Sang-ayon Sila

1553 Words
Pagkahatid at pagkakain ni Glenn ay nagpaalam na ito kay Mang Joel, nagmano ito at tuluyan ng umuwi. "Mag-ingat ka anak." Pabirong sumagot si Glenn, "Opo, itay." Sabay sa alon sa saya at sumigaw ng "Yes!" Napangiti si Mang Joel at nagdasal na ingatan ng Diyos si Glenn sa paguwi nito. Sumakay muli si Glenn ng bus papuntang Ayala. Habang nakasakay sya sa bus ay tinext nya na si Jillien para humingi ng tulong dito. Batid nya na nagpa plano na itong mag pakasal sa 5 taong kasintahan nito. Agad namang sumang ayon ito at namilit na magkita sila kinabukasan pang maplano nila ng maayos ang mga gagawin nila. Tila excited din si Jillien sa plano ni Glenn. Tinext nya rin ang pinaka malapit nyang pinsan, ito ay si Bren, at katulad ni Jillien ay na excite din ito. At mag usap daw sila pagkauwi ng kanyang pinsan at paano sya makakatulong dito. Nagtext si Chloe, "Kamusta? Naihatid mo ba si tatay? Salamat. Miss na kita." At tumugon si Glenn ng "Oo, naihatid ko na sya. Namiss na din kita. Kumain ka naba? Nasa bahay ka na?" At muling nagtext si Chloe, "Nasa bahay na ako. At opo, kumain na po ako." Nagtext muli si Chloe, "anung oras ka makakauwi? Ihahatid mo ba ako?" Tumugon naman agd ng text si Glenn, "Kakaalis ko lang ng Tagay, malamang ay bukas na ako makapunta syo. Ang tindi ng traffic, paniguradong gagabihin akong makarating sa Pampanga." At nagtext muli si Chloe, "Ay, lalo kitang namiss. Sige, bukas tayo magkita. Ingat ka sa byahe ha." At nagtext din si Glenn muli, " Ingat ka sa pagpasok mo mahal. I love you!" Sa text na ito ay kinilig ng husto si Chloe, habang si Glenn naman ay napangiti rin sa sagot ni Chloe, "I love you!" Medyo maayos na ang mga plano, detalye na lang ang kulang ni Glenn. Hindi isang lalaki ang mahilig sa mga detalye o abubot ng isang kasal. Kayat ipapaubaya nya ito kay Jillien. Mainam naman din at may mga na canvass na sya at natanong tanong ng mga kailangan. Dahil sa traffic ay mag gagabi na ng makauwi si Glenn, umuwi ito agad. Nagbihis at nag ayos sya ng sarili para magpahinga. Nang maalala nyang maguusap nga pala sila ni Bren. Agad itong bumaligkas at nagtungo sa kanyang computer. Nang mag open sya ay nag message sya agad sa pinsan nyang si Bren. Agad namang tumugon ito. "Tagal mo bro. Where did you come from?" Ang tanong ni Bren. Sinagot ito sa message ni Glenn, "Sa Tagaytay at hinatid ang tatay ni Chloe. Sya yung kasama ko sa condo." At nagpatuloy ang usap nila ng kanyang pinsan tungkol sa kasal na plano nya. Sinabi nya rin dito na sya ang napili nyang best man at simple lang ang kasal. Nang matapos silang mag usap sa messenger ay lumabas ng kuwarto si Glenn upang kumain. Nakita nya ang kanyang mama na si Aling Suzette, magluluto plang ito at naghihiwa ng mga sangkap. "Wow, anu ulam natin, ma?" Ang tanong ni Glenn sa kanyang mama habang nagkiss ito sa noo. "Yung paborito mong sinigang na hipon." Ang tugon ni Aling Suzette na may ngiti sa kanyang labi. "Uy, sarap nyan!" Ang excited na tugon ni Glenn habang paupo ito sa silya sa may lamesa kung saan naghihiwa ang kanyang mama. "Kamusta ang byahe mo anak? Naihatid mo ba si Pareng Joel?" Ang tanong ng mama ni Glenn sa kanya. "Opo, ma. Ang layo pala ng pinagtatrabahuhan ni Tito Joel." Ang sagot ni Glenn. Sandali itong tumahimik at nag wika. "Ma, magagalit kaba kung mag-aasawa na ako?" Ang tanong ni Glenn sa kanyang mama na may pagaalinlangan. "Aba, may nakilala kaba sa pinuntahan mo? May nililigawan kanaba?" Ang tanong ni Aling Suzette kay Joel. "Ma, naman e....saguting mo muna. Magagalit kaba?" Ang makulit na tanong ni Joel sa kanyang mama. "E kasi naman, anak, naghahanap kapa sa iba e andyan lang sa kapitbahay ang bagay syo." Ang mapanuksong wika ng mama nya na may panuksong ngiti din sa kanyang labi. "Sino si Chloe?" Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Glenn ay binara ito ng mama nya, "Bakit? Maganda, mabait at matalino si Chloe, at magkasundo naman kayo. Well, minsang nagkakatampuhan pero naayos nya naman agad." Sinagot naman ito ni Glenn, "Gusto mo si Chloe para sa akin? E pano kung sya nga?" Sa puntong ito napasigaw si Aling Suzette, "Eeee....sya nga? Gusto namin sya ni Papa mo!" Nagulat si Glenn sa reaksyan ng kanyang mama at lalong sumaya ang kanyang kalooban dahil sumasang ayon ang lahat sa relasyon nila ni Chloe. Niyakap nya ang kanyang mama mula sa likod nito at hinalikan nya ito sa ulo. "Payag ka nang mag-asawa ako?" Ang tanong ni Glenn kay Aling Suzette. "Kung si Chloe, yes na yes kami ni Papa mo." Sya namang dating ni Mang Matt galing sa kanilang negosyo. May pagawaan ng furnitures sila Glenn at ang mga customers nito ay karaniwang mga hotels, resorts at government agencies, medyo may kaya sila Glenn pero hindi maluhong pinalaki si Glenn kaya't simple langdin itong namuhay at natutong tumayo sa kanyang sarili. "Anu yan at nadinig ko ang pangalan ko?" Ang pabirong wika ni Mang Matt habang ito ay papalapit kay Aling Suzette upang magkiss. "Sarap ng ulam ha! Sa labas palang ako naamoy ko na." Ang pahabol na wika ni Mang Matt. Naisalang na kasi ni Aling Suzette ang mga sangkap at pinakukuluan na nito ang sabaw. "Etong anak mo nagpapaalam kung pwede na daw ba syang mag-asawa." Ang wika ni Aling Suzette "Abay sa isang kundisyon, dapat sing ganda at sing bait ni Chloe." Ang pabirong sambit ni Mang Matt kay Glenn. Napangiti si Glenn na may halong hiya at saya. "Eto nga ang siste, si Chloe nga ata!" Ang sambit ng mama ni Glenn. "Naku, para kaming tumama sa lotto ni mama mo!" Ang pasigaw na sambit ni Mang Matt habang tinitikman nito ang ulam na niluluto ni Aling Suzette. Lalong napangiti si Glenn na sya naman kindat ng kanyang Papa sa kanya, tanda na boto ito kay Chloe talaga. "Kelan ba ang balak nyong magpakasal? Mamamanhikan naba tayo bukas" ang biro ni Mang Matt sa anak nyang si Glenn. Natawa si Glenn ang nagsalita ng, " Si Papa naman, nagmamadali." "Abay, mahirap ng maunahan ang manok ko. Teka alam naba nila Pareng Joel at Mareng Salud yan." Ang natatawang tanong ni Mang Matt. "Opo, nasabi ko po kay Tito Joel kanina, pero si Chloe po ang hindi alam, gusto ko po syang surpresahin sa kaarawan nya sana." Ang bigkas ni Glenn sa kanyang mga magulang na si Mang Matt at Aling Suzette. "Naku po! Niligawan mo naba? Alam ba nya? Kayo naba?" Ang gulat na tanong ni Mang Matt. Ngumiti ng abot hangang tenga si Glenn ngunit hindi na ito nagsalita. "Ayun oh, sige anak. Sangayon kami kay Chloe. Sabihan mo lang kami ng mga plano ninyo."ang paliwanag ni Mang Matt. "Pa, huwag mo muna pong banggitin sa iba, walang alam sina Tita Salud na kami na ni Chloe." Ang pakiusap ni Glenn sa kanyang Papa. Habang naglalagay na ng pagkain si Aling Suzette, "O sya, kumain tayo habang pagusapan natin yang kasal na yan. Ilang anak ba ang gusto nyo?" Ang pabirong bigkas ni Aling Suzette. "Si Mama, excited ka po?" Ang matawa tawang sambit ni Glenn. "Aba syempre, nagiisang anak ka namin, gusto ko rin mag alaga ng mga chikiting dito sa bahay. Etong Papa mo, baka hindi na pumasok pag may apo na sya." Ang natatawang pagsabi ni Aling Salud. At nagusap, nagtawanan at nagplano ang pamilya ni Glenn sa mga mangyayari at gagawin nila sa isang buwan. Sa usapan nila ay may 32 na araw nalang ang pagpaplano nila. Naayos ang mga detalye dahil sa imahinasyon ni Aling Suzette. Nabanggit din na pareho pala ang paburitong kulay ni Chloe at ng mama ni Glenn na si Aling Suzette, eto ay rosas. Naexcite si Aling Suzette at nasabi nyang kakausapin nya si Aling Salud para makapagplano ang mag kumare na magiging magbalae na din. Matapos ang kanilang hapunan. "O magpahinga kana anak at maaga pa ang pasok mo bukas." Ang wika ni Aling Suzette. "Opo, ma, medyo napagod nga din po ako sa byahe. Salamat po. Goodnight Pa, goodnight ma." Ang pagpugay na paalam ni Glenn sa kanyang mga magulang at pumasok na ito sa kanyang kuwarto. Ang mga magulang ni Glenn ay nagliligpit at nagkwentuhan pa sa may lamesa. "Tignan mo nga naman at sila din pala ang magkakatuluyan." Ang sambit ni Aling Suzette na may halong kilig sa boses nito. "Mabuti naman. Nasabi mo ba na may tinatago tayong ipon para sa kasal nya kung sakali?"ang tanong ni Mang Matt kay Aling Suzette. "Hindi pa, nakalimutan ko rin at na excite ako ng sabihin nyang si Chloe ang babae." Ang sambit ni Aling Suzette sa asawa nito. Napangiti si Mang Matt at nagsabi na, "Bukas mo na sabihin, para hindi rin magalala ang anak mo sa gastos." At niyaya na ni Mang Matt si Aling Salud upang magpahinga na din. Nilock na nila lahat ang pinto at nagpatay ng ilaw, at sabay pumunta sa kanilang silid upang magpahinga na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD