Pagkatapos mag-usap nang magkaibigan ay agad na pinuntahan ni Dina ang manager.
Kina-usap nga ni Dina ang manager ng bar at itinuro ang kinaroroonan ng kaniyang ni Athena.
"Mukhang malaking isda ang mahuhuli ng kaibigan mo. Itsura pa lang niya malamang pagkaguluhan na siya at hindi aabutin ng isang linggo. Malaki ang kikitain ko sa kaniya," makahulugang saad ng manager kay Dina at tinatanaw si Athena sa hindi kalayuan.
Maya maya pa ay tinungo nama agad ng Manager si Athena upang tingnan ito at kilalanin.
"Ikaw pala si Athena, ang kaibigan ni Dina," wika ng manager at sinuri nito ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa.
"Opo, Ma'am," sagot naman ni Athena na naiilang.
"Mommy, Mommy ang tawag ng mga alaga ko rito sa akin. Kaya sana masanay ka na. Lalo na't kalahating million pala ang kinakailangan mong halaga," saad nito sa dalaga.
"Opo, Mommy," sagot na lamang ni Athena.
"Cherry ka pa ba?" tanong ng manager kay Athena.
"P-Po? Ano po 'yong cherry?" naguguluhang tanong ni Athena.
"Cherry is virgin ka pa ba?" ulit na tanong nito sa dalaga.
" Never been touch, never been kiss.
No boy friend since birth po ito Mommy," sabat agad ni Dina.
"Tatapatin na kita, Athena. Sa itsura mo maraming magdedemand sa 'yo, maraming maglalaway at magkakandarapa sa 'yo. Pag-aagawan ka at higit sa lahat. Kayang kang bilhin sa kahit na magkanong halaga.
Ang totoo, Athena. Hindi ko maiibibigay ang halagang kailangan mo na kalahating million. Pero ma-aari kitang pautangin ng kalahati, sa kalahating million. Na pwede mong kitain ng ilang araw lang. Kung, papayag kang magpa-table sa mga customer nating mga bigatin. Lalo na ngayon, nariyan ang mga bigatin na politicians, mga business man, at lagi silang naghahanap ng bago. Isang gabi mo lang Athena. Makukuha mo agad-agad ang hinihingi mong halaga. Para sa Inay mo. Alam mo naman dito, pera lang ang katapat ng mga babae.
Isipin mo, Athena. Kung papayag ka ba na mag pa table. Isang gabi lang malaking halaga na ang makukuha mo," mahabang salaysay ng manager sa dalaga.
"Mommy, sa ngayon po. Hindi ko pa po alam ang desisyon ko or hindi ko po talaga alam ang gagawin ko. Pero isa lang po ang gusto ko. Ang makakuha ng kalahating million para mabuhay si Inay," saad ni Athena na desperado na.
"Ganito na lang, hindi sa minamadali kita o itinutulak kita sa ganitong uri ng trabaho. Pero kunin mo na muna 'tong, pera sa ngayon. Dahil alam kong kailangan mo. Pero bumalik ka ng
9: 00 pm ng gabi bukas at simulan mo ng magtrabaho bilang waitress dito sa bar.
At ng mabayaran mo na pakonti-konti.
Pero isa lang masasabi ko sa 'yo. Kapag may nagkagusto sa 'yo rito, lalo na't malaking isda, sunggaban mo na agad.
Para sa Inay mo," payo pa ng manager kay Athena.
"Salamat po, Mommy. Pangako po babayaran ko po kayo," saad ng dalaga na naluluha at napayakap ito sa manager dahil sa saya.
"Oh sige na. Mauna ka na, alam kung kailangan ka ng Inay mo," saad ng manager sa dalaga.
"Best, mauna na 'ko. Maraming salamat," saad ni Athena sa kanyang kaibigan.
"Sige, best ingat ka," saad naman ni Dina.
Agad namang yumakap ito sa kaniyang kaibigan habang hawak ang pera, pagkatapos ay patakbong lumabas ng bar.
Sa kanyang pagmamadaling na lumabas ay hindi n'ya sinasadyang nabangga ang lalaki. Dahil hindi ito nakatingin sa nilalakaran nito.
Kung hindi siya nagkakamali ay nasa running thirty years old na lalaking kanyiang nabangga.
Naka coat ito ng kulay black at nakasuot ng salamin na itim. Matangkad, maputi. Hindi n'ya masyadong nakita ang mukha nito, dahil bukod sa naka salamin ito at medyo madilim no noon ay nagmamadali siyang naglakad na parang patakbo, kaya hindi na n'ya ito nilingon pa.
Maliban nalang sa amoy ng pabango ng binata na kaniyang nalanghap. Na hindi niya malilimutang amoy at natandaan dahil sa napakabangong pabango nito. At nakakaakit na amoy.
Edward Montenegro. twenty eight years old. Single,
guwapo at mayaman.
Isa rin itong business man.
Maawain at mapagbigay.
Bakit nga ba siya naroon sa bar nang mga panahon na 'yon? Dahil madalas iyon ang kanyang tambayan doon rin siya nagpapalipas ng oras. Para makalimot sa pagkamatay ng kaniyang ina.
Isa rin s'yang strikto sa kaniyang mga empleyado at madalas na magagalitin, mainitin ang ulo. Masasabi rin na workaholic ito.
Sa kaniyang pagiging maawain at mapagbigay, halos lahat ng kaniyang mga empleyado na nagtatrabaho sa kaniya ay nag CCA or cash advance. Madali lang siyang hingian ng tulong 'yon nga lang kailangan nilang pagtrabahuan ng mabuti ang kanilang trabaho.
Trabaho, bahay, bar, ganiyan ang sistema ng buhay ni Edward Montenegro.
At hindi rin siya kagaya ng ibang lalaki na malibog o 'yong mahilig mag bar-fine ng babae.
Oo madalas siya sa bar na 'yon. Pero hindi s'ya babaero at lalong hindi siya malibog.
Dahil sa tinagal-tagal niya roon sa bar na pumupunta at umiinum ng alak ay never pa itong nag table ng babae.
Umiinum lang siya kasama ang mga body guard niya, tamang kuwentuhan at palipas lang ng oras ang kanilang ginagawa.
Naglalakad na noon si Edward nang bigla niyang mabangga ang isang babae dahil sa madilim na eskinita at maggagabi na nga 'yon. Sa hindi inaasahang may nagtext sa kaniya kung kaya napatingin siya sa kanyang cellphone. At hindi napansin ang kaniyang masasalubong.
Nang bigla n'yang mabangga ang babae na nagmamadaling naglalakad at hindi manlang ito humingi ng pasinsya sa kan'ya.
Ewan ba n'ya, kung kasalanan ba niya dahil hindi siya tumitingin sa kaniyang dinaraanan, o kasalanan nang babae. Pero hindi manlang ito nanghingi ng sorry. Bagkos dali-dali nalang tumakbo na parang wala lang nangyari. Ang nasulyapan lamang n'ya ay ang inosenteng mukha nito.
"Mga kabataan talaga ngayon, mga walang good manners. Pero saglit lang, saan nga ba galing ang batang 'yon?
Sa bar kaya? Baka nga doon siya nagtatrabaho? Kawawa namang bata, sinisira lang kinabukasan niya," saad ni Edward ng naka kunot ang noo habang pailing-iling at nagpatuloy na lang ito sa kaniyang palalakad. Ipinasok na lamang niya ang kaniyang hawak na cellphone sa bulsa nito.