bc

Be Your Everything [Tagalog]

book_age0+
5.7K
FOLLOW
42.8K
READ
opposites attract
friends to lovers
goodgirl
powerful
boss
comedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Kung hindi dahil sa mapilit na pinsan ni Chelle ay hindi niya makikilala ang artist s***h applications developer s***h gwapong- gwapo sa sarili na si Cedfrey. Ang akala niya ay hindi na niya ito makikita ulit pero isang araw ay bigla na lang itong sumulpot sa flower shop niya upang kulitin siya. Then they became friends, enjoyed his company and found herself falling for him. He made her feel special in every way at hindi niya pinagsisihan ang pagtanggap sa pag- ibig nito.

But Cedfrey is not what she thought he is. Apo pala ito ng isang mayaman at maimpluwensiyang tao hindi lang sa buong Pilipinas kundi sa buong Asya, dahilan kung bakit hindi sila nararapat para sa isa't- isa.

And she told herself she'd fight for him.

chap-preview
Free preview
Chapter I.
Chapter One “FRIEND,kapag hindi mo 'ko sinamahan sa exhibit na 'yon, kakalimutan na talaga kita!” Nabitin sa ere ang hawak na pulang rosas ni Chelle at hindi makapaniwalang nilingon ang pinsan s***h best friend niyang si Macy. Nasa pwesto niya siya sa flower shop kagaya ng kinagawian nang bulabugin na naman nito ang boring niyang araw. “Habang-buhay!” pahabol pa nito. “Akala mo naman madadala mo 'ko sa mga paganyan-ganyan mo,” sa halip ay nakataas ang isang kilay na sabi niya. “Chelle naman, eh,” napaingos na sabi ng pinsan niya at napangalumbaba pa sa mesa. “Tama na nga, Macy. Hinding- hinding na kita kukonsentihin diyan sa mga kalokohan mo. Masasaktan ka na naman, sasabihin mo katapusan na ng mundo. Pakiramdam mo wala nang magmamahal sa'yo. Alam mo hindi naman sa kontrabida ako sa love life mo pero...pwede bang mag-time out ka muna kahit ngayon lang, Macy? Bigyan mo naman ng time ang sarili mo. Sa totoo lang, 'yan talaga ang kailangan mo,” mahabang litanya niya. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Hindi pa nagkakaroon nang matinong karelasyon si Macy dahil palagi na lang itong iniiwan ng mga lalaki. At kahit nga palaging ganon ang nangyayari ay hindi man lang ito nadadala. “Palibhasa kasi hindi mo pa nararanasan ang magmahal kaya hindi mo 'ko naiintindihan!” katwiran pa nito. “Hindi totoo 'yan, ah! Na- in love na ako minsan at alam mo 'yan.” “Pero hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na maging kayo. Papaano ba naman, sa lahat ng lalaking magugustuhan eh 'yong seminarista pa!” Saglit na natigilan si Chelle upang alalahanin ang nangyari sa kanya four years ago kung saan kaga-graduate pa lang niya sa kolehiyo. Nakilala niya sa isang birthday party si Samuel. Napakabait nito at magiliw sa lahat ng tao. Palagi rin itong nagsi-share sa kanya ng mga salita ng Diyos kaya naman nasabi niya sa sariling gusto niyang katulad nito ang mapapangasawa niya. Akala niya likas lang itong ganun pero nalaman niya mula dito mismo na malapit na itong pumasok sa seminaryo. Kung kailan sigurado na siyang nagkapuwang na ito sa puso niya. “Salamat, ha? Pinaalala mo pa,” sarkastikong aniya at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Sige na naman, Chelle. Kapag sinamahan mo 'ko, sinisiguro ko sa 'yong last na 'to. Hindi na uli kita kukulitin sa mga kalokohan ko.” Hinarap niyang muli ang pinsan at itinuro ito gamit ang isang rosas na hindi pa napuputulan ng stem. “Sabi mo 'yan, ha?” paninigurado niya. “Pangako, Chelle,” nakangising sabi pa ni Macy at itinaas ang kanang kamay. Kung siya ay isang hamak na flower shop manager, ang pinsan naman niya ay isa namang in demand na commercial model. Kapansin- pansin ang ganda ni Macy hindi katulad niya na plain and simple. Gayunpaman ay kontento naman siya sa kung anong meron siya. Sapat na sa kanya na maganda siya sa paningin ng Nanay niya. Isa sa mga dahilan kung bakit malapit sila nito ay dahil sa ang pamilya na lang nito ang natitira nilang kamag-anak na nasa Maynila. “NANDITO na po ako,” kulang sa siglang sabi niya pagkapasok ng bahay at agad na dumiretso sa kusina. Alam kasi niyang nandoon na ang Nanay niya at naghahanda ng magiging hapunan nila. “Kamusta ang araw ng maganda kong anak?” tanong naman ni Aling Cynthia na abala sa paghihiwa ng papaya matapos niya itong halikan sa pisngi. Naghila siya ng upuan at naupo upang panoorin ang ginang. “Alam niyo na 'yon, Nay. Walang bago,” nakangiting sagot niya. “Baka naman panahon na para sumubok ng bagong environment? Kumuha ka na lang ng pwedeng maging manager ng flower shop. Wala namang masama do'n.” “Naisip ko na rin 'yan, Nay. Kaya lang...ano naman ang bagong environment na susubukan ko?” “Kung hindi mo naman kayang iwan ang flower shop, subukan mo na lang kayang magka- love life? Hindi ba mas exciting 'yon?” Natawa naman siya. “Nay naman!” “Tama naman, ah? Tutal naman nasa tamang edad ka na. Panahon na siguro na may mag-alaga naman sa 'yo. Alam mo na.” Kinindatan pa siya nito. Natatawang umiling-iling siya. “Tama na, Nay. Nakikita ko pa lang ang mga kinahantungan ng love life ni Macy natu- trauma na 'ko, eh.” “Naku, 'wag kang magsasalita nang ganyan. Iba ka, iba ang pinsan mo.” “Aaminin ko po naghihintay rin ako kay Mr. Right.” “Ayi! Sabi ko na nga ba, eh!” Natatawang tumayo siya. “Magbibihis lang po ako pagkatapos tutulungan ko kayo.” Hindi nakapagtatakang only child lang siya. Ipinagbubuntis pa lang siya ng kanyang ina ay sinawing palad ang kanyang Tatay na mapasama sa mga binawian ng buhay sa car bombing habang papunta ito sa trabaho nito sa Qatar. Pagkatapos ay hindi na nag-asawang muli si Aling Cynthia. Itinuon na lang nito ang buo nitong panahon sa trabaho at pagpapalaki sa kanya. ANG SABI sa kanya ni Macy, isa sa mga featured artists ng exhibit na iyon ang bagong prospect nito. Pagkatapos ng isang modelo ay painter naman pala ang nakakuha ng atensiyon nito. Kanina pa nagsisimula ang exhibit nang dumating sila sa venue. Mas mahaba kasi ang oras ng paghihintay niya sa pinsan na matapos magpaganda kaysa sa mismong biyahe nila. “Nasa'n na kaya si Ceddie?” “Sinong Ceddie?” takang tanong naman niya habang pinapasadahan ng tingin ang mga bisita na pawang mga young professionals. “The guy I've been talking about! Hindi ko pa nga pala nasasabi ang name niya sa 'yo. Now you know,” at humagikhik pa ito. “Macy, tama ba ang ginagawa nating 'to? Umuwi na lang kaya tayo?” nag-aalangang tanong naman niya. “Ano ka ba? Bakit tayo uuwi? At sino naman ang nagsabing mali ang ginagawa natin? Hindi naman tayo nag-gate crash. Halika na nga.” Pakaladkad pa siya nitong hinila papunta sa buffet table at inabutan ng basong may punch. “Uminom ka para hindi naman sayang ang pagsama mo sa 'kin.” “Hindi ba may alcohol 'to?” nakangiwi niyang tanong matapos ilapit sa ilong ang baso. Hindi niya narinig sumagot ang pinsan. Nang tingnan niya ito ay nakikipagkawayan pala ito sa kung sinong may itsurang lalaki. “Siya na ba 'yong sinasabi mong Ceddie?” tanong niya. “Hindi siya si Ceddie. Hindi ko pa nga nakikita ang isang 'yon, eh. Pero pwede na rin , 'di ba?” “Ang labo mo talagang babae ka. Kaya walang sumiseryoso sa'yo, eh.” “Sakit mo namang magsalita pero okay lang. Alam ko naman kasing hindi pa sila ang tamang lalaki, eh.” Nagkibit-balikat lang siya at uminom sa baso niya. “Halika na samahan mo 'kong hanapin si Ceddie,” yaya sa kanya nito ilang sandali pa. “Ikaw na lang. Titingin na lang ako ng mga paintings dito.” “Bahala ka na nga.” Nang talikuran siya nito ay saka namang paglapit niya sa mga naka-display na artworks sa dingding na malapit sa kanya. “Ang gaganda, in fairness,” napakibit- balikat na sabi niya. Wala siyang masyadong alam sa art pero hindi naman niya masabing pangit ang mga gawang naka- display doon. Tuluyan na siyang nalibang sa pagtingin hanggang sa makuha ang atensiyon niya ng isang partikular na painting. Nakapinta kasi doon ang isang babae na nagga-garden. Hawak nito ang isang paso na may tanim na rosas at tila kinu- cultivate gamit ang isang shovel. Naka- ponytail pa ang babae pero may mga hiblang kumawala doon at napunta sa mukha ng subject pero tila hindi naman nito inalintana iyon. She giggled. “Parang si Nanay lang?” “Actually, ang subject ng painter sa artwork na 'yan ay ang pinakamamahal niyang Mama.” “Really?” awtomatiko niyang sabi at agad na natigilan dahil sa pagkagulat. Bigla na lang may nagsalita sa tabi niya na hindi naman niya kilala pero tumugon siya. Nang sulyapan niya ang may-ari ng mala- DJ na boses ay nakangiting mga labi at nagniningning na mga mata ang sumalubong sa kanya dahilan upang mahigit niya ang paghinga. “Yup. Maganda ba?” anang lalaki. He was wearing a plain black shirt sa ilalim ng blue hoody jacket. Mukha itong college student na napadaan lang but he looked very cute. “M- maganda. Sa unang tingin mukha lang siyang simpleng painting pero 'yong pagkakapinta niya halatang hinaluan ng pagmamahal.” “Exactly. Ang galing mong maka- appreciate, ah. Artist ka rin ba?” Alanganin siyang tumawa. “Naku, ni hindi nga ako makagawa ng matinong straight line lang, eh.” Tumawa ang lalaki at hindi niya maiwasan ang magtaka. Corny ang joke na binitawan niya kung joke nga iyong matatawag pero natawa na agad ito. Kung hindi ito mababaw na tao, tiyak na sinasakyan lang siya nito. In fairness nga lang at masarap pakinggan ang tawa nito. “Nang- aasar ka ba?” kunot-noong tanong niya. “Hindi, ah,” sabi naman nito. “Kilala mo ba ang artist niyan?” “Hindi, eh. Ikaw ba kilala mo?” “Ceddie San Diego.” Nanlaki naman ang mga mata niya. “Oh. 'Yong artist na dahilan kung bakit ako kinaladkad ng pinsan ko papunta rito,” aniya at umangat ang isang sulok ng mga labi niya. He chuckled again. “Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa nakukuha ang pangalan mo.” “Kailangan pa ba?” amused na aniya. Inilahad naman ng lalaki ang kamay sa kanya. “So you are...” Tinanggap naman niya ang kamay nito. “Rochelle Samonte. Ikaw?” “Ceddie San Diego.” Natigilan na naman siya at napatitig dito. “S-seryoso? Ikaw si Ceddie San Diego? O baka naman niloloko mo lang ako?” “Bakit, hindi ba 'ko mukhang artist?” Hindi talaga. Mas mukha itong cover boy ng isang teen's magazine at hindi isang painter! “H-hindi naman sa gano'n.” “Kungsabagay ako nga mismo aminadong wala nga sa itsura ko. Masyado kasi akong gwapo.” Pinigilan niyang magtaas ng kilay. “Biro lang, “ bawi naman agad nito. Tipid lang siyang ngumiti. Buti naman. “So what do you do?” tanong pa nito. “'Yong kamay ko,” sagot niya. “Pardon?” “'Yong kamay ko binabawi ko na.” Na-gets naman nito ang sinabi niya nang tumingin ito sa kamay niyang hawak pa rin nito. “Oh, I'm sorry,” nakangiti pang sabi nito at binitawan ang kamay niya. “Akala ko nga nalibang ka na, eh,” pasakalye niya. “Napansin mo ba?” “Ang alin?” “Our hands fit perfectly.” Idinaan niya sa tawa ang pag-iinit ng mga pisngi niya. “Joker ka pala.” “Hindi masyado. May boyfriend ka na ba?” Hindi niya ipinahalatang nagulat siya. “Basted ka,” sa halip ay sabi niya. Si Ceddie naman ang halatang nagulat. “What? Basted agad? “Gano'n din naman 'yon, 'di ba? Sasabihin kong wala akong boyfriend tapos tatanungin mo 'ko kung pwede mo ba 'kong ligawan kaya sinabi ko nang basted ka. Kung mabilis ka, mas mabilis ako sa 'yo.” “So wala ka ngang boyfriend? “Ayoko nang ulitin ang sinabi ko.” “Ayos, ah. Akala ko pa naman magkaka- girlfriend na 'ko.” Natawa naman siya. “Mas ayos ka. Wala pa tayong ten minutes na magkakilala.” “Pwede ka bang mayayang magkape minsan?” “Umiiwas na 'ko sa caffeine, eh.” “Mag-juice kaya?” “Acidic ako. Pati sa softdrinks umiiwas ako.” “Ano pa ang iniiwasan mo?” “Mga lalaking kagaya mo.” Saglit din itong hindi nakapagsalita. Sinamantala naman niya ang pagkakataon para tawagin ang pinsan na tila naghahanap pa rin. Nang tumingin si Macy sa direksiyon nila ay agad na nagliwanag ang maganda nitong mukha. Daig pa nito ang nakahukay ng treasure pagkakita kay Ceddie.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.6K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook