KINABUKASAN ay inilabas na nga nila Athean at Aling Koring ang kaniyang Ina sa hospital. Sila lamang dalawa sapagkat wala si Gerald dahil siguro ay galit pa rin ito sa dalaga. Malungkot man si Athena dahil hindi nito kasama ang kaibigang si Gerald dahil nakabitiw silang pareho ng masasakit na salita ay pinabayaan na lamang niya. Hindi na rin niya inisip pa na pupunta ito sa kanilang bahay. Pero hindi niya maiwaglit sa kaniyang isipan na magkaayos silang dalawa. Hanggang sa may kumatok sa pintuan ng kanilang bahay. Akala nito ay si Gerald kaya excited siyang binuksan ang pintuan. Ngunit sa pagbukas niya ng pinto ay isang lalaki na hindi niya kilala. At nag salita ito. "Dito po ba nakatira si Miss Athena Gomez?" Napakunot ang noo ng dalaga at sumagot na, "Ako po nga po, bakit po?" "Pi

