CHAPTER SEVEN
“NAKAALIS NA si Ceddie?” tanong sa kanya ni Aling Cynthia nang maisara na niya ang pinto at kagagaling naman nito ng kusina.
“Opo. Hinintay ko lang siyang makaalis bago pumasok.”
“'Yon bang batang 'yon, eh, nanliligaw na sa'yo?”
“H-hindi po.”
“Boto ako sa kanya sakaling manligaw nga siya.”
Ngumiti naman siya. “Masaya po ba kayo sa birthday niyo, 'Nay?” sa halip ay tanong niya.
“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya, anak,” sabi naman nito at hinawakan siya sa pisngi. “Taon- taon na lang hindi ka nawawalan ng sorpresa. At napakaswerte ko kasi ikaw ang naging anak namin ng Tatay mo. Alam mo may isa pa 'kong birthday wish.”
“Ano naman po 'yon?” nakangiti naman niyang tanong.
“Sana kapag tumuntong ka na ng twenty- five eh nakapag- asawa ka na o 'di naman kaya eh may plano ka nang magpakasal.”
Natawang kinuha niya ang kamay nitong nasa pisngi niya at hinawakan nang mahigpit.
“Twenty- five? Hindi po kaya napakabata ko pa no'n?”
“Ideal age nga 'yon, eh. Basta gusto ko twenty- five may asawa ka na.”
“Nay, kapag nag- asawa na 'ko gusto ko kasama pa rin kita sa bahay.”
“Hindi kaya hindi sumang- ayon ang mapapangasawa mo?”
“Kung si Ceddie po ang mapapangasawa ko, tiyak na walang problema sa kanya.”
Humagikhik naman si Aling Cynthia.
“Huli ka, Chelle! Sinasabi ko na nga ba may lihim kang pagnanais sa binatang 'yon, eh.”
Natawa naman siya. “Nay, sekreto lang natin 'to, ha? Ang totoo niyaya niya 'kong magdinner at pumayag po ako.”
Impit namang napatili ang Nanay niya.
“Tulungan kitang maghanap ng damit na maisusuot.”
“Hindi naman po kayo excited sa lagay na 'to, 'no?”
SHE'S NEVER been this excited before. Nang may humintong magarang kotse sa labas ng gate ay hindi agad siya naniwalang dumating na ang hinihintay niya. Nasa may sala sila ni Aling Cynthia at naghihintay na kay Ceddie nang mga oras na iyon. Kung sana ay sinubukan rin niyang makipagdate sa isa sa mga nangungulit sa kanya noong college, hindi sana ay hindi ganoon ang nararamdaman niya. Iyon bang kinakabahan siya at hindi mapakali.
“Salubungin na natin ang date mo,” excited na yaya ni Aling Cynthia na nakasilip sa jalousy.
“Sige po.”
Sumunod siya sa Nanay niya nang magpatiuna ito paglabas ng pinto. Nakita naman niya si Ceddie na nakatayo na sa labas ng gate. Napakagwapo nito sa suot nitong white long sleeves na polo at nakatupi pa ang mga manggas hanggang siko nito. Black jeans and white rubber shoes naman ang ipinares nito doon. May hawak itong dalawang bouquet ng mga bulaklak at malapad ang ngiti nito habang papalapit siya.
Tingin naman niya ay hindi na masama ang suot niyang blue na baby dress at black leggings na pinaresan niya ng doll shoes. Katulad ni Ceddie ay may suot din siyang relo at iyon lang ang accesory niya sa katawan. May sukbit siyang pouch na pinaglagyan niya ng kanyang cellphone at ilang personal na gamit.
“Magandang gabi po sa inyo, Tita,” magalang na bati nito. “Magandang gabi, Chelle.”
“Magandang gabi rin, hijo. Gwapo natin, ah?” nakangiting sabi naman ni Aling Cynthia.
“Thank you po. First date, eh, kaya nagpapa- impress. Para nga pala sa inyo.”
“Thank you!” Tuwang- tuwa ito nang tanggapin ang isa sa dalawang bouquet. “Ang sweet mo naman at nag- abala ka pang dalhan ako ng bulaklak.”
“Mahilig po talaga akong mamigay ng mga bulaklak sa mga magagandang babae.”
“Bueno, baka nakakaistorbo na 'ko sa inyo. Papasok na ako at ipinauubaya ko na sa 'yo ang dalaga ko. Makakaasa ba 'ko, hijo?”
“Aba, siyempre naman po, Tita. Aalagaan ko talaga siya habang magkasama kami.”
“God bless sa date ninyo. Sana mag- enjoy kayo. Magandang gabi sa inyong dalawa.”
“Good night din po, Nay,” si Chelle at humalik na sa pisngi nito.
Sinundan pa nila ito ng tingin habang papasok sa loob at nang maisara na nito ang pinto ay saka pa nagsalita si Ceddie.
“Para sa 'yo,” sabi nito at inabot sa kanya ang bouquet.
“Thank you,” na- touch na tugon niya. “Ang ganda, ha. Mukhang threat pa yata sa amin ang sino mang gumawa nito. Sa'ng flowershop mo ba 'to binili?”
“Actually, ninakaw ko lang 'yan sa kapitbahay namin. Wala na kasi akong budget, eh.”
Natawa siya nang 'di oras.
“Isusumbong kita sa Nanay ko. Gandang- ganda pa naman 'yon sa ibinigay mo.”
“Kaya nga may secret na tayong dalawa, 'di ba?”
“Tse.”
“Hindi ko alam na may igaganda ka pa pala,” sabi naman nito nang sumeryoso.
“A-ako?” wala sa loob na tiningnan niya ang damit na suot. “Hindi nga ako nag- effort sa ayos ko. Sana okay lang sa 'yo.”
Siyempre, hindi totoo iyon. Sa katunayan ay nakailang palit din siya ng damit dahil hindi siya makuntento sa isang pares.
“Hindi ka pa nag- effort sa ganyang ayos? Amazing. Hindi katulad ko, kinulit ko pa si Mom kung ano'ng ayos ang papasa sa 'yo.”
Pakiramdam niya ay na- flattered naman yata siya sa sinabi nito.
“You look great, Ceddie. Kahit hirap akong aminin, gwapo ka nga,” sabi niya at tumawa.
“Eh ba't ka natatawa?”
“Hindi kaya.”
Binuksan na nito ang pintuan sa tabi ng driver seat.
“Sa daan na lang kaya tayo mag- usap?” mungkahi pa ng binata.
“Great idea.”
Sumakay naman siya at ilang sandali lang ay nasa biyahe na sila patungo sa kung saan man iyon.
“Nagulat ako na kotse ang dala mo,” sabi pa ni Chelle.
“I don't think magandang idea ipang-date ang motor.”
“Says who?”
“It's our first date. Hindi ba dapat na magpa- impress ako?”
“Ceddie, sasama pa rin naman ako sa'yo kahit sa bisikleta mo lang ako isakay, eh. Ayaw ko pa no'n, mas memorable?” nakangiting aniya. “Kanino nga ba ang kotseng 'to?”
“Sa 'kin.”
“Talaga?” gulat na sabi niya. “Pero bakit lagi kang nakasakay sa motor mo?”
“Kasi humble ako.” Kinindatan pa siya nito sa rearview mirror na ikinatawa niya.
“Sa'n naman tayo pupunta?”
“'Yan ang hindi ko pwedeng sabihin sa'yo hangga't wala pa tayo do'n.”
“Malayo pa ba?”
“Malapit na tayo. Basta, steady ka lang diyan.”
“Okay.”
NAMANGHA siya sa nakita matapos siyang pagbuksan ng pintuan ng kotse ni Ceddie.
“Ano'ng gagawin natin dito sa...Sanctuary Gardens?”
Isang eco park ang Sanctuary Gardens sa pagkakaalam niya. Dinarayo iyon ng maraming tao at palaging featured sa TV.
“Dito tayo magdi- date,” sagot naman ni Ceddie at kinuha ang kamay niya para ikawit sa braso nito. “Halika na.”
Sumunod naman siya dito.
“Kilala mo ba ang may- ari nito?”
“Ang pagkakaalam ko project ng mga Montreal ang eco park na 'to. Nakapunta ka na ba dito?”
“Hindi pa nga, eh. Pero balita ko maganda raw dito.”
Sobrang maliwanag kahit gabi dahil sa mga lamp post na nagkalat sa paligid. Marami ang mga punong- kahoy at sa di kalayuan ay natanaw niya ang malagong damuhan at mga benches. Nakakita rin siya ng playground. Nang ilibot niya ang paningin sa paligid ay hindi siya makakita ng ibang tao bukod sa kanilang dalawa.
“Nasa'n ang mga tao? Bakit yata parang tayo lang ang nandito?” tanong pa niya.
“Isinasara talaga nila 'to kapag gabi kaya wala nang pwedeng pumunta.”
“Kung gano'n bakit dito pa tayo nagpunta? Hindi kaya kasuhan tayo ng trespassing ng may- ari? Naku, humanda ka talaga sa 'kin, Ceddie, dahil pakakainin kita ng tinik!”
Tumawa naman ang binata.
“Relax. Wala ka naman yatang tiwala sa 'kin, eh. Alam ko ang ginagawa ko, okay? Bilisan na natin.”
Ang pinakasentro ng eco park na iyon ay isang man- made na ilog na may sapat na lawak para pamangkaan. Doon siya dinala ni Ceddie sa tabi ng ilog na pinaliligiran ng mga japanese lanterns na nagkalat sa paligid.
“Wow,” manghang sambit niya.
Tingin niya ay napaka- romantic naman ng lugar na iyon.
Mula sa kung saan ay may lumabas na mga tatlong kalalakihan na naka-uniporme ng waiters na may bitbit na mga tray na nakatakip. Dinala iyon ng mga ito sa nakalatag na picnic mat sa isang bahagi ng ilog at inayos. Ang akala niya ay may magsi- set up pa ang mga ito ng mesa pero mukhang ang gustong mangyari ni Ceddie ay magpi- picnic sila.
“Ayos na po, Sir. Ready na ang inyong dinner,” sabi ng isa sa tatlo.
Nagpasalamat si Ceddie sa mga ito bago sila iniwan ng tatlo.
“Halika na, Chelle,” yaya sa kanya nito pagkuwan.
“Magtapat ka nga, Ceddie, secret millionaire ka, 'no?” tanong naman niya.
“Secret millionaire? Ako? Hindi 'no. Edi sana hindi ko na hinahanap ang one piece hanggang ngayon.”
“Ano'ng one piece?” takang tanong niya.
“Sekreto naming mga pirata 'yon,” anito sabay kindat sa kanya.
Inalalayan siya nitong maupo sa picnic mat bago ito naupo sa tapat niya.
“Cute,” nakangiting komento niya at saka tumingala sa kalangitan. Maaliwalas ang langit at maraming bituin. Hindi talaga niya mapigilang kiligin.
“Hey, let's eat.”
“Okay.”
“MAY ITATANONG ako sa'yo,” sabi niya matapos nilang kumain ng dessert na triple chocolate cake roll.
“Ano naman?”
“Ilang babae na ang nayaya mong magdinner dito?”
“Ilan? Ikaw pa lang naman. At sa maniwala ka man at sa hindi, wala na 'kong ibang babaeng idi- date dito kung hindi ikaw lang.”
“Asus,” hindi kumbinsidong pakli niya.
“'Ayan ka na naman. Halatang hindi ka na naman naniniwala.”
Natawa siya. “'Wag ka kasing magsasalita nang mga ganyan. Narinig ko na rin 'yan, eh.”
“Gusto mong sumakay ng bangka?” mungkahi pa nito.
“Pwede?” na-excite namang tanong niya.
“Oo. Teka, pipili ako sa mga bangka dito.” Naghubad ito ng sapatos at itinupi ang pantalon bago tumayo.
Pinanood niya itong lumapit sa isa sa mga bangka at itulak iyon papuntang tubig.
“Okay na!” sabi nito at sumenyas ng 'thumbs up'.
Nangingiting tumayo siya at nagbitbit ng isang japanese lantern. Bago siya naglakad palapit dito ay hinubad din niya ang suot na doll shoes.
“Sandali, ikaw ba marunong magsagwan? Baka naman nagpapa- impress ka lang sa lagay na 'yan?” tanong niya nang nakatayo na siya sa may dock.
Tumawa pa ito. “Marunong ka naman sigurong lumangoy?”
“Pwede manghiram muna tayo ng life vest?”
“Akin na ang kamay mo,” nakatawang sabi nito at iniabot ang kamay sa kanya.
Humawak siya dito at maingat na sumampa ng bangka habang hawak pa rin sa isang kamay ang lantern. Inilagay niya iyon sa gitna nila. Hinawakan naman ni Ceddie ang dalawang sagwan at iginiya ang bangka papunta sa pinakagitna ng ilog. Wala sa loob na napahawak si Chelle sa magkabilang gilid ng bangka.
“Ang ganda talaga ng langit,” napangiting sabi niya nang mapatingala na naman sa kalangitan.
“Tingnan mo 'yong buwan, sa sobrang liwanag makikita mo na 'yong mananaggal na pagala- gala lang.”
“Ceddie!” nahintakutang saway niya.
“Wala ka bang naririnig na kakaibang tunog sa paligid mo?”
“Wala.”
“Ah, wala ba? Edi wala,” nakatawang sabi nito.
Inirapan lang niya ito para matakpan ang takot na bigla niyang naramdaman.
“Ga'no kalawak ang ilog na 'to?” ilang sandali pa ay tanong niya.
“I'm not really sure pero inaabot ng fifteen minutes ang isang buong ikot dito sa ilog. Ilang ikot ba gusto mo?”
“Depende. Ang sarap pala kasi ng feeling na mamangka. Ang gaan sa pakiramdam.”
“Gusto mo ikutin ng tatlong beses?”
“Bakit tatlong beses?”
“Kasi no'ng makausap ko 'yong manager nitong eco park, nabanggit niya sa 'kin na may alamat daw ang ilog na 'to. Kapag inikot 'to ng tatlong beses ng dalawang magkasintahan, sila na raw ang magkakatuluyan.”
“Gano'n?” napataas ang isang kilay na sabi niya. “Eh hindi naman natin kailangang magpapaniwala do'n, eh. Hindi naman tayo magkasintahan.”
“Eh pa'no kung magkasintahan nga tayo? Well, halimbawa lang naman.”
“Ceddie, hindi naman alamat o anumang paniniwala ang makakapag-decide ng kapalaran ng dalawang tao, eh. Nasa choice pa rin nila 'yon. Pero kung ako ang tatanungin mo, gusto ko pa ring ikutin 'tong ilog kahit higit pa sa tatlong beses. Ang ganda- ganda ng paligid, eh. Sayang naman ang oppprtunity.”
“Yeah, I couldn't disagree with you,” nakangiting pagsang- ayon naman ni Ceddie. “Hindi ka ba nilalamig?”
“Hindi naman. Makapal naman 'tong suot ko kaya okay lang. Well, 'yong paa ko lang siguro.”
“Satisfied ka ba sa date nating 'to?”
“Satisfied? I don't think so.”
Hindi agad ito nakasagot. “Oh, okay,” sa huli ay sagot na lamang nito at nakita ni Chelle ang saglit na pagtamlay ng mukha nito.
“You see, it's more than satisfactory. It's wonderful, Ceddie!” nakatawa niyang sabi.
He smiled at her and he instantly looked relieved.
“Wow. Does this mean you'll go out with me again?”
Kunwari ay napaisip siya. “Hindi ko masasabi. Depende.”
Pero ang totoo ay umaasa siyang hindi lang iyon ang huling maging date nila.
“I'll still ask you,” determinado namang sabi ni Ceddie.
Sige lang, Ceddie. Nagpapakipot lang naman ako, eh, anang isang bahagi ng utak niya.
“Kapag naka- dalawang ikot na tayo may itatanong ako sa 'yo,” dagdag pa nito.
“Ano naman 'yon?”
“Kapag nakadalawang ikot na nga tayo. Teka, malapit na.”
Parang hindi naman yata siya makapaghintay na malaman ang itatanong nito.
“Ano na nga ang itatanong mo?”
“K-kasi, ano, eh.” Tumikhim- tikhim pa ito. “Kapag ba...kapag ba...”
“Ano, may kabag ka?”
“Hindi, wala, wala!” natarantang sabi naman nito. “Ano...kapag ba niligawan kita may pag- asa ba 'ko sa'yo?”
Hindi naman agad siya nakapagsalita dahil sa sinabi nito. Pagkatapos ay kumunot ang noo niya at hinintay si Ceddie na magsabi ng isang punch line na nagsasabing nagbibiro lang ito.
“Wala ka man lang bang sasabihin?” tanong pa nito.
“Ikaw, hinihintay kitang sabihing nagbibiro ka lang do'n sa sinabi mo.”
“Chelle, bakit naman ako magbibiro nang gano'n sa'yo? Seryoso ako. Kung liligawan kita, may pag- asa ba 'ko sa 'yo?”
She was overwhelmed by the idea, yes. Ang totoo ay napa- flatter siya at walang masama kung payagan niya itong ligawan siya dahil nagsisimula na niya itong magustuhan pero may isang bagay na pumipigil sa kanya. Si Macy iyon. Gusto ng pinsan niya si Ceddie. Ano na lang ang mararamdaman nito kapag nalaman nitong nagpapaligaw siya sa binata?
“Liligawan pa lang naman kita, eh. Kung gusto mo 'kong bastedin sa huli, ire-respeto ko naman ang desisyon mo. Ang sa 'kin lang bigyan mo 'ko ng pagkakataon na patunayan na mabuti ang intensiyon ko sa'yo,” sabi pa nito nang wala itong makuhang tugon mula sa kanya.
Nagbaba siya ng tingin.
“Ceddie, hindi mo kasi alam, eh. Gusto ka ni Macy. Kaya lang naman tayo nagkakilala kasi sinamahan ko siya sa exhibit na 'yon para makita ka niya. Gusto ng pinsan ko na mahanap ang true love niya at sa tingin niya ikaw 'yon. Baka masaktan ko siya.”
Huminto sa pagsagwan si Ceddie.
“Pero hindi mo naman ako pwedeng ipagtulakan sa kanya, 'di ba? Aren't we just talking about choice a while ago? I could talk to her and for sure she'll understand.”
“Bakit ka huminto sa pagsagwan?” tanong naman niya.
“Simple lang naman kasi 'yan, eh. Kung hindi ka papayag, tatalon na lang ako dito sa ilog at magpapakalunod.”
“What?” gulat na react niya.