Miguel’s POV
Mabilis kong tinapos ang aking pagligo. Hindi ako papasok sa Office today dahil sa hang over na kanina ko pa iniinda. Isa pa, may lakad din ako mamaya at naisip kong sabihin na kay Belle ang parusa niya sa ginawa niyang pagpapabuhat sa akin sa Mall.
Well, ayaw niya nga magpabuhat pero I insisted. Kahit ginusto ko iyon, dapat siyang magbayad.
Pagbaba ko ay agad akong luminga linga sa paligid.
“Si Belle, Manang?” Tanong ko kay manang habang nag pe-prepare ng pagkain ko sa dining.
10 o’clock na at alam kong naka-bangon na sa higaan iyon.
“Nandoon po sa Garden señorito, ngayon ang first day niya sa pag-aaral”.
Tango lang ang ibinigay ko dito. “Water lang Manang, malamig na malamig”. Agad naman itong tumalima sa pag-kuha sa Kitchen.
Belle’s POV
Nagulat ako ng makita kong lalaki ang Tutor na kaharap ko ngayon sa garden kasi ang alam ko babae iyon dahil naka-usap ko na sa telepono.
“Good morning Madame Belle” bati nitong naka-ngiti at inilahad ang palad papunta sa akin para makipag-kamay.
“Good morning, sir. Kayo po ang tutor ko?”. Tanong ko dito pagkatapos namin mag shake hands.
May itsura ito at mukhang mayaman din. Ang fresh ng face niya. Bagong gupit ang buhok. Mukhang pinaghandaan ang first day namin.
“Yes Madame. Sorry at hindi po kayo na-inform kaagad ni Ma’am Cecile, biglaan po na may kailangan siyang gawin at hindi naman po pwedeng hindi matuloy ang class niyo today dahil nakakahiya naman po sa mga Villamor” Mahabang wika nito. Marahil si ma’am Cecile talaga ang original Tutor ko.
“Ah sige po”. Sang-ayon ko dito.
“By the way, I am Mr. Rico Gonzales and I will be teaching everything you need to learn before you start your class in proper school.” Nakangiti nitong paliwanag.
Magkatabi kami na naka-masid sa dala nitong laptop at pinapaliwanag ang topic namin for today.
Iniintindi ko ng mabuti ang sinasabi ni Mr. Gonzales at medyo masakit na ang ulo ko marahil ito kasi ang first day. Haay. Nakakapagod pala mag-aral.
Nasa ganito kaming scene nang makita kong paparating na si Señorito Miguel. Halos patakbo itong pumunta sa kinaroroonan namin ni sir Gonzales sa garden.
Napangiti naman ako nang makita ko ito. Parang na-miss ko siya kahit puro galit ang pinapakita nito sa akin at ang pangit nitong ugali.
Ang lakas talaga ng dating niya, ang puti, ang tangkad, ang linis niyang tingnan at ang muscles! Naman!
Para pa akong na-hypnotized nito nang walang ka imik-imik na sinuntok ni Señorito si Sir Gonzales.
Ha??!! Anong nangyari? Nagising ako sa pagiging hypnotized dito at huli na nang makita ko si Sir Gonzales na halos mapahiga sa damuhan.
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko para tulungan na makatayo si Sir Gonzales. Matalim naman akong tinitigan ni señorito at umalis sa harapan namin.
“Anong problema nun?” Wala sa isip na naitanong ko.
Nakatayo naman agad si Sir. Hindi naman ito masiyadong dehado kasi may muscles din naman ito hihihi.
“Baka po nag-selos, Madame” pilit na ngiti ang binigay ni sir Gonzales sa akin.
“Ha? Imposible iyon, walang puso yang tao na iyan eh!”.
Nagiging dragon na naman ito. Haay. Kailan ko ba ito makakabisado? Hindi ko alam kung tuwing kailan ba ito magpapalit ng anyo bilang Dragon para iwasan ko na lang siya.
Itinuon ko na lamang kay sir ang atensiyon ko.
Dumating naman kaagad ang isa sa kasambahay at nagtanong kung ano ang kailangan. Halatang takot ito marahil ay nakita nito ang naganap na pag-suntok ni señorito kay sir Gonzales.
Umiling lang si sir Gonzales. “No problem, really”.
“Naku, nakakahiya kay Ma’am Cecile. Baka magalit pa siya sa akin”.
“Don’t worry Madame, it is our fault. Kung nalaman agad ni Señorito Villamor na ako ng tutor mo today hindi po siya magkaka-ganyan”.
Naka-tingin lang ako dito at nagtataka pa din. Bakit niya iisipin na nag-seselos si dragon?
“Siguro po ituloy na lang natin ang lecture sa next schedule mo Madame and I think you need to talk with Señorito Villamor” payo nito habang seryosong nakatitig sa isang parte ng Mansion.
Sinundan ko ang tinititigan nito at nakita ko doon si Dragon.
Nag-oobserve pa ang mokong. Ang sakit na nga ng ulo ko dumagdag pa ito! Naku naman.
“Sige sir. Salamat po at pasensiya na sa nangyari”.
Tumango ito at umalis na ng Mansion.
Miguel’s POV
Palakad-lakad ako dito sa living room at tanaw ko na nag-uusap padin ang dalawa. At talagang hindi sila titigil sa pag-uusap ha?
Maya-maya ay umalis na ang lalaki.
Sa wakas umalis na din ang lalakeng iyon. Ang lakas ng apog na dito pa umakyat nang ligaw kay Belle! Dito sa lugar ko?
Natanaw ko na papasok na sa Mansion si Belle. Bagay dito ang suot nitong dress na hapit at sakto sa katawan niya.
Umakyat naman na ako sa hagdan at papunta sa room ko dahil ayaw ko na itong tingnan dahil nag-init na naman ang pakiramdam ko.
Mag-papahinga na ako at hindi pa din nawawala ang hang over ko at nadagdagan pa nga ang sakit nito sa nakita ko.
“Señorito!” Tawag nito sa akin ngunit hindi ko ito pinansin at tuloy lang sa aking pag-lalakad hangang makapasok ako sa aking room.
Napalingon ako sa pinto ng hinihingal na tumambad si Belle doon.
“Nag-seselos ka ba?” Tanong nito ng ng makabawi sa pag-hingal. Halatang tumakbo ito para maabutan ako.
“Whaat? Are you crazy?” Sagot ko dito na patanong din.
“Ang sabi ko, nag-seselos ka ba? Jealous?”.
“It’s nonsense Belle! Get out. I need to rest”. Nakasimangot kong sambit dito.
“So, pagod ka kaya ka bigla na lang nanapak ng inosente?”.
Nagulat pa ako na sa ganitong paraan ito nakikipag-usap sa akin. Walang sino man ang naglakas ng loob na kausapin ako ng ganito.
“Hey, whatever is that, I don’t care!” Pagsawalang bahala kong sagot dito.
Ewan ko kung kailan nagsimula ang ganitong pakitungo namin sa isat-isa. Kung may makakakita sa amin sa ganitong sitwasyon ay aakalain na mag nobyo-nobya kami.
“May tinitingnan lang ako sa laptop niya nang bigla mo na lang siyang sinugod at sinapak sa mukha” Paliwanag nito sa akin at naka-taas pa ang isang kilay.
“And so?” Maang kong tanong dito.
“Siya lang naman ang tutor ko, si Sir Gonzales”.
Nagulat ako sa sinabi nito. Malay ko ba na ito ang tutor niya dahil ang naka-usap ko sa telephone ay si Mrs. Cecile.
Bakit hindi ko muna inalam kung sino yung kausap niya kanina?Nag-selos nga kaya ako?
Kailangan kong makaisip ng dahilan.
“Malay ko ba na tutor mo iyon. Wala naman nag-sabi na lalaki pala ang tutor mo akala ko kung sino lang na pumapasok dito. Remember, this is my Home and hindi ako nagpapapasok ng kung sino lang kaya nga nagpadagdag ako ng mga body guards eh!” Mahaba kong paliwanag dito.
Itinaas nito ang dalawang kamay tanda ng pag-suko. “Okay, okay, you don’t need to give further explanation. Sapat na ang malaman kong hindi ka nag-se selos.”
Belle’s POV
Tumalikod na ako kay Señorito. Ano ba itong naiisip ko. Bakit kasi nag-expect ako sa sinabi ni Sir Gonzales na nag-seselos si Señorito. Nakakahiya tuloy.
Biglang sumikip sa bandang bewang ko. Hawak ito ni señorito mula sa likod. Para kaming mag-on sa ginawa nitong pagyakap sa bewang ko.
“Mag-pahinga ka na muna at mamaya ko ipapagawa sayo ang kabayaran sa pagpapahirap mo sa akin sa pagbuhat ko sa iyo sa Mall”. Bulong nito sa tainga ko.
Pilit kong tinanggal ang mga kamay nito at humarap dito ngunit saradong pinto na lang ang naabutan ko.
“Ggrrr. Nakakainis!” Padabog na lang akong umalis mula dito.