Kabanata Ika-tatlo

1209 Words
Hind na nga nilingon pa ng dalaga ang nabangga nitong lalaki at dali-dali siyang nag-para ng taxi. Nang huminto ang pinara nitong taxi ay agad siyang sumakay at sinabi sa driver na ihatid siya sa address na kaniyang tinuran. Nang makarating sila sa hospital ay agad itong nagbayad sa driver. At dumiretso papasok sa loob. Nagtungo rin 'to labas ng operating room upang maghintay. Nadatna rin n'ya ang kaibigang si Gerald at ang ina nitong si aling Koring. "Pasinsya na po kung pinaghintay ko kayo. Puwede na po kayong umuwi at magpahinga, Aling Koring. Pasinsya na po talaga, kung pati po kayo naaabala ko pa," paumanhin ng dalaga. "At maraming salamat po," pahabol pa na wika nito at kita sa mukha ang pag-aalala. "Ano ka ba, hija? Wala 'yon. Hindi na kayo iba sa 'min ni Gerald," wika naman ni Aling Koring sa dalaga. "Salamat po talaga, aling Koring. Kung wala po kayo. Paano nalang po kami ni Inay?" wika muli ng dalaga habang naiiyak na. "Ano ka ba, Athena? Hindi ka naman na iba sa amin. Saka pagdating ng tamang panahon magiging isang buong pamilya na tayo. Dahil papakasalan mo ako," biro ni Gerald na pinapatawa si Athena. "Sira ka talaga," wika na lamang ni Athena na napapangiti na rin. "Siya nga pala, puwede ka na rin sumama, Gerald. Narito naman na ako. Aling Koring, puwede po bang makiusap ulit. Na kung puwede po sana samahan n'yo po ulit si Inay dito bukas ng gabi," pakiusap muli ni Athena na nahihiya. "Bakit, hija? Saan ka pupunta bukas ng gabi?" tanong agad ni Aling Koring. "Ahm, magsa-sideline po kasi ako sa ibang fastfood. Siguro po aabutin na po ako ng umaga sa pag-uwi," pagsisinungaling na sagot ni Athena. "Oh sige, hija. Bukas ng hapon andito na ako. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay," sagot ng Ginang. "Naku! Maraming-maraming salamat po talaga. Alam n'yo naman po, kailangan kong mag doble kita ngayon, para kay Inay," pasasalamat ng dalaga at agad nitong niyakap si Aling Koring. Nakahinga na rin ito ng maluwag. 'Ang totoo ayaw kong sabihin na magtatrabaho ako sa isang bar, kasi ayaw kong pag-isipan nila ako ng masama at nakakahiya. Baka ano nalang isipin nila, wala na 'kong mukhang maiihaharap," wika ni Athena sa kaniyang isipan. "Oh sige na, hija. Mauna na 'ko. Ihahatid lang ako ni Gerald at babalik din siya agad dito. Para may kasama ka," paalam ng Ginang. "Po? Hindi na po, kaya ko naman pong mag-isa, eh. Saka isa pa po. Nakabili na rin po ako ng pagkain ko. At saka nakakahiya na po sa inyo. Naaabala ko na po siya sa pagpapasada ng tricycle. Kaya mabuti pa po. Umuwi na po kayo at sumama ka na, Gerald. Para makapag pahinga na po kayo," wika ni Athena at sabay mano nito kay aling Koring. "Oh sige, hija. Ikaw ang bahala, tatagan mo ang loob mo ha? Nandito lang kami ni Gerald para sa inyo," wika muli ng Ginang. Magsasalita sana si Gerald na parang may kakaiba kay Athena pero pinagsawalang bahala na lamang n'ya ito. At iniisip na baka nga stress lang ito. "Opo, aling Koring. Salamat po ng marami. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi," wika ng dalaga. "Kaawan ka ng diyos, hija," wika na lamang ni Aling Koring at inalalayan siya ng kan'yang anak na si Gerald sa paglalakad. Sa pag-alis nila aling Koring ay siya namang paglabas ng doctor galing ng operating room. "Doc, kumusta na po ang Inay ko?" nag-aalalang tanong ni Athena. "Huwag ka ng mag-aalala, Miss Gomez. Ligtas na ang Inay mo. Pero under observation pa rin siya," sagot naman ng doctor. "Maraming salamat, doc," saad ng dalaga habang tumutulo ang luha nito. "Mauna na 'ko, Miss Gomez. At may bibisitahin pa akong pasyente," paalam ng doctor at naglakad na ito palayo. Nakahinga naman ng maluwag si Athena. "Maghintay na lang po tayo ng ilang oras at kapag stable na po ang inay n'yo ay ililipat na namin siya ng ibang kuwarto," saad naman ng isang nurse sa dalaga. "Salamat po," wika na lamang ng dalaga. Pagkaraan ng ilang oras na paghihintay ni Athena sa labas ng OR ay nakita nito na inililipat na nga ng ibang silid ang kan'yang Inay na walang malay. Kaya sinundan na lamang niya 'to. At kinabukasan ay dumating si Geralad at nagdala itong pagkain. 'Kung hindi ako nagkakamali, luto 'yon ni Aling Koring dahil alam na alam ko ang amoy ng luto na 'yon. Pakbet," wika ni Athena sa kan'yang isipan kaya agad n'ya kinuha ang dalang pagkain ni Gerald at binuksan agad iyon para makain. "Ops! Dahan-dahan ka sa pagsubo baka mabulunan ka," wika ni Gerald. "Alam mo naman, Gerald. Kapag luto ni Aling Koring masarap at paborito ko," saad ni Athena. "Bakit kasi hindi ka pa magpakasal sa 'kin? Tutal boto naman sa 'kin si Aling Virgie. Saka 'd iba nga? Gusto nila tayo para sa isa't isa," pahayag ng binata. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo. Na hindi ako mag-aasawa. Saka Gerald bata palang tayo. Alam mo na ang gusto ko, 'di ba? Gusto kong magkapag patayo ng sariling bahay, magkaroon ng kotse at makapagtapos ng pag-aaral higit sa lahat makapag-abroad. Iyon lang naman ang gusto ko," sagot nito sa binata. "At alam mo rin naman, Athena. Na mga bata palang tayo. Alam mo na gustong-gusto na kita. Noon palang pinangako ko na sa sarili ko na ikaw ang gusto kong maging asawa at ina ng mga anak ko," wika naman ng binata. "Gerald, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Kontento na 'ko sa pagiging magkaibigan natin at wala akong nararamdaman sa 'yo kahit katiting. Gaya ng lagi kong sinasabi ko sa 'yo. Hinding-hindi ako mag-aasawa. Period," paliwanag at pagmamatigas naman ng dalaga. Nakaramdam man ng kirot sa kalooban ang binata ay binaliwala na lamang n'ya ito. "Siya nga pala, Athena. Ito 'yong ipon ko. Sana makatulong," saad ng binata. "Gerald, huwag na. Hindi ko 'yan matatanggap, baka mamaya ano pang hingiin mong kapalit n'yan, eh," tumatawang wika ng dalaga sa kan'yang kaibigan. Ngunit sa loob-loob nito ay nahihiya siyang tanggapin ang pera. "Ano ka ba, Athena? Thirty thousand lang itong pera. Kulang pa 'yan kung para sa kalahating Million," wika nito. "Maiba ako. Saan ka nga pala kukuha ng kalahating Million?" tanong ng binata. "Ibibinta ko na sarili ko, Gerald. Wala na akong choice, eh. Kaysa naman hayaan ko ng mamatay si Inay 'di ba?" sagot ng dalaga ng may nakakalokong ngiti kay Gerald. "Nababaliw ka na ba, Athena? Kung ibibinta mo lang din 'yang sarili mo. Mabuti pa mauna na 'ko. Atleast ako. Pakakasalan kita kaysa naman kung kani-kanino ka pa mapunta," saad naman ni Gerald habang tumatawa ito ng nakakaloko. "Tigilan mo nga ako, Gerald. Binibiro lang kita. Ano ka, hello?" wika rin ni Anthena ng nakakaloko habang napapangiti 'to. "Mabuti pa, magpasada ka na para makarami ka," pahabol pa na wika ni Athena. "Sige na. Tanggapin mo na itong pera ko, walang kapalit 'yan at pag-isipan mo ang sinasabi ko sa 'yo. Mauna na ako," saad at paalam ni Gerald kay Athena habang tumatawa ito. Naglakad na rin ito palabas ng silid at iniwan na ang dalaga. "Salamat," usal na lamang ni Athena at nakita nito ang kaibigan na lumabas na nang kanilang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD