MARIEL PENINCULA Mukhang seryoso naman yung boses ng nag-utos sa akin kaya kahit na naguguluhan pa rin ako ay umupo na lang ulit ako sa tabi ni Hernold. Para akong bata na sobrang behave sa upuan habang nakikiramdam sa kasama kung anong susunod kong gagawin. Nang makita ko na napunta kay Hernold ang paningin ng lahat ay pasimple ko siyang siniko para naman maturuan niya ko kung ano nang gagawin ko. Kahit bumulong lang sana sa 'kin si Hernold ay ayos na kaso ni hindi man lang siya tumingin sa direksiyon ko. Tsk! "Hernold, may I ask what was her name again?" muling nagsalita 'yong nanay ni Hernold. Hala! Nakalimutan ko rin pa lang sagutin siya kanina. Alam kong si Hernold ang tinatanong niya ngayon pero hindi naman siguro masama kung sumagot ako 'di ba? "Ako po pala si Mariel Peni

