Chapter 6

1040 Words
Nandito kami ngayon sa isa na namang store. Akala ko uuwi na kami. Nangangawit na din ang mga paa ko. “Come on, pili ka na dito”. Pag-aya ni señorito sa akin papunta sa kinaroroonan ng mga bags. Tumayo na ako at lumapit dito nang nakaramdam ako ng pananakit sa aking paa. Parang may naipit na ugat. Itinaas ko ang kaunti ang paa kong napulikat. Mabilis na lumapit si señorito para saluhin ako. Akala niya ata matutumba ako. Inalalayaan niya agad ako na maupo. “Okay lang, kaya ko naman. Medyo napulikat lang ang paa ko. “Call the medic and report this!” Utos nito sa manager at body guards. “Okay lang po ako señorito”. “No. Mas mabuti na mapatingnan agad natin iyan. Baka mamaya napano kana”. Hindi naman nagtagal at dumating na ang mga titingin sa kalagayan ko. Nahihiya na ako dahil lalong dumami ang mga nakatingin sa amin. Paano kasi, himas himas ni Señorito ang mga paa ko habang nakapatong sa ibabaw ng maliit na table. “Okay na po siya sir. Marahil nangawit lang ang mga paa niya kakalakad or baka matagal na nakatayo” wika ng isa sa medic team. “Sabi ko naman sayo señorito ayos lang talaga ako”. Nawala na ang pag-aalala sa guwapong mukha nito nang marinig ang sinabi ng medic. “Okay. Thank you”. “Come to my office para mapagusapan ang pwede kong mai-donate para sa medical team”. “Salamat po Señorito Villamor pero wag na po kayong mag-abala. Trabaho po namin ito at isa pa, hindi naman kayo iba sa Mall company na ito dahil malaki ang shares niyo dito”. Ngiti nitong wika habang nakayuko. Tumango na lang si señorito dito. “Okay, magpapadala na lang ako dito ng mga wheelchairs para sa mga may edad na nag-sshopping dito”. “Salamat po señorito” sagot ng medic dahil mukhang wala na silang magagawa sa pamimilit ni señorito. “Mauna na po kami”. Muli namang bumaling ang tingin nito sa store manager. “Kunin ko yan”. Kumpas ng kamay nito at tinuro ang lahat ng bag na nakapatong sa lamesa na may sapin pa. Ito sana ang mga pagpipilian ko. “Pipili po ako señorito.” Wika ko dito sa mahinang tinig para hindi marinig ng manager. “Ang mahal po niyan at hindi ko naman magagamit lahat”. “No need Belle. Kukunin na natin lahat para makauwi na tayo at makapag pahinga ka na.” Pagpipilit ni señorito. Miguel’s POV Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi nito nang mapatingin ako sa mga labi nito. Mapula ang labi nito kahit walang nakalagay na lipstick. Paika-ika pa itong naglalakad ng palabas kami ng mall. “Come here.” Binuhat ko agad si belle. Hindi ko kayang makita itong iika-ika maglakad. Alam kong nagulat ito sa ginawa ko pero masaya ako na buhatin siya. Para kaming mga bagong kasal. Mabilis na binuksan ng body guard ang pintuan ng sasakyan at agad kaming pumasok. Tahimik kami sa kabuuang biyahe pauwi ng Mansion. Nang makarating kami ng Mansion, gusto ko itong sungitan. Naalala ko nanaman ang galit ko dito dahil sa paniniwala ko na ito ang dahilan ng pagkamatay nila Mom and Dad. Hindi man lang siya gumawa ng paraan na madala agad sa hospital sila Mom and Dad after that accident. May pagkukulang siya kung kaya naman namatay ang mga magulang ko. Natalo ng pagkaawa ko dito ang aking galit. Muli ko itong binuhat at umakyat patungo sa kanyang kuwarto. “Señorito, ayos lang po ako”. Nahihiyang sagot nito. “You should rest in your room”. Sagot ko dito. Nakaabang si Manang Rosa sa aking ipag-uutos ng makita ako nito pagkapasok sa malaking pinto ng Mansion. “Diyos ko! Ano pong nangyari kay Belle, señorito”. “Manang, mag-dala na lang po kayo ng food sa room ni Belle, kailangan niyang ipahinga ang paa niya.” Agad na tumango si Manang Rosa at tumalikod papunta sa kitchen. “Salamat po señorito” sambit nito habang nakatalikod na ako palabas sa kanyang kuwarto. Hindi na ako lumingon pa sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at may magawa pa akong hindi niya magustuhan. Ayoko naman na iwasan niya ako. “Huwag kang mag-alala dahil pagbabayaran mo ang ginawa mong pagpapahirap sa akin ngayong araw”. Mabilis kong sabi at nagmamadali ng lumabas. Ano ba itong nararamdaman ko?. Sa dami ng babae na dumaan sa akin bakit kakaiba ang nararamdaman ko para sa babaeng ito. Gusto ko siyang alagaan. Malalim ang aking pag-iisip habang nakatayo at hinahayaang umagos ang tubig na nagmumula sa shower. Binilisan ko na ang pagligo dahil iisipin ko pa kung ano ang ipapagawa ko dito kabayaran sa pagbubuhat ko sa kanya kanina. Hindi naman ako napagod dahil kayang kaya naman siya ng muscles ko. Napangiti ako sa pagsisinungaling ko kanina. Belle’s POV Anong kabayaran ang pinagsasabi ni dragon? Siya naman ang kusang loob na bumuhat sa akin at ayaw ko nga sana na gawin niya yun pero nagdesisyon siya na buhatin ako. Ang labo ng taong yun!. Kung anong pagkaguwapo ng mukha ay siya namang pagkababaw nito. Kakaiba talaga. Hindi pa ako nakakabawi sa pagtataka sa sinabi ni señorito ng may mga mahinang katok akong narinig mula sa pintuan. “Pasok po”. Sagot ko dahil hindi na ako tumayo para pag buksan ito dahil na rin sa nararamdaman kong pag kirot ng paa ko. Tumambad mula sa aking harapan si Manang Rosa na may dalang tray na punong puno ng pagkain. “Ang dami naman po niyang Manang”. Nanlalaki ang mata kong sabi dito. “Baka kasi gutom ka dahil alas diyes na ng gabi at hind ka pa naghahapunan”. “Kumain na po kami ni señorito sa restaurant kanina. Busog pa nga po ako e, hindi na lang ako sumagot kanina kasi nahihiya na ako kay señorito”. Ngumiti naman si Manang. “Mukhang nagkakamabutihan kayo ni señorito, sana magtuloy tuloy na iha.” Hindi pa din nawawala ang mga ngiti nito sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD