MIGUEL POV
Napamaang akong tumingin sa nag-lahad ng kamay kay Belle upang yayaing sumayaw.
Halos mag-kasabay kaming nag-alok kay Belle sa dance floor.
Paki-ramdam ko namumula ang mukha ko sa galit. Ang lakas ng loob nitong alukin ng sayaw ang date kong ngayon.
Hindi ba nito halata na mag-kasama kami ni Belle dahil magkadikit kami palagi?
“Uh-oh..” narining kong sabi ni Leo.
Hanggat maaari ayokong gumawa ng iskandalo sa birthday party na ito pero mukhang hindi ko mapipigilan ang sarili ko.
“Who are you?” Tanong ko sa lalaking karibal ko.
“Hi, bro. I don’t give my personal information to strangers except to this gorgeous lady..”
Yumuko ito at inilahad muli ang kamay kay Belle. “Can I have this dance with you?”
Sh*t!!
Pasalamat siya tinanong ko pa siya kung sino siya dahil nandito kami sa party. Kung nasa labas lang kami sinapak ko na agad ito nung naglahad palang ng palad kay Belle.
Naka-kuyom na ang kamao ko at handa ko nang pakawalan ito sa mukha ng bastos na lalaki nang tumayo si Belle at inakay ako papunta sa dance floor.
Mabuti at hindi ko iyon sinapak kung hindi, maaaring matamaan si Belle nung tumayo ito.
Halos paatras akong nag-punta sa dance floor habang akay-akay ni Belle dahil hindi ko maialis ang paningin sa lalaki na iyon.
BELLE’S POV
Hindi pa din inaalis ni dragon ang tingin sa lalake.
Parang kinakabisado nito ang mukha niyon.
“Señorito” banggit ko habang marahan na tinapik ang cheeks nito. Magkaharap na kami ngayon.
“Sorry”. Sambit nito at tumitig sa aking mga mata habang hawak nito ang aking kamay at inilagay sa kanyang leeg bago hapitin ang aking bewang.
“Bakit po señorito. Sorry para saan?”.
“Nawala ako sa sarili ko dahil sa mokong na iyon”. Sabi nito.
“Masiyado kasi kayong mainitin ang ulo”. “Kayo padin naman ang pagbibigyan kong maisayaw ako kaysa sa lalaking iyon.” Sabi ko dito.
“Bakit?” Bulong nito sa akong tainga. Ramdam ko ang lips nito sa tuktok ng aking tainga.
“.. eh kasi ano.. hindi ko siya kilala. Malay ko ba kung anong gawin niya sa akin.” Pag-dadahilan ko dito.
Mas pogi naman si dragon doon no. May itsura din yun at mukhang mayaman pero mas may dating si señorito. Chaka di ko siya type.
“Talaga lang ha?” Patuloy na bulong nito sa akin na humigpit pa ang pagkakayakap.
Magkadikit na ang katawan namin ngayon at tanging ang mga damit lang namin ang nagpapahiwalay dito ngunit kahit ganoon pa man, ramdam ko ang init ng katawan ni señorito.
“Mabuti na lang at ako ang pinili mo, siguradong magkakagulo dito kapag sinapak ko iyon!” Patuloy ang pag-bulong nito. Naiilang na nga ako kasi nakikiliti ako sa tuwing ginagawa niya yun.
Kitang-kita ko ang dibdib ni señorito mula sa ilang butones na nakabukas sa suot nito.
Napa-tulak pa ako ng marahan dahil sa gulat nang maramdaman ko na parang may matigas na tumutusok sa pagitan ng hita ko.
“Ano iyon?” Wala sa loob na natanong ko.
Natawa ito ng medyo malakas.
“You’re so innocent” nakangiting sabi nito.
“And beautiful” himas himas ng isa niyang kamay ang cheeks ko.
“Lasing ka señorito?” Tanong ko dito dahil sa di maipaliwanag na pagka-sweet nito sa akin.
“Nope. Kung lasing ako, natumba na tayo”. Sabi nito.
Pinilig nito ang aking ulo papunta sa kanyang dibdib habang nag-ssway lang kami kasabay ng love song.
Napa-pikit ako ng marahan. Ang sarap ng ganito. Walang iniisip.
Naalala ko ang mga magulang ko. Ano kayang ginagawa nila ngayon?
MIGUEL’S POV
“Tell me, where were you came from?” Tanong ko kay Belle.
Naka-tapat ang mga labi ko sa noo nito dahil nakasandal pa rin ito sa dibdib ko.
“Bicol”. Sagot niya habang naka-pikit pa din ang mga mata.
“I want to go there, with you. May tinitingnan kasi akong property doon”. Pagdadahilan ko.
Gusto kong umpisahan pagkilala dito para mawala na ang galit ko dito dahil sa pag-papabaya niya na mawala na lang sila mom and dad.
“Okay”. Saad niya.
Ilang sandali pa kaming nagpatuloy sa pag-iinuman at inabot na kami ng alas dos ng umaga.
Alam kong tinamaan na din ako ng ispirito ng alak at nag-yaya na ako kay Belle na umuwi na.
“Uwi na tayo?” Tanong ko kay Belle habang tinititigan ko ito.
Pinipilit kong ituwid ang tingin ko pero hindi ko na kaya. Nag-dodoble na ang aking paningin.
Kinuha ko ang kamay nito at hinawakan.
Kung ako lang mag-isa hindi pa ako uuwi, nandiyan naman ang body guards para ihatid ako sa Mansion or dito na lang matulog.
Pero kasama ko si Belle. Responsibilidad ko ito.
“Kyle!” Tawag ko sa kaibigan ko nang sumang-ayon si Belle na umuwi na kami.
“Bro!” Lapit nito sa akin na pasuray-suray na.
“Uwi na kami”. Paalam ko dito.
“What? Is that you Miguel Villamor!?” “Ang aga pa!” Sabi nito.
“I know bro but Belle is with me”. Paliwanag ko dito.
“Oh. Oo nga pala. Sigi! Ride safe. Thank you sa pag-punta”. Sabi nito at tumingin pa kay Belle para magpasalamat.
“Belle, thanks. Mag-ingat ka dito!” Sabay turo ni Kyle sa akin.
“Oh shut up!” Pag-pigil ko dito. “Yung sinabi ko sa’yo ha??” Pag-papaalala ko dito.
“Yes Bro, akong bahala. I’ll call you.” Sagot nito.
Inutusan ko kasi itong ibigay sa akin ang information tungkol sa lalaki kanina. Hindi ko hahayaan na makalapit pa itong muli sa Belle ko.
“Bye, enjoy!” Paalam ko.
Nag-lakad na kami ni Belle na mag-kahawak kamay.
Dito na kami sumakay sa black Starex dahil hindi ko na kaya pang mag-drive.
Yung body guard na lang ang nag-maneho ng sports car ko.
Pag dating sa Mansion…
BELLE’S POV
Hinatid ako ni señorito sa kuwarto ko dahil mauuna itong daanan bago ang sa kanya.
Kanina pa ito nag-rereklamo sa sasakyan na nahihilo daw siya at naka-pikit lang buong biyahe habang hawak-hawak pa din ang aking kamay.
Kahit nahihilo, nagawa pa din naman nitong maglakad ng tuwid at hindi ko na ito kailangang alalayan pa.
“Sige na señorito magpahinga na din po kayo. Good night.” Paalam ko dito nang bigla itong yumuko at halikan ako sa mga labi.
Lumaki talaga ang mga mata ko sa nangyayari.
Hindi lang basta dampi kundi naglulumikot ang mga dila nito sa loob ng aking bibig.
Ito ba yung halik na sinasabi? Ang alam ko dampi lang ang kiss pero mas may ilalalim pa pala iyon.
Napaatras ako pero naglakad din si señorito palapit sa akin at niyakap na ako.
Narinig ko pa ang pag-kalampag ng pinto nang pasara niya itong hawiin habang hinahalikan ako.
“Teka. Teka”. Pag-saway ko dito.
“Why? Hindi mo ba nagustuhan?” Mapungay ang matang tanong nito.
“Hindi! Paano ko magugustuhan iyon e wala naman tayong relasyon señorito!”
“Mali ito señorito!”.
Binitiwan na ako nito at dumapa na sa kama. Humihilik-hilik na ito nang lapitan ko.
Naka-tulog na sa kalasingan. Kawawa naman. Hindi na nakapag-palit ng pang-tulog.
Saan ako matutulog ngayon? Halos sakop nito ang buong kama.