Dumating si Aling Koring ng mga alas sais ng hapon at sinabi niya sa dalaga na, "Athena, puwede ka ng umuwi muna sa bahay niyo. Para makapag pahinga ka na rin at makapagpalit ka na ng damit mo. Alam ko pagod ka at wala pang tulog na maayos. Saka 'di ba? Sabi mo sa 'kin may trabaho ka sa gabi?"
"Sige na, umuwi ka na at i-relax mo muna ang katawan mo para kahit paano, makapag pahinga ka na. Siya nga pala pinapasabi ni Gerald na ihahatid ka na lang daw niya sa papasukan mong trabaho ngayong gabi. Kaya hintayin mo na para maka tipid ka sa pamasahe," wika pa ng ginang.
"Po? Hindi na po Aling Koring. Pakisabi na lang po huwag na po siyang mag-abala pa," saad ni Athena na nababahala.
"Pero sabi niya susunduin ka raw niya sa bahay niyo. Pagbigyan mo na mukhang nag-aalala siya sa 'yo," pagpupumulit ni Aling Koring.
"Ah, eh. Pakisabi na lang po kay Gerald na nagmamadali na po akong umalis at pumasok, para maipakita ko naman na deserving ako sa bago kong trabaho. Kailangan kong magpakitang gilas," saad na lamang nito kay Aling Koring.
"Sige na po Aling Koring mauna na po ako. Pakisabi na lang po kay Gerald at marami pong salamat," paalam ni Athena at hinagkan muna nito ang kaniyang ina bago tuluyang umalis.
"Hay naku! Kailangan ko tuloy pumasok ng maaga para lang makatakas kay Gerald," saad ni Athena sa kaniyang sarili at nagmamadali itong naglakad.
'Pagnagkataon at maihatid ako no'n, paktay ako. Sigurado akong magagalit 'yon at baka sabihin pa niya kay Inay, malilintikan ako ng di oras. Kailangan kong mag-ingat baka lumabas baho ko nakakahiya," wika pa nito sa kaniyang isipan.
At nagmadali itong sumakay ng Taxi. Dali-daling din siyang kumuha ng damit sa bahay at nagpahintay na rin sa driver.
Napagpasyahan na rin niyang sa bar na lang maligo. Dahil iniisip nito na baka maabutan siya ni Gerald kapag nagtagal pa siya sa bahay nila.
Maya maya pa ay nakarating na ito sa bar. Pagpasok niya sa bar ay nakita nito agad ang kaibigang si Dina.
"Athena, bakit ang aga mo atang pumasok?" tanong ni Dina.
"Kasi, best. Nagtatago ako eh," sagot naman ni Athena.
"Bakit at sino'ng tinataguan mo?" tanong muli nito.
"Si Gerald. Kapag nalaman no'n kung saan ako nagtatrabaho patay ako," sagot naman ni Athena.
"Hindi mo ba sinabi sa kaniya? Naku magagalit 'yun kapag nalaman niya," wika ni Dina.
"Kaya nga tinataguan ko siya, best. Kaysa naman makita ako no'n ,malalagot talaga ako," nag-aalalang saad ni Athena.
"Best, puwede ba akong makiligo rito?" tanong ni Athena.
" Oo naman best. Ang totoo rito na rin ako naliligo," sagot naman ng kaniyang kaibigan.
"Halika magpakita ka muna kay Mommy.
Para makita ka niya," aya ni Dina sa kaibigan.
"Sandali lang. Handa ka na ba?" pahabol pa na tanong nito.
"Ang totoo kinakabahan ako. Pero kakayanin ko para kay Inay," saad na lamang ng dalaga.
"Huwag kang mag-alala, best. Masasanay ka rin," wika naman ni Dina.
"Pero ayokong magtagal dito ,best," wika agad ni Athena.
"Huwag kang mag-alala, best. Malay mo kahanap ka ng savior mo mamaya kapag nangyari iyon. Tapos na ang problema mo."
"Sana nga, best. May superman na magligtas sa 'kin," umaasang saad ni Athena.
"Halikana, puntahan na natin si mommy," saad na lamang ni Dina at sabay silang naglakad.
"Mommy!" masayang bati ni Dina sa kanilang manager.
"Oh, Athena. Ang aga mo yata. 'di ba sabi ko 9:00pm ka pa papasok?" saad ng kanilang manager.
"May tinatakasan po kasi ako, Mommy. Baka mahuli ako," pagsasabi ng totoo ni Athena.
"Sa umpisa lang 'yan. Masasanay ka rin.
Oh sige na, Dina. Samahan muna si Athena. Para makapag bihis na," wika naman ng kanilang manager. At naglakad na ang magkaibigan.
"May dala ka bang sabon, shampoo?" tanong ni Dina.
"Oo, best. Meron akong dala," sagot agad ni Athena.
"Oh sige, iwan nakita diyan sa banyo.
At paglabas mo aayusan kita," wika naman ni Dina at naghintay sa labas ng pintuan.
"Sige, best," sagot naman ni Athena.
'Ewan ko lang kung may makakilala pa sa 'yo kapag naayusan na kita. Malamang pag-agawan ka ng mga parokyano, best. Kapag nakita ka," saad ni Dina.
"Ano ka ba, best? Waitress ang trabaho ko rito. Taga kuha ng order at taga deliver ng alak," wika naman ni Athena habang nagbubuhos ng tubig sa katawan.
"Malay mo, best. Kapag may nakakita sa iyo na mayaman dito. Eh, di, solve ang problema mo," wika ni Dina.
"Hindi na, best. Pagtatrabahuan ko na lang kaysa mag pa-table pa 'ko," wika nito.
"Ano ka ba, best? Hind naman ibig sabihin na magpapa-table ka agad. Yugyugan na. Anu ka ba,? Syempre na sa iyo 'yon. At mapag-uusapn iyan. Depende sa lagay," saad naman ng kaniyang kaibigan.
"Hindi naman lahat best 'yun ang habol, meron din iyong iba seryoso. At huwag kang mag a-lala best, tuturuan kita kung sakaling gano'n ang mangyare sa 'yo," nakangiting saad pa nito.
"Ano, best? Tuturuan mo 'ko ng alin?" tanong naman agad ng dalaga.
"Oy, best. Tapos ka na bang maligo?Lumabas ka na diyan. Para maturuan kita," tanong ni Dina.
"Oo ito na nagbibihis na," sagot naman ni Athena at lumabas na ito.
"Eto oh," wika ni Dina at ipinakita ang dalang botelya.
"Ano 'yan, best?" takang tanong ni Athena habang nakatingin sa hawak ng kaniyang kaibigan.
"Gamot? Para san 'yan?" naguguluhang tanong ni Athena.
"Alam mo, best. Kaunting patak lang nito gagana na agad ito," saad ni Dina na may kakaibang ngiti.
"Pampatulog ba iyan?" muling tanong ni Athena.
"Bigay ko sa 'yo itong isa. Basta ilagay mo 'yan sa bulsa ng damit mo. At lagi mong dala-dala dahil kakailanganin mo ito. Simple lang itong gamitin. budburan mo lang or patakan mo lang ang iinum ng taong gusto mong makatulog at mayamaya makakatulog sya. Huwag kang mag-alala dahil mabisa ito," turo ni Dina kay Athena habang may kakaiba itong ngiti.
"Best, hindi ba to nakakatakot? Baka mapaano ang iinum nito?" nag-aalalang tanong ni Athena.
"Ano ka ba, best. Tested na ito. Magtiwala ka lang sa 'kin. Saka sa tinagal-tagal ko rito at tagal na ginamit okay naman siya," nakangiting sagot nito sa kaibigan.
"Pero mag ingat ka. Dahil dalawa lang 'yan best. Maaring siya or ikaw ang mabiktima. Kaya kung ako sa 'yo. Unahan mo na at huwag na wag kang iinum ng tubig or alak na ipapa-inum sa 'yo ha?" paalala pa ni Dina.
"Matagal na 'ko rito, best. Kaya alam ko ang kalakaran dito. Magtiwala ka sa 'kin at ako ang bahala sa 'yo. Itago mo 'yan dahil kakailanganin mo rin iyan," wika nito.
"Salamat, best," saad na lamang nito kay Dina at nakayakap silang dalawa.
"Hindi kita pababayaan, best. Ikaw pa ba? Eh, kapatid na kita. Halikana lumabas na tayo," saad ng kaniyang kaibigan
"Hind kaya masyadong maiksi etong palda ko?" tanong ni Athena na hindi mapalagay sa suot nitong palda.
"Naka short ka naman 'di ba? Huwag kang mag-alala. Kapag alam kong tagilid ka lalapitan kita agad. Basta dumistansya ka lang at hind ka mawawala sa paningin ko. Kaya mo 'yan, para sa Inay mo," saad ni Dina na pinapalakas ang kalooban ng kaibigan.
Nilakasan na lamang ni Athena ang kaniyang loob at nagtungo na sa kaniyang area. At doon ay nagsimula na siyang magtrabaho.
SAMANTALANG pagpasok ni Edward sa bar ay bigla siyang napatingin sa isang babae na may dalang tray ng alak. At dali-dali niya itong tinawag.
"Miss, pa-order please," wika agad nito kay Athena at agad na umupo sa Upuan.
at nilapitan siya agad ng dalaga.
"Ano po 'yon, Sir?" tanong ni Athena na nakayuko at hindi nakatingin sa binata.
"Bago ka rito ano?" tanong ni Edward.
"Ngayon lang kita nakita parang nakita na ata kita sa kung saan," pahabol pa nito.
"Ha? Hindi pa nga po kita nakikita, eh. Ngayon pa lang," saad ni Athena na kinakabahan at hindi tumitingin sa mata ng kausap nito. Inayos na lamang niya ang lamesa at nililigpit ang mga alak.
"Miss, Miss? Tumingin ka sa kausap mo kapag kapagkinakausap ka," wika ng binata.
Napalitang tumingin ang dalaga sa kausap nitong lalaki. At nang tumama ang kaniyang mga paningin sa mukha ng binata ay lumaki ito at hindi makapaniwala dahil nakasuot ito ng black coat at naka black shade. Hindi siya maaring magkamali. Dahil ito ang lalaking nakabanggaan niya noong isang gabi.
"Nakikilala mo na ba ako?" tanong ni Edward at tumayo ito at inilapit ang kaniyang mukha sa dalaga.
'Oh, no! Siya iyong lalaking nakabangga ko sa labas. Dapat bang mag sorry ako?" kinakabahang tanong nito sa kaniyang isipan.
"Natatandaan mo na ba ako?" tanong ni Edward na pinagmasdang mabuti ang inosenteng mukha ng kausap nitong dalaga.
Habang ang dalaga rin ay sunusuri ang mukha ng binata na napaka guwapo.
"Ah, Miss. Bigyan mo kami ng isang case ng san mig light," utos na lamang ng binata.
"Ah..sige po, sir. Saglit lang po," saad ng dalaga at dali-dali itong tumalikod at naglakad palayo.
"Parang familiar talaga 'yong bata?
Kung hindi ako nagkakamali, sir. Siya iyong nakabanggaan mo noong isang gabi," wika ng isa sa mga alipores ni Edward.
"Tama nga siya nga iyon. Humanda ka sa 'king bata ka. Tuturuan kita ng good manner's," saad ng binata habang napapangiti ito.
"Sir, ang ganda po yata ng ngiti n'yo, ah? Ngayon ko lang po kayo nakitang nakangit ng ganiya. Mukha po atang naaliw kayo roon sa bata," makahulugang wika naman ng sa kaniyang mga bodyguard.
"Puwede niyo nang I take out 'yon, sir.
Mukha pa namang cherry. At sexy na inosente. Naku ,sir. Baka maunahan pa po kayo ng iba at mapaano pa po 'yong bata. Sayang ang kinabukasan nya," saad ni Dino.
Napag-isip-isip naman ng binata ang sinabi ni Dino na tama ito. Dilikado ang bata. Sira rin ang kinabukasan nito. Malamang pinagnanasaan na at pinag iinteresan na ito ngayon ng mga kalalakihang naroon. At baka nga maunahan pa siya.
"Dino, kausapin mo na si Mommy. Iyong bata tanungin mo kung magkano?" utos agad ng binata.
"Sir, mukha atang nagkaka-interest na kayo sa bata ah? Ganiyan pala ang tipo niyo sa babae. Ngayon ko lang po ata kayo nakita na nagkaroon ng interest sa babae, baka iba na 'yan sir," natutuwang wika ni Dino na may halong nakakalokong ngiti.
"Akala ko ba? nagmamalasakit ka sa bata? Tapos ngayon na nagmamalasakit ako. Ganiyan hinahaluan muna agad ng malisiya," wika agad ni Edward.
"Mabuti pa, tanungin mo na kung magkano? Baka mapahamak pa 'yong bata," wika na lamang ni Edward.
"Bilisan mo ba ka maunahan pa tayo ng iba," pahabol pa na wika nito.
"Sige po, sir," sagot naman ni Dino. At tinungo nito ang manager ng bar.
At nang makabalik si Dino ay sinabi niya na may kausap si mommy. Sinabi rin nito na mukhang naunahan na sila.
"Ano?" wika nito at agad niyang pinuntahan si Mommy para kausapin ito.
"Mr. Montenegro kayo po pala," saad agad ng manager nang makita ang binata at nakipag kamayan sa binata.
"Mommy, may natipuhan na ako. Alam ko lagi niyo akong tinatanong at inaalok. Pero ngayon magsasabi na ako. Gusto ko iyong bagong mong waitress.
Alam mo naman na suki niyo ako rito. Magkano ba ang isang gabi?" Diretsahang tanong nito sa manager.
Pero, Mr.Montenegro. Waitress lang 'yon hindi puweding ilabas," saad ng manager.
"Kahit magkano, Mommy. Babayaran kita. Alam mo naman madali lang akong kausap. Asaan ba siya? Ang totoo kilala ko siya, eh. Kahit itanong niyo pa ako sa kaniya," saad ng binata.
"Ah, gano'n ba? Saglit at ipapatawag ko, kung papayag siya," saad naman ng Manager.
"Sige po, Mommy."
"Dina," wika ng manager kay Dina nang makita ito.
"Yes, Mom," saad naman ng dalaga at lumapit ito sa manager.
"Nasaan ang bago nating pasok na waitress?" tanong nito.
"Nasa loob yata," sagot nito ng dalaga.
"Gusto siyang i-bar fine ni Mr. Montenegro at Mr. Villar," saad nito sa dalaga.
"Hu?" hindi mapigilang saad ng dalaga at tiningnan ang dalawang lalaki na kausap ng Mommy.
"Puntahan mo siya, kausapin mo, alokin mo at dalhin mo siya rito. Sabihin mo rin ang patakaran natin para pumayag siya," saad ng ginang.
"Sige po," saad ni Dina at naglakad na ito patungo sa kaibigan.
"Best, halika rito dali," wika nito nang makita ang kaibigan.
"Bakit, best? Ano'ng meron?" takang tanong ni Athena.
"May sasabihin si Mommy. Makinig ka, at bibigyan kita ng tip."
"Ano'ng tip 'yon, best?"
"Nakikita mo ba 'yong dalawang lalaki doon?" tanong nito.
'Yong naka coat ng black? At naka jacket ng maong? Oo, best. Bakit?" balik na tanong nito.
"Interesado sila sa 'yo?"
"Sa 'kin? Bakit?" nagtatakang tanong ni Athena.
"Gusto ka nilang i-bar fine. At malaking isda sila, best. Mukhang ito na ang sagot sa problema mo," saad ng kaibigan nito.
"Bar fine, ano 'yon?" inosenteng tanong ni Athena.
"Ilalabas ka ng isang gabi at ibabalik ka rito bukas? 'Yon, eh. Kung gusto mo? Pag ayaw mo. Okay lang naman, pero huwag ka best. Kung ako papipiliin mo. Okay 'yan si Mr. Montenegro. Ngayon lang ata 'yan nagka-interest sa babae,) at mukhang mabait naman. Isang gabi lang, best. Solve na ang problem mo.
Suki namin dito 'yan. Kung anong gusto mo or sasabihin ni Mommy na preso ibibigay nila agad kahit magkano pa.
Saka huwag kang matakot, best. Kung hindi ka pa handa. Iyong bilin ko sa 'yo na pampatulog 'yon ang gawin mo.
Best, pagkatapos ng gabi na 'to. Tapos na rin lahat ng problema mo. Kahit magkanong halaga ang hingiin mo. Kayang-kaya nilang Ibibigay. Business man 'yan, best. Hindi ka matatalo diyan. Sige na patulan mo na, mukha namang mabait, yummy at guwapo. Sayang ang sperm, best," panghihimok at salaysay ni Dina.
"Natatakot ako, best at nagdadalawang isip."
"Sige na, best. Para sa Inay mo sayang ang malaking isda. Kaya sunggaban mo na. Sabihin mo kay Mommy kung magkano ang gusto mong halaga. Papatungan pa 'yon ni Mommy," wika pa nito.
"Best, puwde bang. Huwag niyong sabihin. Kung ano ang tunay kong pangalan. Pagkatapos ng gabi na 'to, magbabago na lahat at last na ito na tatapak ako sa lugar na 'to," saad ni Athena.
"Oo, best. Kaya dapat lang na kausapin mo na si Mommy at puntahan mo na, pumayag ka na para sa Inay mo. Isang gabi lang," muling panghihimok ni Dina kay Athena.
"Sige, best. Kaya mo 'yan," pahabol pa na wika ni Dina.