Chapter Five

2879 Words
CHAPTER FIVE SUMAKAY SIYA ng taxi papunta sa ibinigay na address sa kanya ni Rickson. BUSY?, text niya rito. HI. OO, EH. MUKHANG OVERTIME NA NAMAN KAMI NITO. Napatakip siya sa bibig niya para pigilan ang paghagikhik. At talagang pinalalabas pa nito na nasa opisina lang ito ng Thumb Apps at subsob sa trabaho. HUWAG KANG MAGPAPASOBRA. BAKA MAGKASAKIT KA, reply naman niya. AKO PA! MISS NA KITA. ;) :p, iyon lang ang reply niya. Sa isang exclusive na subdivision pala ang tinitirhan nito kasama ang pamilya nito. Nang ibaba siya ng taxi sa tapat ng isang kulay green na gate ay nakita niya ang motor ni Ceddie na naka- park lang sa munting garahe ng bahay. Parang gusto na naman niyang matawa pero hindi maipagkakailang nakaramdam din siya ng pagkakonsensiya. Kung hindi kasi nito inisip ang kapakanan niya noong isang araw ay hindi naman sana ito magkakasakit. Nag- door bell siya at ilang sandali pa ay may lumabas na isang babae na halos kaedad lang ng Nanay Cynthia niya. At pamilyar siya sa mukha nito. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang babaeng nakita niya sa painting ni Ceddie noong gabi ng exhibit. Ito na nga ang tinutukoy ng binata na Mama nito. Nakasuot ito ng apron at sa tingin niya ay may ginagawa ito na iniwan lang nito pansamantala. “Magandang hapon po,” magalang na bati niya. “Magandang hapon din sa'yo, hija. Ano'ng kailangan nila?” “Nandiyan po ba si Ceddie? Sabi kasi sa 'kin ni Mr. Ang ito ang bahay niya.” “Si Rickson ba ang tinutukoy mo? Halika, hija, tuloy ka!” Binuksan nito ang gate para makapasok siya. “Ikaw pala si Chelle,” manghang sabi pa ng ginang na nagpakilalang Mama nga ni Ceddie habang papasok naman sila sa loob ng bahay. “Opo. Hindi ko po alam na absent pala siya kung hindi pa 'ko nagpunta sa opisina nila para sana isauli ang jacket niya.” Iminuwestra pa niya ang paperbag na isa sa mga dala niya. “I see, hija,” napatangong ani Amanda. “Para ba sa kanya ang bulaklak at mga prutas na dala mo?” “Ah, eh, opo. Ayoko po sanang isipin niyo na nanliligaw ako sa anak niyo. Balita ko po kasi may sakit siya, eh, kaya heto. Kasalanan ko rin po kasi kung bakit siya nabasa ng ulan.” “Napaka- sweet mo namang bata, Chelle. Gusto mo ba 'kong samahan sa kusina? Ang totoo nagluluto ako ng sopas para sa kanya noong dumating ka.” “Sige po, walang problema. Ang ganda po ng bahay niyo, Mrs. San Diego,” sabi pa niya. “Salamat. Ang totoo last year na ni Cedfrey sa high school nang matapos itong maitayo. Sila lang ng Papa niya ang nagdesign nitong bahay, alam mo ba?” “Wow. Pero bakit mas pinili niyang maging app developer kaysa ang maging architect?” “Iyon talaga ang pangarap niya kaya lang eh mas pinili niyang maging practical. At least napagsasabay niya ang pagpipinta at ang trabaho niya. Tingin nga namin eh napamahal na rin siya sa trabaho niya.” Dinala siya nito sa kusina matapos niyang iwan ang paperbag na naglalaman ng jacket sa may sala. “Nasaan po si Ceddie?” tanong niya pagkaupo niya sa stool. “Nasa kwarto niya nagpapahinga. Mamaya aakyat ako para madala ko na 'tong sopas niya. Ang totoo mabuti na ang pakiramdam no'n hindi katulad kahapon.” “Pinahiram po kasi niya 'yong jacket niya sa 'kin kaya siya nabasa ng ulan. Kasalanan ko pa po yata.” “Naku, 'wag mong sabihin 'yan, hija. Hindi mo naman ginustong umulan, hindi ba? Proud nga ako sa dahilan ng pagkakasakit niya, eh.” Kinindatan pa siya ng ginang bago ito humagikhik. Napangiti na rin siya. Mukhang dito yata namana ni Ceddie ang pagkindat na ugali sa Mama nito. At napakabait talaga ni Amanda. Hindi lang basta pakitang tao. “Magkwento ka naman tungkol sa sarili mo,” sabi pa nito matapos nitong ilapag ang orange juice sa harap niya. “May maliit po akong flower shop at ako rin ang nagma- manage niyon. Mahilig po kasi ako sa bulaklak kaya imbes na maghanap ng trabaho, 'yon na lang po ang ginawa ko. Nakilala ko po si Ceddie nang samahan ko ang pinsan ko sa exhibit noong nakaraang linggo.” Naupo naman ito sa tabi niya. “Nabanggit nga niya. Ano, sinagot mo na ba siya?” “H-ho?” Napaayos siya ng upo. “K-kasi po hindi naman nanliligaw sa 'kin si Ceddie. M-magkaibigan lang po kami.” “Hindi pa ba siya nanliligaw?” napangalumbabang anito. “Ang hina naman ng anak ko.” “A-ano pong sabi niyo?” tanong niya. Mahina kasi ang huling pagkakasabi nito kaya hindi niya iyon narinig nang malinaw. “Ah, wala, wala, hija. Sige, mukhang okay na 'yong sopas. Kukuhanan ko lang si Ceddie nang makakain niya.” “Mrs. San Diego, pwede po bang ako na lang ang magdala para sa kanya?” “Papayag lang ako kung tatawagin mo 'kong, Tita,” sabi naman nito at kinindatan siya. Natawa siya nang mahina. “Thanks...Tita.” “CEDFREY?” tawag ni Amanda matapos kumatok sa pintuan ng silid ng binata. Nasa likuran siya nito at siya ang may dala ng tray na may sopas, tubig at gamot. “Bukas 'yan, Ma,” sagot naman nito mula sa loob. Nang marinig niya ang boses nito sa unang pagkakataon pakiramdam niya ay may humaplos sa puso niya. “Papasok na 'ko, dala ko na ang sopas mo.” “Thanks, Ma.” Tinanguan naman siya ni Amanda. Maingat nitong binuksan ang pintuan para makapasok siya. “Ikaw na ang bahala sa anak ko, hija,” mahinang sabi nito at bago nito isinara ang pinto ay hindi naman nito pinalagpas ang pagkakataon na kindatan siya. Napahugot siya ng hangin. Agad niyang nakita si Ceddie na nakatalukbong ng comforter sa kama nito. Iginala niya ang paningin sa silid na iyon. Hindi malaki at hindi rin maliit, tamang- tama lang. Malinis din iyon, parang hindi kwarto ng lalaki. Napangiti siya saka inilapag ang tray sa mesang kadikit ng kama at naupo doon. “Cedfrey, kain ka na.” “Bakit naging kaboses mo ang future wife ko, Ma?” tanong nito sabay bangon. Magulo ang buhok nito at naniningkit pa ang mga mata nang makita niya. Gayunpaman, lalo lang itong gumwapo sa paningin niya. Nanlaki pa ang mga mata nito nang ma- realize na hindi naman siya si Amanda. “Hi,” nangingiti niyang bati. “What are you doing here?” he asked in horror. “Busy pala sa opisina, ha. Ngayon mo sabihing malakas nga ang resistensiya mo,” pang- aasar pa niya rito. “H-hindi, wala. Sumakit lang ang ulo ko.” “Nagpapalusot ka pa, eh.” Kinapa niya ang noo at leeg nito. “Mukhang tama nga ang Mama mo, okay ka na.” Inalis nito nang tuluyan ang comforter at naupo sa tabi niya. Nakasuot lang ito ng puting T- shirt at checkered na boxer shorts. “Pa'no ka napunta dito?” “Si Rickson. Pinuntahan kita sa Thumb Apps pero absent ka naman daw. Isasauli ko lang sana ang jacket mo at para makapagpasalamat na rin. Bakit hindi mo man lang sinabing may sakit ka? Edi sana kahapon pa kita pinuntahan dito.” “Ugali ko na 'yon. Kung sasabihin ko baka mag- alala ka pa eh hindi naman malala ang sakit ko.” “Kahit na, sana nagsabi ka pa rin. Ikaw naman parang 'di tayo friends.” “Grabe, ginulat mo talaga 'ko.” Natawa siya. “Bakit, ayaw mo ba 'kong makita kitang nakaganyan lang? Parang wala namang nagbago sa'yo.” “Nahihiya kasi ako,” sagot nitong napakamot pa sa ulo. Marahan niya itong hinampas sa braso. “Kumain ka na at baka lumamig pa 'yang sopas mo. Ang bait pala ng Mama mo, 'no?” “Oo naman. Hindi ko yata siya ipagpapalit na kahit kaninong Nanay. Pero kung gusto mong maki- share sa kanya, pwede naman tayong magpakasal bukas.” “May gamot din diyan. Mukha yatang nagdedeliryo ka pa.” Kinindatan lang siya nito bago nito kinuha ang bowl ng sopas at simulang kainin. “The best talaga si Mama,” sabi pa nito pagkatapos ng unang subo. “Dapat lang na ubusin mo 'yan.” “Kumain ka na ba? Gusto mo subuan kita?” “'Wag na. Pinakain na 'ko ni Tita bago kami umakyat dito. Buti hindi siya umalis ng bahay para samahan ka.” “Hindi naman talaga siya madalas umalis ng bahay. She's into direct selling of cosmetic products at minsan customer na ang pumupunta sa kanya dito. In that way full- time Mom and wife pa rin siya.” “Eh ang Papa mo, ano'ng trabaho niya?” “He's a college dean. Pero hindi siya terror, ha. Magugustuhan mo rin siya kapag nakilala mo. How about you stay for dinner?” Napalinga siya sa paligid ng silid at nakita niya ang oras sa wall clock. May alas singko na rin pala. “Gusto ko sana kaso hindi ko naipaalam kay Nanay na dadalawin kita. Ayoko naman siyang maghapunan mag- isa.” “So uuwi ka rin agad?” may panghihinayang sa boses na tanong nito. “Oo. Kailangan ko lang malaman ang kalagayan mo at ngayong nasiguro ko nang okay ka, masaya na 'ko.” Nagulat siya nang marahan siya nitong sikuhin. “Para kang concerned na girlfriend,” tukso pa nito. “Hala,” react naman niya at binuntutan iyon ng tawa. “Lakas mong mag- imagine, ha!” Inilapag nito sa mesa ang wala nang lamang bowl at ininom ang gamot. “Nararamdaman ko na, bukas makakapasok na 'ko,” confident pang sabi nito at kinuha ang kamay niya. “Kailangan lang pala bisitahin mo 'ko, eh. Thank you, Chelle, ha?” Kunwari ay umismid siya para itago ang kilig na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. “Naku. Ako nga, Ceddie, tigil- tigilan mo.” “Totoo kaya 'yon.” Nahigit pa niya ang paghinga nang halikan nito ang likuran ng palad niya. “Sarap mo sigurong maging girlfriend, 'no?” “Girlfriend ka diyan,” pakli niya at hinila ang kamay mula dito pero hindi naman nito iyon pinakawalan. “Ceddie, 'yong kamay ko.” “Ganitong- ganito rin 'yong naramdaman ko no'ng una kong mahawakan ang kamay mo. Ganito rin ba 'yong naramdaman mo?” 'Yong parang nakukuryente?, gusto sana niyang sabihin. “O-oo. Parang...parang wala lang. Alam mo 'yon?” Hindi niya alam kung imagination lang ba niya iyon pero parang nakita niyang saglit na nawala ang kinang sa mga mata ni Ceddie. “Alam mo, magpahinga ka na lang ulit at ililigpit ko lang 'to.” “'Wag ka munang umuwi agad, ha?” “Sabi mo, eh.” Tumayo na siya at agad na binuhat ang tray. “Gusto mo ako na lang ang magdala para sa'yo?” mungkahi pa nito. “Hindi. Dito ka na lang.” Nang pumunta siya ng kusina ay nakita niya si Amanda na naglilinis sa sink. “Tita, naubos na po niya,” sabi niya. “Aba, ang bilis, ah?” manghang sabi naman nito at kinuha mula sa kanya ang tray. “Ako na lang ang maghuhugas ng mga 'to.” “Baka kailangan niyo po ng tulong, Tita.” “Balikan mo na lang si Ceddie.” “Sige po. Dadalhan ko lang siya ng mga prutas. Ano po ba ang pinakapaborito niya?” “Oranges, hija.” “Sige po.” “Thank you, Chelle, ha? Kung magiging girlfriend ka ng anak ko tiyak na magyayaya na agad 'yong magpakasal sa'yo.” Alanganin siyang tumawa. “No comment po.” Humagikhik pa ang ginang bago siya nagpaalam. Nang bumalik naman siya sa kwarto ni Ceddie ay wala na ito sa kama. “Ceddie?” tawag niya matapos ilapag ang mga prutas sa mesa. Napansin din niya na may isang pinto sa silid nito ang nakabukas. “Ceddie?” “Hey, I'm here,” narinig niyang sagot nito mula sa kung ano man meron sa nakabukas na pintuan. “Pwede ba 'kong pumasok diyan?” “If you don't mind seeing me naked, okay lang.” “Sige, maghihintay na lang ako dito,” sagot naman niya. Lumitaw ito sa pintuan na nakangisi at may suot pa ring damit. “Ayaw mo talagang i-grab ang opportunity, ha. Halika kung gusto mo talagang makita.” “Sigurado kang okay lang, ha?” Kindat lang ang tugon nito. Nang pumasok siya ay napagtanto niyang para pala iyong extension ng silid nito. Kung ano nga lang ikina- neat ng silid- tulugan nito ay siya namang kalat ng silid na iyon. Sinalubong siya ng mga nagkalat na papel sa paligid, ilang mga lata ng pinta, iba't- ibang uri ng paintbrush, mga canvass, paintings na nasa tabi- tabi at isang hagdan. Naagaw rin ng pansin niya ang isang mural sa dingding. Nakapinta doon ang isang babaeng walang mukha. Para itong nakahiga sa damuhan at malayang nakalugay ang alon- alon nitong buhok. “Pasensiya ka na kung sobrang magulo. Ito ang workshop ko. Dito ko ginagawa ang lahat ng mga paintings ko.” “Halata ko nga. Sarap sigurong tumambay dito, 'no? 'Yong wala kang ibang iniisip kundi 'yong artwork mo lang.” “Mismo. Alam mo sa tingin ko blessing-in-disguise 'yong nagkasakit ako kasi mabilis kong natapos 'yong painting ng Nanay mo.” “Talaga?” manghang sabi niya at napatitig dito. “Hindi ka nagpahinga, nagpinta ka lang?” “You don't mean na kapag nagpahinga ako kailangan wala talaga akong ginagawa, right? Stress- reliever ko ang pagpipinta, alam mo naman 'yon.” Pinaghugpong niya ang mga kamay. “Pwede ko bang makita ngayon?” excited niyang tanong. “Kung gusto mo talaga, sino ba naman ako para magdamot?” Lumapit ito sa isang canvass na natatakpan ng puting tela. Nang tanggalin iyon ni Ceddie ay napanganga siya nang makita ang painting. “Did I get it right?” Hinipo niya ang canvass gamit ang hintuturo niya. “Ang ganda, Ceddie! Kapag nakita 'to ni Nanay tiyak na matutuwa talaga siya!” parang maiiyak na sabi niya. “Thank you- thank you so much!” “You're wel--ah,” hindi naituloy ni Ceddie ang sasabihin dahil nayakap niya ito nang wala sa oras. “Ang saya- saya ko naman ngayon.” “Basta ikaw.” Nang matauhan si Chelle sa naging reaksiyon ay agad din siyang kumalas dito. “Ay, sorry, na- carried away lang,” apologetic niyang sabi. “Sarap mo ngang yumakap, eh.” “May sinasabi ka?” “Ah, wala. Ano, kung gusto mong dalhin ngayon ang painting ayos lang sa 'kin.” “Ngayon na?” napaisip na sabi niya. “Baka makita lang ni Nanay 'yon at malaman pa niya. Pwede bang sa araw na lang ng birthday niya?” “Walang problema sa 'kin.” “May ginagawa kang painting ngayon?” “Sa ngayon 'yang painting lang ng Nanay mo ang pinagkakaabalahan ko.” “Eh 'yang painting sa dingding? Walang mukha ang babae. Ganyan lang ba talaga 'yan?” “'Yan? Ang totoo hindi pa. Matagal ko nang nasimulan ang painting na 'yan pero hindi ako sigurado sa magiging itsura niya kaya hinayaan ko na muna.” “Sana matapos mo na.” “Ang totoo alam ko na kung paano siya tatapusin. Wrong timing lang talaga ang mga trabaho sa opisina sa ngayon.” “Kapag natapos mo na kailangan ako ang unang makakita, ha?” nakangiting ani Chelle. “Oo ba,” mabilis na tugon naman ni Ceddie. “Tara, labas na muna tayo. May dala akong mga oranges para sa'yo.” “Sinisigurado mo talagang gagaling ako, ha?” SAKTONG MAG-A-ALAS SAIS nang magpasya siyang umuwi. Mag- aabang na lang siya ng taxi sa labas ng gate tutal naman ay may dumadaan daw doon. “Pumasok ka na, Ceddie. Maggagabi na, baka mahamugan ka pa,” sabi niya sa binata. Si Amanda sana ang sasama sa kanya pero dahil maghahanda pa ito ng dinner ay si Ceddie na lang ang nagprisinta. “Okay lang. Sabi ko naman sa 'yo pwede na 'kong pumasok bukas, 'di ba?” “Hindi naman sa gano'n. Kaya lang nasa labas ka ng bahay niyo at naka- boxers ka lang. Pa'no kung may makakita sa 'yo?” “Sanay na ang mga tao sa 'kin dito, 'no.” “Ang tigas nga pala ng ulo mo, 'no?” pagsuko na lang niya. “I have to make sure na makakauwi ka kaya 'wag ka nang kumontra.” Ilang sandali pa ay may dumaan din na taxi na agad pinara ni Ceddie. “Ingat ka sa pag- uwi. And Chelle, maraming-maraming salamat sa pagdalaw. Sobra ko talagang na- appreciate 'tong pagsayang mo ng panahon.” “Walang anuman,” nakangiting tugon naman niya at sumakay na sa backseat. “Kita na lang tayo.” “Yeah, see you.” Kumaway siya rito at gano'n din ang ginawa nito. Kahit nakalabas na ng subdivision ang taxi ay hindi pa rin maalis- alis ang ngiti sa mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD