito habang tinatapik-tapik ang balikat ko. “Relax lang, okay? Walang gustong makipag-away sa ‘yo kaya relax ka lang.”   “Anong relax ka diyan? Nakita mo ba ‘yong boyfriend mo kanina? May kalandian! No, no. Erase, erase. Kahalikan!” sigaw ko sa mismong mukha niya para makuha niya kung bakit ako nagagalit ngayon.   “Correction, Dude. Ex! Ex-boyfriend.” Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. Tumawa ito na mas ikinanoot ng noo ko. “Kanina ko lang siya hiniwalayan and of course it’s fine with me. Besides, hindi naman ako seryoso sa lalaking ‘yon.” Gab flip her long hair.   “Yeah, right.” Isinara ko na ang locker ko at sabay kaming naglakad papalabas ng campus.   Gabriela Fernandez—Gab for short—is my childhood best friend. Sikat siya sa campus namin dahil matangkad, maputi, matalino, mabait, maganda, at friendly siya. Maingay at baliw nga lang kung minsan.   Ako naman si Mafial Krys Dela Vega. May katangkaran, maputi, they say that I’m pretty, but I doubt it. Kabaliktaran kami ni Gab ng ugali. If she’s friendly, then I’m not. I love sleeping, kaya siguro palagi akong inaantok, lalo na kapag nasa klasi. Kapag wala namang pasok ay mas gusto kong matulog sa bahay kaysa ang gumala.   Fourth year na kami ngayon ni Gab at ilang buwan na lang ay ga-graduate na kami sa Vargas University.   “Oy, Dude! Narinig mo na ba ‘yong balita?”   “Balita o tsismis?” Kahit kailan talaga ang hilig makitsismis ng babaeng ‘to. Hindi ko nga alam kung papaano ko siya naging kaibigan gayong magkaibang-magkaiba kami ng ugali.   Bahagya akong nagulat nang hampasin niya ako sa likod. “Ano ka ba? Parehas lang ‘yon.” Hindi naman ako sumagot dahil hindi ako interesado sa tsismis na sinasabi niya. “Narinig ko do’n sa mga babae na may bagong transferee daw dito sa school natin at balita ko gwapo daw ang mga ‘yon. Heartthrob daw ang tatlo sa dati nitong pinag-aaralan.” Napaikot ang mga mata ko nang marinig ko ang tili niya. Basta gwapo talaga, kinikilig agad ito.   “Ahhh…” Yon lang ang sinagot ko dahilan para samaan niya ako nang tingin.   “Hindi ka na naman interesado?” inis nitong tanong. “Magka-boyfriend ka na kaya, Dude, para naman mabawas-bawasan ‘yang pagiging bitter mo sa katawan.”   “Alam mo, Gab,” Hinawakan ko ang balikat niya. “hindi ako kukuha ng bato para lang ipangpukpok sa ulo ko, okay? Hindi ako gagawa ng isang bagay na alam kong ikakasakit lang ng ulo ko.”   “Ang oa naman nito. Sakit agad ng ulo? Hindi mo pa nga nararanasan ang magmahal, eh. Alam mo din, Mafial, masarap ang magmahal. Bakit hindi mo subukan para malaman mo kung ano ang sinasabi ko.”   “It’s true, okay? Men are such a headache. Sabihin na nating masarap ang magmahal pero alam naman natin na lahat ng saya ay may kapalit na lungkot. Gaya ng pagmamahal na sinasabi mo, masarap sa una pero masasaktan ka din bandang huli.”   “Ewan ko sa ‘yo. Sige panindigan mo ‘yang pagiging man hater mo.” Tumigil na kami sa paglalakad ng makarating na kami sa parking lot. “Oh, siya. Mauna na ako. Nandito na ang sundo ko. Bye, Dude.”   “Bye. Ingat ka,” paalam ko sa kanya habang kumakaway. Kumaway din siya bago sumakay sa sasakyan nito saka umalis.   Yes. She’s right. I’m a man hater. I hate men because they are just made to make women cry. Hindi niyo din naman ako masisisi. I don’t hate men before, but I started to hate them because of my father, leaving us because of his mistress. Funny, right? Iniwan niya kami dahil sa babae niya. Sinira niya ang pamilyang inaakala kong masaya at perpekto. Ang nakikita ko pa lang saya noon sa mga mukha nila ay pawang mga kasinungalingan lang pala.   Parang mababaliw ang mommy ko ng iwan kami ng daddy ko. Iyak lang siya nang iyak at wala akong magawa para patahanin siya. Hindi ko alam kung anong meron ang babaeng ‘yon na wala kami ng mommy ko.   I was only ten years old back then and what can a ten years old little girl can do in that situation? Walang akong magawa kung hindi ang umiyak lang at palaging nandiyan para sa mommy ko.   Isang buwan ang lumipas ay narinig na lang namin na pumunta na ang daddy ko kasama ang babae nito sa ibang bansa. Simula no’n ay wala na kaming narinig na balita tungkol sa kanya. Kung buhay pa ba siya o patay na. Kung alin man sa dalawa ay wala na akong pakialam. Simula ng iwan niya kami ay wala na akong pakialam sa kanya at hindi ko na siya ama. Pinutol na niya ang pagiging mag-ama namin ng magdesisyon siyang iwan kami.   I admired my mom at that time because she’s such a strong woman.  Binangon niya ang sarili niya sa pagkakadapa. Binenta ng mommy ko ang bahay namin saka kami lumipat. Alam ko na habang doon kami nakatira sa bahay na ‘yon ay maaalala lang ni mommy ang mga alaala na nabuo doon.   Nagtatrabaho siya sa California ngayon as a manager sa isang bangko. Umuuwi lang siya dito kapag may mga special occasion at pag-umuuwi naman siya ay sinisigurado niya na babawi siya sa mga araw na hindi kami magkasama.   Naiintindihan ko kung bakit mas pinili niyang magtrabaho sa ibang bansa. Maliban sa rason niyang para sakin ang ginagawa niya ay alam kong gusto din niyang makalimot sa msasakit na nangyari sa kanya. At habang nandito siya sa Pilipinas ay hindi siya makakalimot sa sakit.   I love my mom so much and she’s the only person that I have right now. Ni minsan ay hindi ako nagalit sa kanya. And here I am, alone in this big house. Alone, but not lonely. Hindi din naman kasi ako nalulungkot kasi busy din ako sa pag-aaral, minsan gumagala kasama si Gab, at minsan tulog.     Nang makarating ako sa bahay ay sandali akong nahiga sa kama para magpahinga. Nang makita kong malapit na din maghapunan ay bumangon na ako saka nagbihis. Pumunta ako ng kusina para magluto ng hapunan ko. Gusto sana ni mommy na kumuha ng katulog para may kasama ako, pero hindi na ako pumayag.   Isinara ko na ang libro na binabasa ko at matutulog na sana nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng side table. Kinuha ko ito saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Sinagot ko ito nang makita kong si Gab ang tumatawag.   “Oh?” bungad ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag.   “Galit?”   Napa-poker face na lang ako. “Tss! Ano bang kailangan mo? Matutulog na ako kaya bilisan mo.”   “Dude!”   “Ano?!”   “Samahan mo ako bukas sa mall.” Narinig niya ang mahina nitong pagbungisngis.   “Ayoko. Tinatamad ako.”   “Sige na, Best friend.”   “Matutulog ako bukas.” Napahikab ako nang makaramdam ng antok.   “Eh, palagi ka naman natutulog, eh. Pati nga sa school knock out ka. Tss,” pagmamaktol niya.   “Tinatamad talaga akong umalis bukas, Gab.”   “Please, Dude.” Kahit hindi ko siya nakikita ngayon ay alam kong nagpapa-cute ito. Ganyan siya palagi kapag hindi ako pumapayag, nagpapa-cute or nagpapaawa.   “No.”   “Can you resist your very beautiful, and beautiful best friend?”  Beautiful, ha?   Napabuntong-hininga naman ako. Alam ko kapag hindi ako pumayag ay hindi niya ako titigilan. “Fine.”   “Yes! At the mall, ten am sharp, okay? I love you, Dude. Byee!”   Bastosan? Hindi pa nga ako nakakasagot ay pinatay na niya agad ang tawag. Napabuga na lang ako ng hangin. Masyado talagang shopaholic ‘tong kaibigan ko. Napailing na lang siya saka humiga sa kama para matulog na.   KAKALABAS ko lang ng bahay nang tumawag si Gab. Agad ko itong sinagot dahil baka nasa mall na ito.   “Saan ka na?” bungad niya sa akin nang masagot ko ang tawag.   “I’m on my way,” sagot ko saka sinara ang gate ng bahay.   “Okay. I’m on my way, too. Magkita na lang tayo sa tagpuan natin.”   “Okay.” Pumara na ako ng taxi saka nagpahatid sa mall.   Bumaba ako sa taxi saka napatingin sa napalaki at napakataas na mall. Para tuloy akong inaantok habang nakatingin sa building. Pumasok na ako habang humihikab.     Luhan’S POV:   “See that girl, Dre?” Turo ni Ace sa isang babae na…   Okay. She’s tall, maputi, maganda, at maangas? Yes, mukha siyang maangas tingnan dahil sa porma nito. She was wearing all black, a fitted-shirt with a print ‘born to be punk’ inside of her black leather jacket. A black maong short na hindi aabot sa tuhod and a black converse high cut shoes. Pero lalo siyang pumuti dahil sa suot niya.   Sa nakikita ko ay parang may hinihintay siya. Humihikab pa ito habang nakasandal sa dingding at nilagay ang mga kamay nito sa magkabilang bulsa. She looks so cool. I admitted that she caught my attention.   “I bet you to kiss that girl.” Napatingin naman ako sa kanya na ngumisi.   “Are you serious?”   “Woooah!”  Tumaas ang mga kamay ni Aaron. This two are my best buds. “Bakit parang umuurong ata ang isang Luhan Lennon?”   “Nawalan ka ata ng confidence, Dre,” natatawang sabi ni Ace dahilan para samaan ko siya nang tingin.   “Of course not!” Tumingin ulit ako sa babae. “Ano naman ang makukuha ko kapag nagawa ko ang bet mo?”   “Hmm…” Napaisip naman ito. “We’ll pay you ten thousand, but if you lose, you’ll pay each of us ten thousand,” nakangising sagot ni Ace.   “So, what’s the bet?”   “Easy. You just have to kiss that girl. If she will respond or kikiligin siya, you won, but,” pabitin nitong sabi dahilan para mapatingin ako sa kanya. “kung magagalit siya, you’ll lose.”   “Anak ng... Ang dali lang naman ng pinapagawa mo sa kanya, Dre,” angal ni Aaron.   Madali lang talaga para sa akin ang pinapagawa niya dahil wala pang kahit na sinong babae ang nakakatanggi sa isang Luhan Lennon. Heartthrob yata to sa eskwelahan namin. Maraming nabaliw sa mukhang ito.   Ganito kami ng mga kaibigan ko kapag wala kaming magawa. Gumagala kami sa mga matataong lugar, gaya ng park, at dito sa mall. Nagbe-bet kami para may magawa kami. Katuwaan lang.   Tumawa si Ace dahilan para mapatingin ako sa kanya. “Tingnan natin. Mukhang hindi basta-basta ang babaeng ‘yan.”   “Tss! Paano kung sa damit lang hindi basta-basta. Paastig lang pala ‘yan.”   “Basta. Tiwala lang.” Tinapik nito ang balikat ni Aaron saka tumingin sa akin. “Ano, Dre? Deal or no deal? Kapag umatras ka, automatic na kami ang panalo.”   “Of course, deal! Ang dali lang kaya ng pinapagawa mo.” Ngumisi ako sa kanya. “Ihanda niyo na ang pera niyo.”   “Assh! Kapag natalo talaga tayo, Ace, wala na akong allowance nito,” rinig kong maktol ni Aaron habang papalapit ako sa babae.   Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin naman ito sa sahig. Napatingin ako sa paa niya na parang may sinisipa kahit wala naman. Baliw ata ‘to, eh. Huminto na ako ng nasa harapan na niya ako, pero takte… hindi niya ako tiningnan. Nakayuko pa rin siya.   Tumikhim muna ako bago nagsalita, “Hi, miss.”   Dahan-dahan naman niyang iniangat ang ulo niya. Nakita ko ang mapupungay niyang mga mata. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong na-conscious sa sarili ko dahil sa tingin niya sa akin. Ngumiti ako nang matamis sa kanya saka inilahad ang kamay ko.   “I-I’m Luhan Lennon.” Napalunok ako dahil bigla akong nautal. Nakakailang naman kasi ang titig niya sa akin. “And you are?”   Medyo naiilang ako sa tingin niya pero nilalabanan ko at nakangiti pa rin ako sa kanya kahit pa medyo kinakabahan ako. May dumi ba ako sa mukha kaya titig na titig siya o baka naman naguguwapohan lang siya sa akin.   Napailing naman ako. I’m here for the bet, kaya wala akong dapat gawin kung hindi ang gawin ang pinunta ko dito. Dahil sa hindi ko mahawakan ang kamay niya dahil nasa bulsa pa din niya ito ay hinawakan ko na lang ang batok niya saka siya hinalikan sa labi.     What the!   “p*****t!” sigaw niya saka mabilis na tumakbo palayo sa akin.   Napahawak ako sa labi ko. Did she just… punch me?   “Astig, ah!” tumatawang sabi ni Aaron.   Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin ang dalawa. Hindi ko napansin dahil nakatingin lang ako sa paselyo kung saan dumaan ang babae.   Tumatawa naman si Ace saka tinapik ng isang beses ang balikat ko. “I told you. Hindi siya basta-basta. My instinct tells me. Mukha pa lang, maangas na.”   “You lose, Dre. Yes! Hindi na ako mawawalan ng allowance.” Nagbubunyagi sina Ace at Aaron dahil nanalo ang mga ito.   Hindi ko sila pinansin. Medyo nakaramdam ako ng kaunting hilo sa suntok na ‘yon, ah. Kababaing babae, ang lakas sumapak. Pero ‘yong labi niya, ang lambot. Napahawak ako sa labi ko dahil pakiramdam ko nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang labi. Napakunot-noo ako at napatingin sa kamay ko ng may maramdaman akong likido.   Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. “Anakng!”   “Pumutok ang labi mo, Dre. Ang lakas naman niya sumuntok, talagang pumutok ang labi mo, eh.” Malakas na tumawa si Aaron dahilan para ipunas ko sa bibig niya ang dugo na nasa kamay ko. “Eww! Yuck! Nakakadiri ka, Luhan!” Halos masuka ito sa pandidiri.   Naiiling na lang ako sa kaartehan nito saka napatingin sa dinaanan ng babae kanina saka napangiti.   Hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Alam ko, nararamdaman ko. Magkikita pa tayo, Miss Black.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.8K
bc

Rewrite The Stars

read
95.2K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
238.7K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook