Chapter 7

1247 Words
Miguel’s POV Maaga akong bumangon para makapasok ng maaga sa office. “Just a cup of coffee, Manang” sabi ko kay Manang Rosa. Sa office na ako mag bbreakfast mamaya dahil wala namang meeting this morning. Napa-kunot ang noo ko ng makita ang mga pinamili namin ni Belle kagabi na nasa sofa sa living room. “Ahh ehh señorito, iaakyat ko ho sana kagabi sa Kuwarto ni Belle kaso tulog na po yata dahil hindi na sumagot noong kumatok ako”. Wala naman akong reaksyon na binigay dito at itinuloy na ang aking pag-inom ng coffee habang nagbabasa ng newspaper. CEO MIGUEL VILLAMOR SPOTTED IN A MALL WITH HIS NEW “FLING”.! Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Kitang-kita sa picture ang paglalakad naming magkahawak-kamay ni Belle. Hindi ako nabahala sa litrato kundi sa issue na lumabas. Saan naman nila nakuha ang salitang “fling”?. Nag-aalala ako para kay Belle. Ngayong lumabas na sa publiko ang mukha niya, siguradong kukuyugin ito kapag lumabas ng walang kasama na body guards. Tiningnan ko muli ang picture. Medyo bagay pala kami ni Belle. Napangiti ako ng sandali. Hindi ko na itinuloy ang pag-kakape. Kailangan magawaan ko agad ng paraan ang lumabas na issue. Palabas na ako ng Mansion ng madaanan ko ang mga gamit ni Belle. Dahan-dahan kong inilapag sa tabi ng pinto ang iba’t-ibang brands ng mga damit at bags na binili namin kahapon. Ayoko itong magising at maputol ang tulog. “Señorito! Anong ginagawa niyo dito?” Mabilis itong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Nagising ko ata ito. “Inakyat ko na iyang mga pinamili mo dito at mukhang balak mo pa iyan ipadala dito sa kasambahay! At para na rin sabihin sayo kung ano ang kapalit sa pag-papahirap mo magbuhat sa akin kagabi!” Sigaw ko dito. “Pero dahil hindi ka pa nag-totooth brush, mamaya ko na lang sasabihin” “Wala po akong pakialam sa dahilan ng pag-pasok niyo po sa kuwarto ko pero sana naman ho matuto kayong kumatok!” Tiningnan ko lang ito mulo ulo hanggang paa. Naka suot ito ng pangtulog na walang manggas at above-knee ang haba. Biglang nag-init ang pakiramdam ko kaya nagmadali na akong lumabas. “Whatever!”. Sigaw ko dito. Belle’s POV. “Grr.. nakaka-inis!” Bakit ba hindi matutong kumatok ang dragon na iyon? Kung bakit kasi hind ko nai-lock ang pinto. Mabilis na nagdaan ang mga araw. Ngayon ang first day ko sa para turuan ng Tutor ko. Naligo na ako at nag-ayos. Pinili ko ang color skyblue dress at flat shoes. Nag-lagay ako ng konting make-up at ang lakas maka-fresh ng damit na suot ko. Para akong mayaman. Mabilis na akong naligo at nag-ayos ng sarili. Pinili kong suutin ang skyblue dress na binili namin kagabi. Tinernohan ko pa ito ng ribbon sa buhok ko na abot hanggang bewang. “Manang, kain po tayo.” Pag-aya kong kumain kay Manang Rosa. “Sige na Iha, kumain ka na” sagot nito. “Bakit ho hindi kayo sumasabay sa pag-kain?” “E ganun talaga Belle, kasambahay kami dito at kailangan makakain muna sila señorito bago kami kumain. Pero madami namang pag-kain sa kusina kaya wag mo kaming intindihin”. “E hind naman ho ako si señorito kaya sabay na po tayo”. “Ganoon na din yun. Ikaw talagang bata ka.” Sagot ni Manang. Tinuloy ko na ang pag-kain ko ng mapatingin ako sa upuan ni señorito. Wala pa din siguro ito sa Mansion. Huli ko siyang nakausap noong pinasok niya ang mga gamit ko sa Kuwarto. “Manang, bakit ho parang ang daming body guards ngayon? Ganyan po ba talaga sila karami?” Tanong ko kay manang. “Nag-padagdag si señorito ng body guards eh. Chaka mahigpit niyang pinagbilin na huwag ka hayaang makalabas ng walang kasama na mga body guards”. Napasimangot ako sa sinabi ni Manang. Parang g*ago talaga yung dragon na iyon. Siguro iniisip niya na tatakas ako dito sa Mansion dahil sa pinag-gagawa niya. “Ma’am Belle, nandiyan na po ang Tutor ninyo, nasa garden ho”. “Ah sige po ate Linda Salamat”. “And please, Belle pang po. Walang ma’am. Just BELLE.” Nakangiti kong sambit dito. Hindi sa akin bagay na tawaging ma’am. Miguel’s POV Sapo ang aking ulo ng magising ako sa tunog ng alarm clock. “Sh*t!” Ang tagal ko nang hindi umiimom ng alak kaya tinamaan ako ng matindi kahapon. Naalala ko pa na sa sobrang kalasingan ko ay halos buhatin na ako ng mga body guards para lang maipasok dito sa room ko. Napa-pikit ako ng mata at hawak ang aking ulo na inaalala ang mga nangyari kagabi. “Oh hi, Migz!” Kumakaway na tawag sa akin ni Kyle habang naka-akbay sa isang babae. Alam kong hindi niya yun girlfriend dahil hindi naman niya ito pinakilala sa aming magbabarkada. Ito ang tinawagan ko para makatulong sa akin about doon sa issue tungkol sa amin ni Belle na lumabas sa newspaper. Maingay sa paligid. Nagsisimula nang magsayawan ang mga tao. Pagkatapos ko mag-over time sa office ay agad akong dumeretso dito sa Bar. “Heey!!! Siguradong Masaya to! Kumpleto tayo!” Pasigaw na sabi ni Leo. Nilalakasan na nito ang boses na halos sumisigaw na para marinig ko ito. Dumeretso ako sa likod nila kung saan naroon ang VIP room. Wala ako sa mood mag party ngayon dahil nandidito ako para may ipagawa kay Kyle. “Kyle!” Seryoso kong tawag dito nang makapasok na kami sa VIP room. “Why are you so serious Mr. Villamor?” Sagot nito. Kumpleto ang barkada. Nandidito na din sila Mico at Jack. “Hindi ba’t ang parents mo ang owner ng Early News Press”? “Anong parents? Ako na ang hahawak nun!” Pagmamayabang nito. Matatanda na din kasi ang mga magulang ni Kyle at siya ang panganay kung kaya’t siya ang magpapatuloy ng mga negosyo ng pamilya at isa na ang Media Press”. “Yun oh!! Dapat pala mag-inom tayo hanggang bukas dahil dapat i-celebrate natin iyan!” Kantiyaw ng mga barkada ko. Ngiti lang ang binigay ko sa mga ito. Masaya ako dahil hindi na kami iba sa isa’t isa. Mula high school palagi kaming magkakasama at ngayon ay nagsisimula na kaming humawak ng mga negosyo na ipinundar at inalagaan ng aming mga magulang. “Yes! Kaya naman, umorder lang kayo at sagot ko lahat yan!!!” Muling pagyayabang nito. “Dalawang babae sa akin, Kyle!” Singit ni Leo. Muli namang umingay sa loob ng VIP room dahil sa aming tawanan. Hindi talaga nawawala ang kalokohan sa barkada. “At bakit mo pa pala tinatanong e alam mo naman ang tungkol doon? Ano bang meron?” Bawing tanong ni Kyle. Pabagsak kong hinagis sa table ang newspaper kung saan nakalagay ang tungkol sa issue sa amin ni Belle na may picture pa namin. “Wow! New ka-fling!! hahhahaha” react ni Jack nang mabasa nito ang nakasulat doon. “So???” Nag-tatakang tanong ni Kyle. Hindi na kasi ito bago. Mabilis kumakalat ang mga balita sa tuwing may kasama akong babae. At alam ng lahat na ka-fling lang ang mga iyon. “Huwag mong sabihin na ipapa-delete mo yan??” Natatawang sambit ni Mico. “Kyle” Muli kong baling dito. “I want you to change that “new fling” to “Girlfriend” Seryoso kong utos dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD