BELLE
Ano na naman kayang iniisip ni Dragon? Naiinis pa din ako dito. Ano bang akala niya sa akin? Jowa niya na pwede niyang yakap-yakapin?
Teka, baka may sakit si señorito? Yung sakit na di mapigilan ang sarili. May naririnig akong ganoon e or baka m*añiac siya?
Para akong natatakot tuloy sa kanya. Dapat ay iwasan ko na ito.
Naka-rinig ako ng mahinang katok sa pinto ng aking kuwarto.
“Sino yan?” Tinanong ko muna ito bago pinag-buksan. Baka mamaya si dragon na naman eh.
“Iha, naka-handa na ang tanghalian”. Sagot ni Manang Rosa.
“Agad ko itong binuksan at sumabay na patungo sa dining”.
“Ahmm Manang..?”
“Ano iyon?”. Sagot nito. Lumingon muna ako sa bandang dulo ng isle para siguraduhin na wala si señorito sa paligid.
“May sakit ho ba si señorito?”
“Ha? Wala naman akong alam na sakit niya. Anong klaseng sakit ba?” Nagtatakang Tanong nito.
“Hmmm..” nag-aalangan pa ako kung magsasabi ako dito.
Naka-upo na ako sa mesa at kakain na kaya pinagpaliban ko muna ang tanong ko dito.
“Ano yun , iha?” “Natatakot ka ba kay señorito? Pag-uusisa nito.
“Wag niyo na po sanang sabihin kahit kanino. Kasi ho parang may sakit siya. Nung nasa mall kami hawak niya ang kamay ko habang naglalakad at pinipisil pa yun”.
“Ohh talaga?” Kita ko ang gulat sa mga mata nito.
“Tapos bigla ho siyang nangyayakap?”. Dagdag ko dito.
“E wala akong ibang nakikita na mali sa ganyang gesture at ang ibig sabihin nun ay nagliligawan kayo” masayang wika nito.
“Hindi, manang. Natatakot tuloy ako, baka may sakit siya na m*aniac?” Nag-aalala kong sambit.
Tumawa ng malakas si Manang. Ano kayang nakakatawa e natatakot nga ako.
“Naku iha, imposible yan. Yang si señorito ay habulin ng chiks!” Sabi ng driver na si Mang Benjie.
“Pasensiya na Belle at nakisali ako sa usapan niyo at hindi inaasahang narinig ko ito. Hahahha. Imposible yan iha. Palagay ko tinamaan sa iyo ang señorito namin”. Sabay higop sa tasang may kape.
Tinuloy ko na lang ang pagkain ko dahil mukhang wala akong kakampi dito.
Nagpasya akong umakyat na muna ng kuwarto para magpahinga ngunit napahinto ako ng marinig ko si Manang Rosa na may kausap sa telepono.
“Mukhang okay ang plano ninyo Senyora” halos pa-bulong na sabi nito. Hindi ko marinig ang iba pa nitong sinasabi dahil sa sobrang hina at parang kinikiliti pa ito na impit ang pagtawa.
“Belle!” Malakas na tawag sa akin ni Mang Benjie.
Binaba na agad ni Manang Rosa ang telepono at tumingin kay Mang Benjie.
“Anong kailangan mo at napadpad ka dito sa servant’s quarter?” Nakangiti nitong tanong sa akin.
“Ahh. Magpapahinga na sana ako kaso hinahanap ko si Manang at magtatanong lang kung may paracetamol po ba kasi parang binibiyak ang ulo ko. Napasobra ata ang stress ko today.”
“Oo iha, meron tayo niyan” lumakad na ito papunta sa first aid kit na naka-sabit sa dingding sa kitchen.
“Huwag kang mahihiyang mag tanong at tawagin si Rosa kapag may Kailangan ka Belle”. Saad ni Mang Benjie.
“Oo nga Belle. Huwag ka din bigla na lang susulpot at magugulatin ako” nakangiting payo nito sa akin sabay abot ng gamot.
“Opo, salamat, mauna na po ako”.
Hindi naka-ligtas sa paningin ko ang pagpalitan ng tingin ng dalawa.
Nakaramdam na ako ng antok ngayon dahil sa epekto ng gamot. Siniguro kong nai-lock ang doorknob ng kuwarto para tahimik akong magpapahinga at walang buwisit na biglang papasok dito.
MIGUEL
4 P.M.
“Hello?” Sagot ko sa tumawag mula sa aking cellphone.
“Migz, ano, tuloy ba?” Tanong ng nasa kabilang linya.
“Yeah. I’m preparing” sagot ko dito.
“Anong “I’m”? Hindi mo kasama si Belle” nangungulit na tanong ni Kyle.
“I’ll come with her”. Simpleng tugon ko.
Hindi alam ni Kyle na hind ko pa nga na-invite si Belle. Sana lang at nasa mood ito na sakyan ang kalokohan ko.
18th Birthday ng kapatid nito, si Kyline, kaya naimbitahan ako at isama ko daw si Belle dahil gusto nila ng maganda at desenteng bisita.
“Alright! Ang lakas mo talaga sa babae!”. Pang-aalaska nito.
“You know me, haha”. Sagot ko.
“Sige na, I’ll call na yung barkada”.
“K, bye.”
Kinakabahan ako. Paano kung hindi pumayag si Belle na sumama sa akin at maging escort ako sa party?
Kung magkataon, siya pa lang ang tatanggi sa akin at siya lang ang nag-iisang babae na inalok ko.
May pagka amazona pa naman iyon at gagawin ang gustong maisipan. Tsk.
Nag-pasya na akong puntahan ito sa room nito ng nakapag-ayos na ako.
Napa-ngiti ako nang malaman kong naka-lock ang pinto nito. Natuto na din. Agad kong binuksan ang pinto gamit ang duplicate key.
Nandito ako sa closet ni Belle at naghahanap ng magandang dress na babagay sa debut party.
“HOY!!!” Sigaw nito. Parang hindi babae kung makasigaw. Hindi ko na ito pinansin pa.
“Isuot mo ito at bumaba na. Aalis tayo at hindi ka pwedeng tumanggi dahil ito ang kabayaran mo na hinihintay ko”. Inabot ko dito ang napili kong dress na isusuot niya at lumabas na ng kuwarto.
BELLE
Sh*t!
Sh*t talaga!
Kailan ba ako magkakaron ng katahimikan sa buhay ko?
Nagdedesisyon na naman siya! Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa dress.
Ano na naman ba ito?.
Matapos ko lang talaga itong klase ko sa tutor this month, uuwi ako sa amin. Kailangan kong makawala dito sa Mansion para magkaroon ng katahimikan bago magsimula ang pasukan. Or baka hindi na ako bumalik.
Haay. Napa-buntong hininga ko.
Nag-lagay ako ng medyo heavy make-up dahil mukhang class night party ang pupuntahan namin ni señorito base sa oras ngayon at sa napili niyang dress na isusuot ko.
Lumabas na ako ng kuwarto at nakita kong naghihintay na si señorito sa living room. Ang pogi niya. Mukha siyang 20’s lang kahit nasa 29 na ito.
Marami na akong nalaman tungkol dito dahil sa chikahan namin ng mga nandito sa Mansion.
Ilang taon ang agwat namin pero mas mukha itong bata sa akin kapag t*nopak.
Playboy, one and only child, super yaman.
MIGUEL
Wow! Tanging sambit ko sa mahinang boses. Ang ganda ng ayos ni Belle.
Para siyang diyosa. Innocent. Timid. Bumagay dito ang napili kong dress na silk, color black at litaw ang buong likod nito. Pinarisan niya ito ng black sandals na may heels. Napaka-sexy nito tingnan.
“Ano?” Tanong nito na siyang pumukaw sa akin.
“Ang ganda mo Belle” hindi naiwasang bulalas ni Manang Rosa at sabay na nagbulungan ang iba pang kasambahay.
“Well, Wow!” puri ko kay Belle.
“You look pretty but it will not change the fact that you are an amazona”. Pang-aasar ko para itago ang paghanga ko dito sabay kinuha na ang kaniyang kamay at isinukbit sa aking braso.
Mahinang kurot naman sa tagiliran ang sagot nito sa pang-aasar ko. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.
Hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko kinakabahan ako pag kasama ko siya at baka may magawa na naman akong hindi tama kapag may ibang lumapit dito.
Ah basta, akin siya ngayong gabi dahil ako ang escort niya.