BELLE POV
Nakaramdam na ako ng init ng katawan marahil sa wine na nainom ko. Hinubad ko na ang blazer ni señorito na suot suot ko pa din at inilapag sa aking legs.
Hindi pa din mawala sa isip ko. Siguro ganoon talaga siya ka-babaero. Sweet siya sa lahat ng babae kahit hindi niya girlfriend.
Buong akala ko ay bumalik na ito sa table namin ngunit nang may marinig ako na malakas na boses ng pag-babanta ay agad akong napalingon sa gawing iyon.
Namataan ko naman sila señorito at Josie na mukhang naghaharutan. Wala talagang pinipiling lugar. Kainis.
Eenjoyin ko na lang ang party kesa maglungkot-lungkutan pa kaya naman natuwa ako nang alukin ako ng wine ng barkada nito pagbalik ko sa table.
Wala naman akong karapatan na magselos o kung ano pa man.
Dapat iwasan ko na si señorito dahil baka ma-fall ako ng tuluyan dito at masaktan lang sa huli.
MIGUEL’S POV
“Migz!” Tawag sa akin ni Mico.
“What??” Malakas ang boses kong tanong dito. Habang nakatayo dito mismo sa pinto ng CR na wari’y sumisilip doon.
“Excuse me” rinig ko pang sabi ng isang babae na hindi makapasok doon dahil nakaharang ang katawan ko.
Ang tagal ni Belle lumabas ng CR at gusto ko ng pasukin ito dahil nag-aalala na ako kaso madaming mga pumapasok doon na babae at nahihiya naman akong magtanong.
“Wala na siya diyan, bro. Bakit hindi mo man lang napansin na nakabalik na siya ng table natin?” Tanong nito.
“What?? Humanda siya sa akin. Kanina pa ako mukhang tanga dito”. Galit na sagot ko dito.
“Hey relax. Maybe nakita ni Belle na magkasama kayong dalawa ni Josie kaya hindi na nagpaalam sa iyo”. Seryosong sabi nito.
Oo nga . Paano kung nakita kami ni Belle?
Naglalakad na kami pabalik ng table.
“Galit ba siya?” Tanong ko nang mawala na ang inis ko.
“Mukhang hindi naman at masaya ngang nakikipag kwentuhan doon”. Turo nito sa table namin.
Nawala ang pag-aalala ko dito. Akala ko nag-selos ito sa nakita kanina pero hindi. Para akong nanghinayang na makita ko itong masaya imbis na mag-selos.
Napaka-sexy nito ng matanaw ko. Wala na sa kanyang katawan ang blazer ko kaya naman kita ang kabuuang likod nito.
Nagsa-sayawan sila kasama ang debutant. Marunong pala itong pumarty. Napangiti naman ako sa nalaman.
“Are you okay?” Nag-aalala kong tanong kay Belle pag-tapos ko itong alalayang maka-upo.
Nag-bblush na kasi ang mga cheeks nito baka umepekto na ang wine.
“Oo naman, na-eenjoy ko yung party!” Sambit nito na Pagkatamis tamis ng ngiti.
“Good.” Sabi ko dito.
Inaabutan na naman ni Kyle ng wine si Belle nang titigan ko ito ng masama.
“Ay, sorry bro!” Sabi nito ng nakangiti.
“One down!” Pag-segunda ni Leo.
“That can’t be. Dapat may sasalo ng shot ni Belle kasi kumpleto pa tayo dito sa table!” “Sinong sasalo?” Sabi naman ni Jack.
Kinuha ko ang wine na inaabot kay Belle at ininom yun.
Sigawan naman ang resulta ng ginawa ko.
“Nice! Okay tuloy ang tagay!” “Walang uuwi ng hindi nalalasing dahil ito ang araw natin!” “Cheers!”. Mahabang sabi ni Kyle.
Tahimik naman si Belle. Tinatanong ko na ito ng kung ano-ano para may mapag-usapan kami pero hindi ito sumasagot.
Ang bilis naman mag-iba ng mood nito. Kanina lang ay okay naman kami.
Hinayaan ko na lang ito sa pananahimik. Mukha din naman itong enjoy sa pakikinig sa mga kalokohan ng barkada ko.
BELLE’S POV
Mabuti naman at medyo hindi na nakadikit sa akin si señorito. Napansin siguro nito na ayaw kong makipag-usap sa kanya.
Hindi niya man lang magawang magpaliwanag sa pag-uusap nila Josie.
Haay. Kung boyfriend ko lang ito kanina ko pa kinompronta kaso hindi eh. Wala akong karapatang magtanong. Baka mapahiya lang ako knowing sa ugali nitong may pagka-dragon.
Namumula na ang pisngi nito pero alam kong hindi pa ito lasing kahit sinasalo nito ang mga shots na para sa akin. Diretso pa din kasi ang tingin nito. Diretso sa akin.
Mukhang tumatagal ito sa inuman.
Ako naman ay medyo nahihilo na kaya mabuti na lang kinontra na ni señorito ang pag-papatagay sa akin. Hindi naman talaga ako sanay uminom. Napa-inom lang ako ng wala sa oras dahil sa inis na naramdaman ko kanina. Inis o selos? Bahala na.
Nakikinig na lang ako sa mga pagpapatawa nilang mag-babarkada.
Napunta sa seryoso ang usapan nila. Tungkol sa mga negosyo nila. Grabe, nakaka-lula. Ang dami nang narating sa buhay nitong mga kasama ko sa edad nilang 29.
“Ikaw Belle? What’s your plan after your study?”
Tanong sa akin ni Kyline. Nandito na din kasi ito sa aming table.
Kahit bata ito ay mas gusto nito makasama ang mga kuya na. Sabagay, 18 din ang edad ko at komportable naman ako na makausap ang barkadang ito.
“Hindi ko pa talaga alam, actually. Pero pangarap ko na maka-punta sa New York. Maganda daw kasi doon at malamig. Mag-aaral ako doon para sagot ng school lahat ng kailangan ko”. seryosong sabi ko.
“So, gusto mong pumunta sa New York para mag-aral?. Tanong ni Kyline.
“Hindi” natatawa kong sagot. “Gusto ko pumunta doon kasi maganda daw doon at mag-aaral ako para malibre lahat pati pamasahe and all, kung magiging scholar ako” paliwanag ko dito.
“Ha?” Nagulat naman ito.
“Bakit ka pa mag-aaral doon Belle? E kahit ngayon puwede ka naman dalhin ni Migz sa New York para mamasyal” sabi ni Jack.
Napatingin lang ako kay señorito.
“Oo nga Belle, may private plane yang si Migz kaya anytime, anywhere, he cares!” Pag-bibiro pa ni Kyle.
Natawa naman ako dito.
“I’ll make a schedule for that.” Nakangiting tugon ni señorito.
“O di ba!!” Sabi ni Kyline.
Tawanan naman ang lahat.
Naka-ilang love songs na ang nag-play nang tumayo si señorito at ilahad ang kamay sa akin.
Nawala na ang hilo ko ngayon dahil natigil na nga ang aking pag-inom ng alak.
“Shall we dance?”. Seryosong tanong nito sa akin.
Parang hindi si dragon ang kaharap ko ngayon sa sobrang amo ng mukha nito na medyo namumula na.
Naka-bukas na din ang unahang tatlong butones ng white long sleeves na suot nito.
Parang tutulo ang laway ko sa sobrang hot nito.
WOW! Sigaw ng isip ko.