MARIEL PENINCULA
Huminto ang sinasakyan naming van sa tapat ng isang malaking bahay. Mansion na yata 'to dahil sa sobrang laki ng bahay nila.
Isa pang napansin ko kanina, pagkapasok namin sa gate ilang minuto ang nakakalipas. Med'yo malayo 'yong gate na tinutukoy ko rito sa bahay ah. Pagkapasok talaga namin ay wala na kong ibang nakitang bahay bukod dito sa hinintuan namin. Parang panay puno at bulaklak pa ang paligid na parang isang napakalaking hardin.
Dito ko lang napagtanto na pagmamay-ari na pala nila ang buong bagay na nakita ko simula nang pumasok kami sa malaking gate kanina.
Shet! Mukhang mayaman naman 'yong dumukot sa akin pero bakit nag-abala pa silang kunin ako?
Napakamot na lang ako sa aking ulo nang magsibabaan na sila palabas ng van at pumasok sa napaka laking bahay. 'Yong bata naman ay karga pa ng isang butler dahil tulog pa rin ito hanggang ngayon.
Tsk. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil may isang bagay na bigla na lamang pumasok sa isipan ko.
Paano na ko makakatakas nito kung sobrang layo naman ng exit ng lugar na 'to? Baka natakbo pa lang ako ay nasundan na ko ng sasakyan nila. Hindi rin ako makapagtago rito dahil tiyak na puno rin ng CCTV ang lugar na 'to.
Waah! Ito na ba ang oras para kitilin ko na lang ang sarili kong buhay at nang hindi na ko makaranas ng hirap?
Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila ay dumiretso kaming lahat sa may living room except sa butler na may karga doon sa batang natutulog. Dumireto yata siya sa kuwarto ng bata dahil paglingon ko sa likuran ko ay hindi ko na rin sila nakita.
Shet! Pati 'yong living room nila ay sobrang laki rin. Ako na nga lang nakakaramdam ng panliliit sa sarili ko dahil sa ganda ng paligid ko ngayon at panay mamahalin pa ang mga gamit na nandito.
Hindi ako makakilos ng maayos dahil bukod sa natatakot ako at baka tutukan na naman nila ako ng baril ay natatakot din akong may mabasag o masira akong gamit nila at madagdagan pa ang utang ko. Although, hindi ko naman utang 'yong sa lalaki kanina at sa kuya ko ang utang na 'yon.
"Ahm, p'wede ko na bang malaman kung bakit ako nandito ngayon? Teka, sandali. Huwag n'yong sabihin na ako ang nawawala ninyong mag-anak? Shet! Paano na si kuya? Kapatid ko pa rin ba siya?"
Napailing ako ng sarili kong ulo dahil sa mga bagay na naiisip ko. 'Yon lang din naman ang naisip kong dahilan kaya nila ko kinuha.
Mas lalong sumama ang tingin sa akin nung lalaki. Teka. Kanina pa rin ako lalaki nang lalaki pero hindi ko pa alam ang pangalan niya.
"Kay, tell her about the condition."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi ng lalaki.
"Condition? Hindi ko pa nga alam kung bakit n'yo ko dinala dito, may terms and condition na agad kahit wala pa kong pinipindot?" nagtataka kong tanong sa kanila.
"Ikaw ang kausap ko ha at hindi ang butler mo. Sino ka ba at bakit mo ko dinala rito?" naaasar ko pang tanong sa kanya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"Alright. I am Clark Jem Hernold. The only CEO of CJH company. Now, Kay. You may proceed."
Pft! Muntikan pa kong matawa dahil sa pagpapakilala niya sa akin.
"Sure, boss. You are here today to babysit the only heir of Mr Clark Jem Hernold. That's all you need to do. Kailangan mo lang siyang alagaan at mapasunod sa 'yo araw-araw. Just to make sure na hindi siya gagawa ng kahit anong delikado o gulo sa kanyang ama o sa kahit na sino."
Napataas ang isang kilay ko sa pinaliwanag nila sa akin.
Ano daw? Mas lalo yata akong na-stress dahil sa paliwanag ng isang 'to pero hindi ko mapaipagkakailang bahagya akong nabigla nang malaman ang totoong pagkatao ng taong kaharap ko ngayon.
Talagang hindi ako makapaniwala! Kausap ko 'yong CEO ng isang sikat na company. Totoo ba?
"Teka, sandali. Mr. CEO, parang may confusement yatang nagaganap sa pagitan na 'tin, ano? Kailan pa ko nag-apply sa inyo?" naguguluhan kong tanong sa kanila.
"You haven't but the child chose you."
"Ano? The child, you mean 'yong bata kanina?"
Tumango naman sila bilang tugon sa akin.
"Nako! Huwag na! Huwag na lang oy."
Nagsalubong ang dalawang kilay nang Mr. Clark na 'yon pagkatapos marinig ang naging sagot ko. Mukhang hindi pa yata siya makapaniwala sa naging sagot ko.
"What? You need money, right? 'Yong mga lalaki na may hawak sa 'yo kanina ay mga money shark. You look like you owned them a lot—"
"Hindi ako! Kuya ko ang may atraso sa kanila. Tss. Kapag nakita ko talaga 'yon, yari siya sa 'kin. Nagkaroon pa ko ng problema ng wala sa oras. Tsk!" Hindi ko maiwasan mapairap pagkatapos kong magsalita.
"How dare you put a stop to my words?"
Natigilan ako nang marinig ang mariin na tono ng pananalita nung CEO kuno.
Hala! Nagalit pa siya bigla. Hindi ko rin naman kasalanan na maasar sa sinasabi niya. Napakagat tuloy uli ako sa ibabang labi ko nang makita ang mga baril ng tauhan niya na nakatutok na naman sa akin.
"Peace! Peace, okay? Hindi ko sinasadya. Oo kailangan ko ng pera pero sandali. Magkano ba bayad ninyo sa akin?"
"Five a month."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa narinig.
"Five thousands a month? Huwag na. Sobrang baba niyan kumpare sa minimum wage lalo na at mahal na rin ng mga bilihin ngayon no!" reklamo ko sa kanila.
"Five million a month. All you need to do is to serve my child."
"Okay. Kailan start ko?"
Shet! Five million daw? Saan ako makakakuha ng gano'ng kalaking pera kundi dito lang. Mababayaran ko agad ang utang ng kuya ko sa mga tukmol na humahabol sa akin at may matitira pa sa akin. Mangyayari ang lahat ng 'yon sa loob lang ng isang buwan.
P'wede na rin akong mag-quit agad dito sa loob ng isang buwan kapag hindi ko rin nagustuhan ang environment dito.
Waah! Isang buwan lang ako magtitiis kaya ayos na ayos na ko roon!