Maayos Na Ang Lahat

1675 Words
Kinabukasan ay pumasok na si Mang Matt at si Glenn sa kanilang mga trabaho at naiwan na si Aling Suzette. Naglinis linis muna ito ng paligid at ng bahay, at chaca nag sara ng pinto at tumungo sa grocery. Habang naglalakad sya sa grocery at namimili ng mga produkto na nais nya ay nakita nya si Aling Salud. Napangiti ang dalawa at hindi napigilan ni Aling Suzette na tanungin si Aling Salud kung may nabanggit ba si Glenn sa kanya. "Mare, may nabanggit ba ang anak kong si Glenn sa'yo?" Ang tanong ni Aling Suzette. "Tungkol saan?" Ang tugon na tanong din naman ni Aling Salud. "Tungkol kay Chloe?" Ang sambit ni Aling Suzette. Napangiti si Aling Salud at nagwika,"Si Glenn wala. Pero si Joel, meron. Nagsabi daw si Glenn at nagpaalam na hihingin ang kamay ni Chloe sa kaarawan nito." Ang nakangiting wika ni Aling Salud. "Pumayag naman ba si Pareng Joel? Ikaw ba payag ka, mare?" Ang kinakabahang tanong ni Aling Suzette kay Aling Salud. "Oo naman, mare. Gusto namin si Glenn." Ang wika ni Aling Salud. "Ay salamat, magiging magbalae na tayo" ang kinikilig na sambit ni Aling Suzette. Nagkuwentuhan pa ang dalawang si Aling Salud at Aling Suzette, napagusapan nila ang surprise, ang damit na ipapasuot kay Chloe, at mga bagay na tungkol sa kasal. Excited ang dalawa hindi lamang sa surprise kundi ang magkatuluyan ang kanilang mga anak. Magkapitbahay sila at dumating din sila sa punto na naghihiraman ng mga gamit, nagpapalitan ng ulam, magkasama sa mga meeting lalo na sa iskwelahan ng mga anak nila nun. Mahaba at marami na ring pinagdaanan ang kanilang mga pamilya na naging close sila, kayat ng sabihin ni Glenn ang mga ito ay excited ang lahat. Sa trabaho ni Glenn ay sinisingit nya ang mga detalye ng kanyang surpresa. Nakakuha na sya ng form para sa seminar, para sa lisensya at kung anu anu pang requirements upang maging ganap na asawa si Chloe. Dahil sa wala si Glenn sa opisina ng isang araw dahil sa paghatid nya kay Mang Joel sa Tagaytay ay medyo dumami ang kanyang trabaho at naging abala sya. Nagtext na pala si Chloe nang hindi nya namamalayan. Habang kay Chloe naman ay may tampo at alinlangan na ito. Nagtataka si Chloe kung bakit dalawang beses na sya nagtext pero ni isa ay walang sinagot si Glenn. Nagisip na ito kung mahal pa sya ni Glenn o sadyang nakalimutan na sya dahil nakuha na ni Glenn ang gusto nya kay Chloe. Nasasaktan na si Chloe dahil mahal nya na si Glenn. Sa wakas ay sumagot na si Glenn."Sorry ang dami kasing trabaho na naiwan ko kahapon kaya hindi ko napansin ang text mo sa telepono ko." Nakahinga si Chloe at sumagot sa kanya, "Okay lang, pauwi na ko maya maya. Magkikita ba tayo mamayang gabi." Ang maalinlangang tanong ni Chloe. "Hindi siguro, bukas nalang kasi may meeting pa kami mamaya" ng tugon na text ni Glenn kay Chloe. Naging balisa si Chloe at bumalik ang kanyang pagkaduda sa pagmamahal ni Glenn sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Chloe na si Jillien ang ka-meeting nya at paguusapan nila ang mga plano. "Oh, ok. I love you." Ang huling text ni Chloe, ngunit lumabas ng opisina si Glenn dahil pinatawag ni mayor at nakalimutan nya ang cellphone nya sa kakamadali. Hindi nagreply si Glenn sa huling text ni Chloe na lalong nagtaka si Chloe at sa sarili nya ay umiiyak na sya at nasasaktan. Sa isip nya ay tinatanong nya kung mahal nga ba sya ni Glenn o kinuha lamang nito ang virginity nya? Natukso lang ba sila? Maraming tanong at agam agam ang naglaro sa isip ni Chloe hanggang sa umuwi sya ay nagiisip pa rin sya. Pagdating ng bahay ay malungkot na nagmano ito sa kanyang ina na si Aling Salud at agad pumasok ito sa kuwarto. Habang papasok ito ay, "Anak, okay ka lang ba? May nangyari ba?" Ang may pagaalalang tanong ni Aling Salud sa kanyang anak. "Okay lang po, nay. Pagod lang po at chaca 3rd day po ng menstruation ko." Ang malungkot na sagot ni Chloe kay Aling Salud at tuluyan ng pumasok ito sa kanyang silid. Nang dumating ang hapon at medyo lumuwag ang schedule ni Glenn sa opisina ay napansin nya na may huling text pala si Chloe. "Mahal, sorry. Pinatawag ako ni mayor at nakalimutan ko ang cellphone ko sa drawer" ang text ni Glenn kay Chloe. Medyo napangiti at naging masaya na si Chloe, dahil alam na nya ang dahilan kung bakit hindi nakareply si Glenn sa text nya. "Okay lang maya-maya papasok na ako uli. Pwede magpahatid sayo?" Ang lambing na tugon ni Chloe kay Glenn. "Pano yun may meeting kami. Promise bukas ihahatid kita...promise ko yan." Ang may pangakong text ni Glenn. "Okay, I love you!" Ang text ni Chloe kay Glenn at agad itong nag reply ng, "I love you so much!" Agad namang kinilig si Chloe at niyakap ang katabi nyan unan. Matapos nito ay naligo na si Chloe at magaayos na sya papuntang opisina. Paglabas nya ng kanyang silid ay nakita nya ang kanyang ina na nanood ng iniintay nito soap opera sa hapon. Tumabi muna sya dito at nakinood. "Hindi kana nakapagtanghalian, gusto mong kumain anak?" Ang nagaalalang wika ni Aling Salud. "Sige po, kakain po ako pero ako na po ang bahala." At tumayo si Chloe papuntang kusina upang kumuha ng kanyang makakain. Pagkasandok nya sa isang mangkok ng kanin at ulam ay bumalik ito sa kanyang upuan, sa tabi ng kanyang ina na nanonood ng TV. Habang kumakain ito ay tinanong nya ang kanyang ina kung anu ang storya ng pinapanood nito at sinu sino ang mga artista dito. Pinagusapan nila ang soap opera na paborito ni Aling Salud. Pagkatapos nyang kumain ay hinugasan na nya ang kanyang pinagkainan at nagpatuloy na ito sa pagaayos ng kanyang gamit at sarili papuntang trabaho nya. May 30 minutos din kasi ang layo ng bahay ni Chloe sa kanyang pinagtatrabahoan. Habang nagbibihis na sya ay nagtext si Glenn. "Nasa meeting na ako, kita tayo bukas, mahal." Kinilig naman si Chloe at gusto nyang paghandaan ang pagkikita nila ni Glenn kinabukasan. Tatlong araw din hindi nagkita si Glenn at Chloe mula ng sila ay manggaling ng Manila. Walang pasok si Chloe kinabukasan dahil sa nakipagpalit yung isang kaopisina nya na agent ng day off at bukas yung walang pasok nya. Nagkaroon si Chloe, ibig sabihin hindi sya buntis. Kakatapos lang ng menstruation nya bukas kaya't alam nyang safe sya sa kahit anu pang mangyari sa kanila ni Glenn. Gusto nyang makasigurado na mahal nga sya ni Glenn. Samantala, si Glenn at si Jillien ay sa bahay ng kasintahan ni Jillien nagusap. Nasa marriage licensing ang kapatid nito kayat alam nilang matutulungan sila nito. Ayaw nya rin kasi sa bahay ni Glenn dahil baka makita sila ni Chloe at magkapitbahay nga lang sila. Nahihiya naman ito sa bahay ni Jillien kaya't sa bahay ng kasintahan nyang si Richard ang napili nila. Pinagusapan nila ang maraming bagay tungkol sa surprise, sa kasal, sa mga requirements at kung anu ano pang detalye ng kasal. Nasulatan na rin ni Glenn ang lahat ng forms na kailangan at ibinigay na ito sa kapatid ni Richard, ang kasintahan ni Jillien. Tuwang tuwa si Jillien at kilig na kilig sa mga plano ni Glenn. "Ang arte arte nyo pa, kayo din pala magkakatuluyan!" Ang pabirong wika ni Jillien kay Glenn. "Oo nga e, nahiya kasi ako magsabi kay Chloe talaga." Ang sambit ni Glenn kay Jillien. "Ang tingin ko, matagal ka nang iniintay ni Chloe, syempre dalagang Filipina kaya hindi kami mauuna". Ang payabang na wika ni Jillien kay Glenn. Sabay sabi ni Richard, "Bakit ikaw?" "Ano? Ano?" Ang may pananakot na tanong ni Jillien kay Richard. At nagpatuloy si Jillien, baka gusto mo huwag na tayo magkita, bahala ka sa buhay mo!" Ngunit niyakap ito ni Richard at nagwika, "Joke lang yun, love na love kita" at nagtawanan ang lahat sa biruan ng magkasintahang Jillien at Richard. Malalim na ang gabi ng matapos sila, pero halos natapos na nila ang lahat ng dapat pagusapan. Kayat naguwian na sila. Hinatid ni Richard sa kanyang kotse si Jillien at ibinaba nila si Glenn malapit na sa bahay nito. Pagdating nya sa kanilang bahay ay gising pa ang kanyang mga magulang at nagiintay sa kanya. Pumasok ito ng bahay at nagkiss sa mama at papa nya. "Bakit gising pa po kayo?" Ang nagtatakang tanong ni Glenn sa mama at papa nya. " Gusto naming iabot sayo ito ng personal" ang wika ng kanyang ina na si Aling Suzette. Nakatingin ang mga magulang nya habang binubuksan nya ang sobre na iniabot ni Aling Suzette sa kanilang anak na si Glenn. Habang binubuksan ni Glenn ay nagwika ito."Anu po i...? Ay hindi pa sya natatapos magsalita ay nakita nya ang isang cheke na may malaking halaga. At napanganga sya sa gulat."Para san po ito?" Ang tanging nasambit nya. "Inipon namin yan para kung sakaling magdesisyon ka ng magasawa ay may konti kang magastos at makatulong sa pagsisimula ninyo" ang wika ng kanyang ama na si Mang Matt. "Lalo pa at si Chloe ang napili mo!" Ang masayang sambit ni Aling Suzette. "Salamat po, salamat po." At muling humalik si Glenn sa kanyang mga magulang. "O sya, matulog na tayo at medyo malalim na ang gabi, mahirap mapuyat" ang wika ni Mang Matt, habang papunta ito sa kanilang silid ay nagwika si Glenn, "Ma, Pa, salamat po". Napabaling ng tingin ng magasawa kay Glenn at sabay ngumiti at tumango. Matapos at nagtungo na muli sila sa kanilang silid. Sa isip ni Glenn ay magagawa na nya ang maayos na kasal na nais nya. Sa pagtulog nya ay nakangiti ito at masayang masaya sya sa kanyang loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD