Pagkatapos ng mga nangyari kanina ay pumasok na lamang sila Edward at Athena sa loob. Habang si Gerald naman ay umalis ng walang paalam. Dahil nakikita nito ang kinilos ng kaibigan na alam niyang may nararamdaman din ito kay Edward. "Inay, pasinsiya na po kayo sa naging asal ko po kanina. Hindi lang po talaga ako nakapag pigil dahin sa mga sinabi ni Gerald," paumanhin ng binata. "Hijo, magsabi ka ng totoo sa 'kin, ano ba talaga ang gusto mong mangyari at pakay mo sa anak ko?" seryosong tanong ng ginang. "Inay, ano po ba 'yang mga sinasabi niyo kay Sir? Nakaka hiya po," nahihiyang saad ni Athena. "Tumigil ka, Athena. At hindi ikaw ang kinakausap ko." "Athena, Edward. Magsabi nga kayo ng totoo sa akin. Magkasintahan ba kayo?" tanong pa ng ginang. Hindi alam ni Athena ang kaniyang isasa

