MIGUEL’S POV
Masakit ang tumatamang sinag ng araw sa aking mga mata.
Pumikit akong muli at kinapa ang kama.
Nasaan si Belle? Ang alam ko ay tinulugan ko na ito kagabi.
Umupo ako sa kama at napansin kong naka-sando at shorts na ako.
Marahil ay kumuha ito sa kuwarto ko ng masusuot ko. Napangiti pa ako sa isiping nakita nito ang aking katawan.
Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Belle na natutulog sa sahig sa gilid ng kama. Hindi ito tumabi sa akin sa pag-tulog.
Makapal ang sapin na hinihigaan nito na puro comforter.
Bigla akong nakaramdam ng awa dito. Bumalikwas ako ng bangon at tinabihan ko siya sa pagtulog.
Walang pag-sidlan ang tuwa ko na makita siyang muli.
Sisiguraduhin kong ito ang simula ng pagkakamabutihan namin.
Hindi ko na ito papakawalan pa. Napaka-ganda, sexy, ang lakas ng appeal at masipag mag-aral.
At mabait, sino bang makaka-isip na ibigay nito sa mga nasa lansangan ang sobra naming pag-kain na tinake-out niya.
May mabuting puso si Belle at iyon ang pinaka-nagustuhan ko dito.
BELLE’S POV
Marahan akong nagising sa aking pagkaka-tulog nang may maramdaman akong bigat aking leeg at sa aking tiyan.
“Señorito?” Tanging nai-bulong ko.
Komportable pa itong naka-yakap sa akin ngayon at naka-dantay pa ang legs sa aking binti.
Pinag-sisiksikan din nito ang kanyang mukha sa aking leeg.
“Hmm?” “Maaga pa”. Sagot nito.
“Hindi, teka!” Tinulak ko ito palayo.
“Bakit ka nandito at bakit ka ba dikit ng dikit sa akin?”
“Belle. I know this is not the right time to tell you…”
Nag-hihintay ako sa sasabihin nitong paliwanag nang bigla akong halikan nang mariin sa labi.
“Nevermind”. Tanging sabi ni señorito at tumayo na papuntang banyo na nasa loob ng kuwarto ko.
“Anong nevermind?!” “Pagtapos mo akong nakawan ng halik ng dalawang beses, nevermind lang sasabihin mo?”.
Lumabas din naman ito agad na nakapag ligo na at suot pa ang robe ko.
W*langhiya! Ginamit na naman ang robe ko at sigurado iniwan na naman niya ang mga damit niya dito!.
“Prepare yourself and let’s eat”. Seryosong utos nito.
“Hoy! Yung hinubad mo dalhin mo!” Sigaw ko dito nang palabas na ito ng pinto ngunit ngiti lang ang binigay na sagot sa akin nito.
Mabilis naman akong kumilos para iligpit ang higaan at naligo na din.
Kailangan kong matapos agad ang pag-aayos dahil may klase pa ako. Darating ngayon si Ma’am Cecile dahil hindi na pinayagan pa ni si Sir Gonzales ang maging tutor ko.
Napangiti pa ako ng makita sa laundry basket ang mga hinubad ni señorito. Mabuti naman kaysa noong nakaraan na sa sahig lang niya iniwan. Kung makita pa yun ng iba, baka isipin na may nangyari sa amin.
Iniling ko na lang ang ulo ko para mawala sa isipan ko ang mga bagay-bagay na hindi ko dapat iniiisp sa amin ni señorito.
“Pero ano yung halik na iyon?” Nalilito kong tanong sa sarili ko.
Nag-aayos na ako at naka-harap sa vanity mirror ko nang bumukas ang pinto na aking ikinagulat.
Sumilay doon ang mukha ni señorito na poging pogi sa porma nitong pang office.
“Bakit ang tagal mo? Bumaba ka na” utos nito sabay sara ng pinto.
Marahil at pababa pa lang ito sa dining at dinaanan na muna ako.
At hindi na talag- niya ako hinintay na sumagot.
Bastos talaga. Siguro kung pangit siya, hindi ako makakaramdam ng kahit konting crush para sa kanya.
Bakit ba kasi nag-mamadali ito. Ang aga-aga pa. 7 A.M. pa lang. kung gusto niya mauna na siyang kumain at umalis na siya di ba?
Bumaba na ako at naabutan kong nag-hihintay si señorito sa akin bago simulan ang pag kain.
“Ang tagal mong kumilos”. Anas nito at nag-simula nang kumain.
Hindi ko na lamang ito pinansin at nagsimula na ding kumain.
Naiilang pa ako dito dahil maya’t-maya ang sulyap sa akin.
“Excuse me” Mahinang wika ko nang matapos na akong mag breakfast.
Pumunta muna ako sa poolside dahil masyado pang maaga. 10 A.M. pa ang klase ko.
MIGUEL’S POV
“I am going there now, is there anyone that can accomodate me at this time?” Seryoso kong tanong sa kausap ko.
“Yes, sir. Medyo maaga pa po pero just give me an hour.” Sagot nito na halatang kakagising lang.
“Okay”. Maiksing sagot ko dito.
Kailangang mabili ko na iyon para di na mahirapan si Belle sa pag-aaral niya at para na rin hindi siya ma-boring dito sa Mansion.
Dahil malaki ang shares namin sa Mall kaya anytime puwede kaming mag-shopping doon. Tinawagan ko lang ang manager para masiguro na may haharap sa akin sa store.
Tinawagan ko din ang secretary ko at pinaayos ang schedule ko dahil medyo male-late ako ngayon at kailangan kong mag absent next week.
“Belle!” Tawag ko dito.
“Bakit?” Sigaw din nito sa akin dahil pasigaw din ang aking pagkakasabi.
Itong babae na ito, hindi na lang sumunod gusto pang nilalapitan eh.
“Aayyy!” “Ano ba!” Sigaw nito nang halikan ko ito sa leeg. Dahil naka-talikod ito sa akin kaya nagulat siya.
“Sumama ka sa akin.” Alok ko dito sabay agaw sa kamay niya.
“Saan na naman ba señorito? May klase pa ako” pag-rereklamo nito.
“Basta, tatawagan ko na lang si Mrs. Cecile na male-late ka ng kaunti.”
Sumakay na kami sa Starex at nagtungo na sa Mall.
“Sarado pa ang Mall ngayon señorito at ano na naman bang bbilhin mo at kailangang kasama pa ako?” Tanong nito.
“Parang ayaw mo ata akong makasama.” Pinalungkot ko pa ang mukha ko para maawa ito sa akin.
“Okay. Tara na.” Mabilis na sagot nito at naaawa nga ata sa akin kaya hindi na muling nagsalita pa.
“Saglit lang ito”.
BELLE POV
Wow! Ang daming gadgets!
“Sinama na kita kasi hindi ko alam kung anong gusto mo.” Pag-papaliwanag sa akin ni señorito.
“Bibili tayo dito?” Tanong ko.
“Oo. Magagamit mo iyan sa pag-aaral mo para hindi ka nakikitingin sa laptop ng tutor mo” saad nito.
Sumaya naman ang aura ko sa nalaman.
Namili na nga ako pero halos hindi din nasunod ang gusto ko dahil puro latest ang kinuha ni señorito. Ayoko sana niyon dahil sobrang mahal at baka hindi magkasiya yung laman ng binigay sa akin ni Ma’am Jean na atm card.
Pero mukhang maganda namang klase ang brand na ito kaya mahal.
Apple ang nakadikit sa laptop na binili ni señorito. Oo dahil siya na naman ang nag-bayad nito.
Kumuha na din ito ng cellphone at tablet. Magagamit ko daw lahat ito.
Nilalagay na nito ang card sa wallet at bahagyang nakayuko at nakatitig sa akin.
Pantay at ang kapal ng kilay nito. Ang lalim din kung tumingin parang nakakatunaw.
“Thank you, señorito” masaya kong sambit dito.
“Babayaran mo yan mamaya pag-uwi ko” Sabi nito sabay kindat.
Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa hiya. Tumingin pa ako sa paligid at mabuti naman at walang ibang tao. Body guards lang ang kasama namin na mukhang walang narinig at walang reaksyon.
“Hindi ko naman sinabing bilihan mo ako” reklamo ko dito.
“Okay lang yan Love. Magugustuhan mo din naman iyon mamaya” bulong nito sa akin nang maka-akbay sa akin at iginiya ako papunta sa sasakyan namin.
Pilit akong umalis sa pag-kakaakbay nito ngunit hindi ko magawa. Malakas ito.
At anong Love nanaman ang pinagsasabi nito?
Mukhang may sakit sa isip itong dragon na ito. Paiba-iba ang ugali at kung ano-anong pinag-sasabi.