MARIEL PENINCULA
Tumingin ako sa mga mata ni Hernold at natigilan ako lalo nang makita na parang maging siya ay nagulat sa ginawa niya.
Nang magsalubong ang mga mata naming dalawa ay mahina niya kong tinulak palayo sa kanya.
"Cloud. . . Soft."
"Huh?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang marinig ko ang dalawang salitang lumabas sa labi ni Hernold. Pagkatapos no'n ay bigla na lang niya kong iniwan.
Si Kleo ay nakaupo pa rin at nakatingin lang sa akin.
Napasapo na lang ako ng noo nang maalala ko si Kleo. Shet! Bakit niya ginawa 'yon sa harap pa mismo ni Kleo? Mas lalo lang nitong iisipin na nanay niya talaga ako. Waah!
"Mommy! Mommy let me kiss you too!" Lumapit sa akin si Kleo at akmang hahalikan ako pero nilayo ko lang siya sa akin.
Napasimangot naman siya sa ginawa ko.
"No. Hindi 'yon gano'n, Kleo."
"But why?" tinitigan ako ni Kleo.
Magsasalita pa lang sana ulit ako pero bigla na lang may lumabas na luha sa mga mata niya.
Parang bumalik tuloy sa realidad ang isipan ko nang makita ang mga luha ni Kleo.
"S-Sorry. Bakit ka naiyak?"
"Mommy doesn't want to kiss me."
Napakamot ako sa sarili kong ulo nang marinig ko ang sinabi ni Kleo.
"Hindi naman sa gano'n, baby. Gusto ko rin i-kiss ka, pero 'yong sa aming dalawa ng daddy mo. . ."
Tumingin muna ako sa paligid kasi baka may kanina pa pala nakikinig sa aming dalawa, hindi ko pa alam. Mas lalo nang liliit ang mundo ko sa mansion na 'to kapag nangyari 'yon. Tsk.
Nang masiguro kong kami lang talaga dalawa ni Kleo ang nasa loob ng kusina ay saka ako muling tumingin sa kanya at pinagpatuloy ang pananalita ko.
"Kleo, 'yong sa aming dalawa ng daddy mo, wala lang 'yon. Aksidente lang 'yon. Naiintindihan mo ba? Walang namamagitan sa aming dalawa ng tatay mo. Kung ano man ang nakita mo, hindi namin sinasadya 'yon. Meaning, hindi namin ginusto 'yon. Purely accident. Okay?"
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong magsalita kay Kleo. Hindi ko alam kung bakit pinapaliwanag ko pa sa kanya ang mga nangyari kanina. Wala naman kasi akong ibang makausap tungkol doon kundi si Kleo lang. Sa kanya ko lang p'wedeng ipaliwanag na wala lang talaga ang lahat.
Hindi ko na dapat iniisip ang tungkol doon!
"Pero, sandali. Kleo, ano kayang ibig sabihin ng daddy mo doon sa Cloud at soft daw? Sa tingin ko, may iniisip lang siya kaya niya nagawa 'yon. Ay ewan! Tama na ito. Halika na at maglinis na muna tayo ng katawan na 'tin."
Ngumiti ako kay Kleo na tahimik lang na nakikinig sa lahat ng sinasabi ko. Hindi ko nga alam kung naintindihan niya ko. Hinayaan ko na lang. At least, nasabi ko lahat ng nais kong sabihin sa isipan ko kanina pa.
Hinalikan ko sa noo si Kleo para hindi na siya malungkot at saka ako ngumiti sa kanya bago ko siya binuhat para makababa na siya at makapunta na kami ulit sa second floor para linisin ang katawan naming dalawa.
Hindi ko alam kung anong oras na pero gabi na kaya lilinisan ko na rin ng katawan si Kleo.
Habang naglalakad pa kaming dalawa ay nadaanan pa namin ang mga katulong na nagkukuwentuhan pero bigla silang tumahimik ng makita nila kaming dalawa ni Kleo.
Sinamaan ko sila ng tingin kasi alam ko naman kung anong pinagkukuwentuhan ng mga 'to. Tss. Kunwari pa mga 'to. Alam ko naman na mga chismosa rin sila. Mapamayaman o mahirap, hindi na nawawala ang mga katulad nila.
Kaya lang, tungkol saan naman kaya ang pinag-uusapan nila? Shet! Nakita kaya nila 'yong ginawa ni Hernold kanina. Sana hindi!
Naalala ko ang tungkol kaya kahit na gusto kong lumapit sa mga katulong at tanungin sila kung ano ba ang pinag-uusapan nila ay hindi ko na lang ginawa dahil natatakot ako sa magiging sagot nila sa katanungan ko.
Well, hindi naman ako natatakot sa kanila. Ayaw ko lang talaga na may isipin silang iba base lang sa nakita nila kanina. Hindi naman kasi ako gano'n!
"Mommy, wait. I can't walk so fast!"
Malapit na naming maabot ang second floor pero bigla na lang akong nakarinig ng pag-angal sa kasama ko.
Nakalimutan kong kasama ko nga pala si Kleo. Hindi ko namalayan na malalaki na pala ang ginawa kong paghakbang dahil sa kakamadali kong malampasan ang lahat ng mata ng mga katulong dito.
"Pasensiya ka na, Kleo. Hehe."
Hawak ko naman ang kamay ni Kleo kaya kahit na matalisod man siya ay maaalalayan ko pa rin siya pero nakakaawa naman si Kleo kung ipagpapatuloy ko ang paglalakad ng mabilis kaya huwag na lang.
Binagalan ko na lang ang paglalakad ko. Sapat lang para makasabay sa akin si Kleo hanggang sa tuluyan na naming narating ang kuwarto ko. I mean, kuwarto na siguro namin ni Kleo kasi kahit saan ako magpunta ay nakabuntot siya lagi sa akin.
Konti na lang ay samahan na rin ako ng bata na 'to sa loob ng comfort room habang nagdudumi ako. Tss.
Anyway, pagkapasok nga namin sa loob ng kuwarto ko ay pumasok na kaming dalawa sa may CR para makapaupo na kami sa bathtub at makapag-relax muna kahit paano.
Sabay na rin kaming naghubad at pumunta sa may bathtub. Ayos lang naman sa akin kung makita niya kong hubad dahil bata pa naman siya kahit na lalaki pa si Kleo. Hindi naman siguro niya maaalala kung anong hugis ng katawan ang meron ako at kung ilan ang buhok ko sa ano. Basta 'yon na 'yon!
"Mommy, make a bubbles!" masigla akong kinalabit ni Kleo habang pinaglalaruan niya 'yong mga maliit na duck na nasa tubig.
"Bubbles ba? Next time na lang. Gabi na."
"Please. . ."
"Paano ba 'yon? Hindi ko pa nagagawa 'yon, Kleo. Next time na lang."
Napapakamot na ko sa sarili kong ulo dahil hindi ko talaga alam kung paano gumawa ng bula rito dahil wala namang sabon na p'wedeng makabula.
Kinuskos ko na lang ang katawan ni Kleo para makaligo siya ng maayos gamit 'yong sarili niyang sabon. Nagpatay-malisya na lang ako habang nakatingin siya sa akin.