MIGUEL POV
“Hindi mo alam kung gaano ko gustong angkinin ka ngayon Love. Matagal na kitang pinag-nanasaan na makuha pero hindi pa pwede. Hindi ka pa ready at masiyado ka pang bata para dito.”
Naka-titig lang ito kagabi sa akin at hinalikan ko na sa noo.
Maaga akong nagising dahil halos hindi ako naka-tulog dahil sa feeling kong uncomfortable sa hinihigaan namin. Matigas ito, masikip sa kuwarto at wala ding aircon.
Tinginan ko si Belle at mahimbing naman ang tulog nito kaya lumabas na ako ng room.
Nakita ko na gising na ang parents ni Belle.
“Good morning po” bati ko sa mga ito na noon ay nag-cocoffee sa maliit na table.
“Gising ka na pala. Halina at mag-kape muna. Ano bang kinakain mong almusal?” Pag-aalalang tanong nito.
“I’m okay with the coffee po” sagot ko dito.
“Anong relasyon niyo ng anak namin?” Tanong naman ni Tatay.
“Eto naman. Nakikita mo naman sa kilos ng mga bata bakit tinatanong mo pa?” Sabat ni Nanay.
“Naniniguro lang dahil hindi man lang pinakilala sa atin ni Belle.” Paliwanag naman nito.
“Opo. Girlfriend ko po ang daughter ninyo, si Belle.” Proud kong sabi sa mga ito.
“Kailan kayo nag-kakilala? At kailan ka nanligaw bakit ang bilis ka naman sagutin ng anak ko e halos may isang buwan pa lang siyang umalis dito?” Mahabang tanong nito.
“Sa Mansion po kami nagkakilala ni Belle”. Magalang na tugon ko dito.
“Mukhang bata ka pa. Trabahador ka din ba sa Mansion? Hindi halata sa itsura mo. Mukha kang anak mayaman”.
“I’m Miguel po by the way. And 29 years old. May mga business na din po akong naitayo”.
Pagsasabi ko dito dahil napagkamalan ako nitong trabahador at ayaw ko namang sabihin na anak ako ng mga Villamor dahil gusto ko pang makilala ang pamilya ni Belle.
Iniiwasan kong magsabi ng tungkol sa yaman ko dahil ayokong magustuhan nila ako dahil sa pera ko lamang.
“Tama na nga yang interview mo sa bata. Mabuti at sumama dito para makilala naman natin. Marami pang pwedeng mangyari. Mga bata pa sila kaya hayaan na muna natin mag-enjoy sa relasyon nila.” Pag-saway ni Nanay.
Tumayo na si Tatay at lumabas patungo sa dulong bahagi ng bahay.
Sinundan ko ito.
“Tay, what’s that?” Tanong ko sa mga hawak nitong maliliit na kahoy.
“Panggatong. Ginagamit ito sa pagluluto dito sa probinsya”. Paliwanag nito habang tinataga iyon.
“Bakit po nagtatiyaga pa kayo jan at hindi na lang bumili ng malulutuan. Marami na pong lutuan ngayon na available sa market or groceries”.nagtataka kong wika dito.
Tumawa ito ng marahan.
“Iho. Mahal iyon. Hindi namin kaya at isa pa magastos sa gasul o kaya sa kuryente”.
Tumango-tango na lang ako.
“Paano ho ba iyan?” Tanong ko dito habang inoobserbahan ito.
“Gusto mong subukan?”
“Pwede po ba?”
“Oo naman. Madali lang ito. Kita naman sa katawan mo na kayang-kaya mo ito. Basta steady mo lang ang hawak dito sa pang-Taga at diretso ang tingin sa gitna ng kahoy” pag-tuturo ni Tatay.
Sinubukan kong itaga doon sa kahoy ang hawak ko.
Hindi nga ako nag-kamali. Sapul!. Kayang-kaya ko naman pala.
“Oh. Ang galing mo iho, isang beses mo pa lang sinubukan nakuha mo na agad!” Natutuwang sambit nito.
Paano ba naman kasi, nasubukan ko na din sumali sa kung ano-anong sports at nka-akyat nadin ako sa mountains kaya naman hindi na iba sa akin ang ganitong gawain.
“Salamat Tay. Saan pa ho ba ang tatagain?” Paghahanap ko sa mga kahoy.
“Ah eto. Puwede na ito. Mga tuyong kahoy. Kaya mo na ba? Hindi ba’t nakakahiya sayo?”
“Ay hindi ho Tay, ayos lang” nakangiti kong sagot dito.
“O sige, maiwan muna kita diyan at magpapakain ako ng mga alagang baboy at manok” Nakangiti pa ding wika nito.
BELLE POV
“Nay, si Miguel po?” Nag-aalala kong tanong dito pag labas ko ng kuwarto.
Baka mamaya kasi ay lumabas ito at maligaw pagkatapos sa akin pa magagalit.
“Ayun oh. Naka-hanap ng utusan ang Tatay mo”. Turo ni Nanay sa labas ng bahay.
“Anong? Nagsisibak ng panggatong? Marunong ba iyan?” Nag-aalala kong tanong dito nang makita ko itong abala sa pagsisibak.
“Siguro e kaya nga iniwan ng tatay mo oh?”
“Sige na tawagin mo na ang nobyo mo. Nakakadami na iyan baka pagod na at nakahanda na din ang almusal”. Utos nito.
“Ha? Hindi ko iyan boyfriend Nay!” Pamaktol kong sabi dito.
“Itigil mo iyang kaartehan mo Belle! Sinabi na ni Miguel sa amin ng Tatay mo ang relasyon niyo. Hindi mo na kailangan pang itago.”
“Ano?!” Nagugulat kong tanong dito.
“Sige na. Baka mamaya maagaw pa iyang nobyo mo ni Aubrey”.
“Ha? Bakit”. Tanong ko dito.
“Ayun oh. Tingnan mo. Binibigyan ng tubig ni Aubrey ang nobyo mo”. Sabay turo sa lugar nila.
Nakita ko naman na naka-tingin sa gawi namin si Miguel at mabilis na kinuha ang tubig na iniaabot ni Aubrey at agad na ininom iyon.
Si Aubrey ang kapit-bahay namin dito na dalagang dalaga na kung mag-suot pero kasing edad lang ito ni Bianca, 15 years old.
Lagi itong active kapag may mga bagong salta sa amin. Laging nagpapapansin sa mga bisita.
“Naku. Hayaan mo sila Nay!” Tumalikod ako at pumunta na sa lamesa para sumandok na ng pagkain dahil nagugutom na din ako.
Dito ko na binaling ang inis ko sa nakita ko. Inis o Selos?
Basta! Naiinis ako. Talagang tinanggap niya pa iyong tubig na iyon e meron naman dito.
Chickboy nga talaga. Ang lakas ng loob na ipagsabi dito na may relasyon kami tapos kung makapaglandi sa ibang babae dito pa sa bahay namin!