CHAPTER 32

1040 Words

MARIEL PENINCULA Akala ko hindi na ko makakawala sa pressure na nararamdaman ko kanina. Mabuti na lang at nang matapos kaming kumain ay nagkaroon ako ng pagkakataon na umalis sa tabi ng pamilya ni sir Jem at pansamantala akong tumambay sa may garden ng bahay nila. Shet! Kung alam ko lang na may paganito pala sa kanila ay nakapaghanda na sana ako dati pa. Malay ko bang pati katulong ng amo ko ay kailangan din malaman ng lubusan ng buong angkan niya? Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Mag-isa lang ako ngayon dito sa garden kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makahinga ng malalim. Aba! Paminsan-minsan ay kailangan ko rin ng peace of mind at makaalis sa mag-ama na 'yon. Minsan stress na ko kay Kleo pero minsan dagdag din ang ama niya. Napahamak pa ko ng bata na 'yon kanina. She

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD