Ibang sasakyan ang dina-drive ni dragon ngayon. Two-seater ito at kulay pula. Himalang siya ang nag-ddrive at wala kaming kasama sa loob ng sasakyan.
Pero may nakasunod sa amin, mga body guards.
Marunong naman pala ito mag-drive.
MIGUEL
“Debut party ang pupuntahan natin.” Wika ko na siyang bumasag sa aming katahimikan.
“Okay”. Tipid na sagot nito.
“You know Kyle, right?” “Sister niya ang may birthday”. Pagpapatuloy ko habang nakatuon padin ang paningin sa kalsada.
“Uo naman.” Muling sagot nito.
Patuloy lang ito sa pagmamaneho.
“We’re here!” Wika ko pagkapasok ng sasakyan sa Mansion.
Kaunti pa lang ang mga tao at iilang sasakyan pa lang ang natatanaw ko.
Nakatapat ang sinasakyan namin dito sa malaking pinto ng Mansion at kita ko ang namamanghang tingin ni Belle sa paligid.
BELLE
Napapitlag ako ng maramdaman ko ang braso ni señorito na dumikit ng marahan sa tuhod ko.
Binuksan nito ang compartment na noon ay nasa aking harapan at kinuha ang box na nandoon.
“Here.” Sambit nito ng buksan ang box at makita ko na may necklace doon.
Napamaang akong tumingin kay señorito.
“Talikod. Ako na mag-lalagay nito.” Muling wika nito.
Hinawi niya ang aking buhok para makita ang aking batok at maikabit na ang necklace.
Ramdam ko ang init ng hininga nito na dumadampi sa aking batok.
“It came earlier than I thought”. “Akala ko dadaanan pa natin sa jewelry shop kanina.”
“Thank you” pasasalamat ko dito.
“Walang anuman. Para magkaroon ka naman ng class”. Muling pang-aasar nito.
Naku talaga dragon! Tanging snob na lang ang ibinato ko dito.
Mukhang mamahalin iton kwintas. Kulay silver ang chain nito na halos nakadikit sa aking balat sa sobrang nipis na siya namang nagmumukhang glitters kapag tinatamaan ng liwanag. Idagdag pa ang pendant na hugis teardrop na kulay black.
Mabilis na itong bumaba ng kotse at naunahan ako nitong buksan ang pintuan sa aking gilid.
“Thank you, señorito”. Pasasalamat ko dito.
Tumango ito sa isang lalaki na noon ay naka-abang sa amin at mabilis na tumalima at sumakay ng sasakyan upang i-park ito ng maayos.
“Mr. Villamor!” Kinikilig na wika ng isang babae.
“Hi”. Sagot nitong naka-ngiti at humalik pa sa pisngi noong babae.
Napatingin sa akin ang babae lalo na sa aking kwintas.
“Nice necklace” hindi napigilang bati nito na hindi pa din mawala ang tingin sa aking leeg.
“One and only necklace released by YANA JEWELRY..” pagpapatuloy nito.
Hindi ko lang ito pinansin. Ano bang pinagsasabi nito?
Nahalata nito na wala akong reaksiyon sa pag-puri niya at agad na nagpaliwanag.
“YANA JEWELRY. They sell jewelries made from genuine stones collected from different countries.” Pagpapatuloy nito.
Tumango lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot dito. Naiinis na ako sa babaeng ito ang daming sinasabi hindi na lang ako deretsyohin.
At ito namang si señorito nakangiti lang.
“That costs more than 25 MILLION at wala yang katulad dahil yan lang ni-release nila”.
Nagulat ako sa nalaman ko. 25 M??? Seryoso ba ito?
“Kaya ingatan mo” ngiti ng babae sa akin.
Mukha itong mabait kahit papano hindi katulad nung Josie.
Hmpp. Sino na naman kaya itong babae. Malamang isa ito sa collection ni señorito. Parang nakaramdam ako ng kaunting selos mula rito.
Nagkamustahan ang dalawa ng dumating si Mico at nginitian ako.
“Hi, Belle” bati nito sa akin na tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
Ito ang medyo tahimik sa barkada ni señorito kaya naman palagay ako dito dahil siguradong hindi ito mang-aalaska.
Hindi din maikakaila na galing din ito sa mayamang pamilya base sa porma at itsura nito.
“You look beautiful, Belle” mahinang pag-puri nito sa akin na akmang hahalik sa aking pisngi.
“Hello, Mico” ipiniling ko ang aking pisngi hudyat sa pagpayag kong mag beso-beso kami.
Pero hindi natuloy yun. Siyempre, si señorito Miguel gumawa na naman ng move na akala mo aagawan ng babae.
Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa aking bewang at marahang hinila sa tabi niya habang nakamasid kay Mico.
Napatingin naman si Mico at ang babaeng kausap niya kanina kay Señorito.
“Ehem”. Pag-pukaw sa sitwasyon ni Kyle.
Agad naman itong naintindihan noong babae at nagsalita. “Ahmm, table No. 3 Mr. Villamor, let’s go?” Nakangiti nitong pag-aya.
Tumango naman si señorito at inakay na ako sa aming uupuan.
Hinila nito ang upuan at masuyo akong pina-upo.
“What’s that Migz?” Tanong agad ni Jack.
Nandito na pala si Jack at Leo.
“What?”. Maang na tanong ni señorito.
“Yung ginawa mo kay Mico?” Tanong ni Leo.
“Anong ginawa?” Pag de-deny nito. Hinayaan ko lang silang mag-usap at wala ako sa mood ngayon dahil gusto kong i-enjoy ang party.
“Come on bro, you know Mico. Sa ating magbabarkada yan ang Santo”. Exaggerated na Sabi ni Jack.
KYLE POV
“He tried to kiss Belle”. Mahinang sabi ni Migz.
“Yeah, we saw, sa cheeks. And so?” Mahina ko ding Tanong dito nang makasunod ako sa kanila.
Alam kong hindi nakikinig si Belle at nakatingin lang sa paligid.
“Girlfriend mo ba?” Tanong naman ni Leo. Tatlo na kaming nag-iimbestiga.
Hindi sumagot si Migz.
“You know what, kahit girlfriend mo si Belle or hindi, hindi mo dapat ginawa iyon. Parang nabastos si Mico eh babati lang naman siya kay Belle”. Sabi ko dito.
Lumingon ito sa gawi ni Mico at kinawayan papalapit sa amin.
Lumapit naman ito agad sa kinaroronan namin.
“Bro!” Pag-kamay ni Migz dito. “Sorry about earlier” paghingi ng paumanhin nito.
Gulat naman kaming tatlo sa ginawa nito. Hindi ito humihingi ng sorry kaya kami nag aalala pero sa nakita namin, mukhang okay na.
“No prob, bro” nakangiting sagot ni Mico at tuluyang umupo na sa aming pwesto.
“So.. cheers??” Magiliw na tanong ni Jack at kinuha ang wine na nasa table sa tapat niya.
Kanya-kanyang kuha kami ng glass at itinaas iyon at sabay na hiyawan!
Naagaw naman namin ang atensiyon ng iba pang bisita sa paghiyaw ng barkada.