MIGUEL POV
Maliliit lang ang kabahayanan dito sa lugar nila Belle.
Simple ang pamumuhay ng mga tao dito. May ilan-ilan pang sumisilip sa mga bintana upang panoorin ang pag-dating namin.
Inagaw na ng kadiliman ang liwanag kaya naman madilim na sa paligid dahil konti lang ang street lights dito.
Hinatid lang kami ng body guards at sinenyasan ko na ang mga ito na umalis na.
Sinabihan ko na sila na mag-stay na lang sa resort namin na di naman kalayuan dito at kokontakin ko na lang sila kapag kailangan ko.
May yumakap kay Belle pagka-bukas ng pinto na iyon.
“Anak! Miss na miss na kita” maluha-luha na sambit ng babae. Marahil ito ang Mommy ni Belle.
“Ako din po ma” parang naiiyak ang boses na sagot ni Belle.
Napa-baling ang tingin sa akin ng babae nang mapansin ako nitong nasa likod ni Belle.
“Good evening, Nay” nakangiti kong sabi dito at kaagad na humalik sa kamay nito.
Nagulat naman ito sa aking ginawa at nakita kong pinigil ni Belle ang tawa nito.
Itong babae na ito talaga! Hindi na nga ako pinakilala pinagtatawanan pa yung pag-bati ko sa Mommy nito.
“May kasama ka pala Belle” sabi nito kay Belle na tinititigan ako pati ang mga dala kong mga bag.
Tig-isa lang kami ng bag at kaunti lang ang dinala naming mga damit.
“Pumasok na muna kayo. Kumain na ba kayo?” Tanong agad nito sa amin.
Mukhang mabait naman ito at maputi. Palagay ko ay dito na-mana ni Belle ang kulay nitong maputi.
“Hindi pa nga Nay, akala ko kasi sasakyan lang ang gagamitin namin at sa stop over na lang kakain”.
“O sige kumain muna kayo”. Nag-hahanda ito ng pagkain sa lamesa at papalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Belle.
“Tay!” Sigaw ni Belle at yumakap sa lalaking kararating lamang.
“Belle. Kamusta ka na? Mabuti nakapasyal ka. Pa-punta na sana ako doon next week para kamustahin ka. Nag-iipon lang ako ng pamasahe kaya hindi agad ako makaalis”. Mahabang tanong ng kaniyang ama.
Tumayo naman ako sa pag-kakaupo at nakipag shake hands sa Daddy ni Belle.
“Good evening po Tay.” Pag-papakilala ko dito.
Wala yatang balak si Belle na ipakilala ako. Haaay. Itong babae talagang ito.
“I go here with Belle because she missed you and she’s going to get busy in her study next week”. Pagpapaliwanag ko sa mga ito dahil nakikita ko sa mga tingin nila ang pagtatanong.
Nag-tinginan lang naman ang mag-asawa.
“Wow ate, Englishero” natutuwang bigkas ng dalagita.
“Eh bakit po sumama pa kayo dito? Boyfriend ka po ba ni ate?” Tanong ng batang lalaki.
Marahil ay mga kapatid ito ni Belle na nagsulputan din sa likod ni tatay.
“Shh.. Jelo wag kang makikisabat sa usapan ng matatanda.” Saway naman ng dalagita.
“Nag-tatanong lang naman ate. Okay lang naman na ikaw ang boyfriend ni ate Belle kasi pogi ka katulad ko” pag-papatuloy nito.
Napa-ngiti naman ako sa sinambit nito. Marunong tumingin ang bata sa murang edad nito.
Napa-tingin ako kay Belle at kinindatan ko ito.
Snob lang ang natanggap ko mula dito pero okay nadin dahil nagsi-tawanan naman ang pamilya.
“O siya! Kumain na muna kayo at lumalalim na ang gabi” sambit ng nanay nito.
BELLE POV
Halos magpa-karga na si Jelo kay señorito habang nakikipag-laro dito.
“Jelo, halika dito. Payakap naman si ate!”
“Wait lang po. Nag-lalaro pa kami ni kuya pogi eh” pag-suway nito.
“Ay? Parang nagtatampo si ate Belle. Akala ko namiss mo din ako, hindi pala?” Pagtatampo ko kunyari.
Mukhang mas gusto pa nito ka-bonding si señorito kaysa sa akin.
Binulungan ito ni señorito at mabilis na tumayo palapit sa akin at niyakap ako.
Humalik din ito sa aking pisngi.
“Ayan! Wag ka na magtampo ate!” Pinisil pa nito ang aking pisngi.
Gumanti naman ako ng pag-pisil dito!
“Ikaw talaga! Ang cute cute ng kapatid kong ito!” Gigil kong sambit dito.
“Jelo. Tawag ka na ni tatay at matutulog na daw. Pagod sila ate kaya naman bukas ka na mangulit”. Pag-aya ni Bianca, kapatid kong sumunod sa akin.
“Ate, sana bago ka makabalik ng Maynila makapag-swimming muna tayo, para makapag-bonding din kasi baka matagal ka pa bumalik ulit”. Paglalambing nito sa akin.
“Oo, chaka kaya ako umuwi dahil kkunin ko din ang number ni Nanay para naman makakatawag ako sa inyo palagi” naka-ngiti kong sagot dito.
“May cellphone ka na ate?” Excited na tanong nito.
“Oo” tipid kong sagot.
“Wow! Kamusta ka naman sa Mansion. Hindi ka ba pinapahirapan doon?” Nag-aalala nitong tanong.
Napasulyap ako kay señorito bago sumagot.
“Hindi naman. Mag-aaral akong mabuti para makatulong din kay nanay sa pag-aaral ninyo ni Jelo” seryoso kong sagot dito.
“Salamat ate!” Sabay yakap sa akin.
“Bianca! Pagpahingahin mo muna ang ate mo, halika na dito.” Pag-aya ni Nanay.
“Sige ate. Bye” mukhang gusto pa nitong mag-kwentuhan kami pero pinigil na ni Nanay.
Tumayo naman ako at pumasok na sa isang kwarto.
Dalawa lang ang silid sa aming bahay at eksaktong kama at kabinet kang ang kasya.
Hindi ko na kinausap pa si señorito. Bahala siya kung saan siya pupuwesto sa pag-tulog.
“Hey.” Mahinang wika ni señorito. “Balak mo ba akong iwanan dito sa sofa?”
“Maghanap ka na lang ng matutulugan diyan, señorito”.
“No. Tabi tayo.” Sambit nito na nagpa-kilig naman sa akin.
“Hindi pwede. Wala naman tayong relasyon señorito.
“Anong wala?” Tanong nito.
“E.. hindi naman ho kayo nanligaw sa akin kaya friend lang po tayo” mahinang sabi ko dito dahil sa ayokong maistorbo pa ang mga magulang ko sa pag-tulog.
“Girlfriend na kita at boyfriend mo na ako”. Pag-dedesisyon nito.
“Hindi pwede señorito”.
“Come here, let’s sleep”. Hinila nito ang kamay ko na noon ay naka-higa na sa kama.
Sa ginawa nito ay natumba akong padapa sa ibabaw nito.
Pakiramdam ko namula ang pisngi ko habang siya naman ay naka-ngisi lang na parang nang-aasar.
Umayos na ako ng pag-higa at lumayo dito ng kaunti dahil nakakaramdam ako ng init kapag napapadikit ako sa katawan ni dragon.
Mabilis naman ang ginawa nitong pag-pigil sa akin at pag-halik sa aking nga labi.
Napatulala ako sa bigla nitong ginawa. Naka-ibabaw na ito sa akin.
Naglalaro ang dila nito sa loob ng aking bibig at madiin iyon kaya hindi ko ito maitulak.
Ilang minuto pa kaming nasa ganoong sitwasyon bago nito hiwalayan ang aking labi.
Aaminin ko na masarap iyon. Ang tamis ng mga labi ni señorito.