Mabilis na nagdaan ang mga araw at halos hindi ko nakikita si señorito sa Mansion.
Mukhang busy ito sa negosyo nito. O baka iniiwasan na ako. Baka nay girlfriend na ito ngayon kaya nag-bago na nang pakitungo sa akin.
BELLE POV
“Manang Rosa… mag-papaalam po muna ako. Gusto kong bisitahin sila nanay at ang mga kapatid ko sa probinsiya”.
“Kung iyan ang pasya mo sige pero isama mo ang mga body guards dahil iyan ang bilin ni ma’am Jean” tugon nito.
“Opo”. Ma-ikli kong tugon.
“Kailan ba ang alis mo at nag-sabi ka na ba kay señorito?”.
Tumingin ako dito bago sumagot. “Mamaya na ho sana kasi may 1 week lang ako bago mag-start ang pasukan”.
“O siya sige, nakapag-empake ka na ba? Tulungan na kita.”
“Okay na ho Manang, nakapag-ayos na ako at konti lang naman ang dadhin ko dahil puro dress ang damit ko dito. Bibili na lang ho ako doon” paliwanag ko dito.
“Si señorito ho.. hindi pa umuuwi?” Hindi ko napigilang tanong dito.
“Umuuwi siya pero gabi na at maaga din naman umaalis”.
“Ganoon iyong bata na iyun. Nag-mana sa ama. Masipag naman iyon noon ang kaso ay na-spoiled nila senyora kaya ayaw na magasikaso ng mga negosyo nila. Panay pangingibang bansa ang ginagawa”. Mahabang sagot ni Manang.
“Mukhang ready na ang body guards mo.”
Banggit ni manang nang sumulpot sa aming harapan si Kuya Jordan at Mang Benjie.
“Sige na iha para makarating kayo agad doon at malayo pa ang lalakbayin ninyo” pag-papaalala naman ni Mang Benjie.
“Sige ho. Salamat”. Paalam ko naman sa kanila.
MIGUEL POV
“Manang..”
“Ppo s-señorito?” Halatang nagulat ito sa akin dahil nakatalikod ito habang may ginagawa sa kitchen.
“Si Belle? Wala siya sa kuwarto niya”. Tanong ko dito na umaasa na baka alam niya kung saan nagpunta ang babaeng iyon.
“Ah señorito. Akala ko ho nag-sabi na sa inyo at nagpaalam si Belle na magbabakasyon muna?” Balik na tanong nito sa akin.
“Huh? Why? Sinabi niya ba kung saan siya pupunta?” Nagmamadali ako na makuha ang sagot mula dito.
“E señorito sa probinsiya daw—“
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Manang at agad na akong tumakbo palabas at tinawag ang body guards.
“We’re leaving! Get the car!” Utos ko sa mga ito at agad nilang kinuha ang sasakyan.
“Señorito! Kasama niya ang body guards. Tawagan niyo na lang po kung nasaan na sila!” Sigaw ni manang sa akin nang maabutan ako nito.
Napansin ko nga na wala ang Innova red at marahil ito ang ginamit nilang sakyan.
“Sige ho!” Sagot ko kay manang.
Tumawag na ako sa airlines at ipinahanda ko na ang aking private plane.
Mag-plane ang plano ko para hindi mapagod sa biyahe.
BELLE POV
“Hello se-“ Narinig kong sagot ng driver ng sinasakyan ko sa cellphone nito pero hindi na ito muling nag-salita pa.
Dalawa lang ang sinama kong body guard. Pinaki-usapan ko ang mga ito na 2 na lang kasi nakakahiya sa mga kamag-anak ko sa probinsya. Baka kung anong isipin nila.
Parang galit yung kausap ni manong driver dahil halos marinig ko ang sigaw noong nasa kabilang linya.
“Manong bakit po tayo nandito?” Tanong ko dito nang mapansin ko na papasok kami sa airport.
“Ahh eh ma’am, mag plane na lang po tayo para mabilis ang biyahe”. Paliwanag nito.
“Ahh ganun ho ba, bakit hindi niyo sinabi agad. Akala ko po sasakyan lang ho gagamitin natin.”
“Pasensiya na po ma’am, napag-utusan lang na wag na sabihin sa inyo”. Sagot nito na naka-ngiti.
Hindi na ako naka-sagot nang bumukas ang pintuan sa gilid ng sasakyan.
Tumambad doon ang mukha ni señorito na bagong gupit ang buhok, pantay ang gupit sa balbas nito at naka-shades pa.
Ang hot ng dating nito kahit na t-shirt na gray at pants lang ang suot nito na tinernohan ng brown na sapatos na parang pang army kasi naka-high cut.
“Alam kong guwapo ako pero halika na at naka-ready na ang plane na sasakyan natin”. Sagot nito nang mapansin nitong matagal akong naka-titig sa kaniya.
OMG! Tanging naisigaw ko sa isip ko.
Inalalayan na ako ni señorito makababa ng sasakyan at nag-tungo na kami sa maliit na airplane.
“Wait here” bilin nito at lumakad palayo habang kausap ang mga body guards.
Naka-yuko lang ang mga ito na wari’y ay pinagagalitan.
Maya-maya pa ay sabay-sabay na silang lumakad papunta sa kinaroroonan ko.
“Let’s go, Love” aya nito habang hawak ang aking kamay at inaalalayang maka-kayat sa plane.
“Pinagalitan mo ba sila?” Tanong ko kay señorito nang makaupo na kami at tinutukoy ang mga body guards.
“Oo. Hindi dapat sila umaalis kasama ka ng hindi nagpapaalam”. Sagot nito.
“Eh ang alam namin okay lng kasi si ma’am Jean nman ang nagsabi na ppwde akong umalis kasama sila”.
“Ako ang magdedesisyon Belle”. “Dapat nagpapaalam ka sa akin”. Mahinahon na wika nito.
“Okay sorry”. Pag-hingi ko ng tawad.
“Ang tagal kong inasikaso itong pag-alis natin tapos iiwanan mo lang ako. Mabuti at maaga akong nakauwi”. Dagdag pa nito.
“Sorry na nga. Hindi ko naman alam na sasama ka pala”. Sabi ko dito.
“Sinabi ko iyon sa iyo noon” “inayos ko lang muna sa office bago tayo umalis para walang trabaho na matambak bago ako mag-absent.”
Naalala ko na. Oo nga pala, may project ito sa Bicol.
Ipinatong na nito ang braso sa aking hita at bahagyang ipinihit papunta sa gawi niya na dahilan para mag-dikit ang aking mga hita.
“Ang iksi ng suot mong skirt. Talagang inaakit mo ako” bulong nito sa akin.
“Wag kang feeling!” Naiinis na sambit ko. Taas talaga ng tingin nito sa sarili.
Inayos nito ang pag-kakaupo pati na ang pants na wari’y may naipit doon.