HERNOLD
I can't sleep and that's the biggest problem I have right now. I'm just laying on the bed and starting at the ceiling of the room.
I can't sleep but I need to sleep since if I don't sleep right now, I will feel more tired later. However, I don't know how to sleep now. Something is kept repeating on my mind and that's the issue.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko kanina at hinalikan ko 'yong babaeng 'yon. Na-curious lang naman ako kung ano ang mangyayari kapag nadikitan ko ang madaldal niyang labi. Hindi ko talaga inisip na halikan siya. Aksidente lang ang lahat ng 'yon.
Pero, nang mahalikan ko na talaga siya. Napagtanto ko na malambot nga ang labi niya. Damn! Hindi ko rin naman inaasahan na may masasabi pa ko sa harapan niya pagkatapos ng lahat.
Tsk! Why do I need to complicate myself and suffer like this? I know damn well what to do for me to sleep. I just need to go to that woman's room and sleep over there. I don't need to hesitate since this is my house and she is just a babysitter for my son.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at agad na naglakad patungo sa kuwarto ng babaeng 'yon. Minsan, napapaisip na lang akong makipagpalit ng kuwarto sa kanya dahil baka kuwarto ang may problema kaya hindi ako makatulog. Kaya lang, maliit naman ang lugar ng babaeng 'yon at hindi ko rin type ang kinalalagyan niya.
When I arrived at her room, I suddenly hesitated to open the door. I still need to have a lot of courage to finally open the door. However, when I opened it. There's no one inside.
Wait. Nasa kusina pa rin ba sila? Teka. Anong oras na at hindi pa rin niya pinapatulog ang anak ko?
Hinawakan ko ang aking noo at bumuntong hininga ako ng malalim. Not that I cared much but he is still my son.
Tumayo ako ng diretso at naglakad palabas ng kuwarto pero bigla akong natigilan nang may marinig akong nag-uusap galing sa may CR.
Wait. Did I just hear some voices inside my head because I'm still sleepy?
In order to make sure, naglakad pa rin ako base sa kung saan ko naririnig 'yong mga boses. Sliding door naman meron sa comfort room at hindi na rin nito kailangan i-lock kaya madali ko itong nabuksan katulad ng nais ko.
Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang mga taong hinahanap ko kanina pa. I mean, 'yong mga tao na nandito naman talaga dapat sa kuwartong ito.
MARIEL PENINCULA
Tuwang-tuwa akong paglaruan ang buhok ni Kleo dahil napakabula ng shampoo na meron siya. Akala ko pa nga ng una ay nagkamali ako ng lagay sa ulo niya kaya tinanong ko pa si Kleo para makasigurado.
Nakahinga naman ako ng maayos dahil tama rin naman ang nalagay ko. S'yempre! Mahirap na. Mamaya ang malagay ko pala ay nakakapagpakalbo pa sa kanya. Kapag nangyari 'yon ay baka makalbo pa ko ng tatay nito ng wala sa oras.
"Mommy, let me wash your hair as well."
Natawa ako ng bahagya nang marinig ko ang sinabi ni Kleo pero at the same time, nakaramdam din ako ng tuwa. Sa sobrang dikit sa akin ni Kleo, konti na lang ay iisipin ko nang sa akin talaga siya nanggaling at nagkaroon ako bigla ng mini version ko.
Na-curious lang ako tungkol sa totoo niyang nanay at kung anong klaseng babae siya para mahalin niya si Hernold. 'Yong gano'ng lalake? Nako! Napapaisip talaga ako kung paano 'yon nagustuhan ng nanay ni Kleo. Tsk!
Panay pa rin ang pag-iisip ko nang bigla na lang bumukas ang pinto ng CR. Sa sobrang gulat ko ay agad akong napalingon doon. Tumambad sa akin ang mukha ni Hernold na tila mas gulat pa sa akin nang makita niya ako.
"What the—"
"Hoy, sir! Ikaw pa may ganang magmura? Ikaw na nga ang pumasok sa loob. Labas!"
Pakiramdam ko nagtipon bigla sa ulo ko lahat ng dugo ko dahil sa sobrang inis sa nangyari. Hindi ko pa natakpan agad ang sarili ko dahil bukod sa nakita na rin naman niya ay hindi na ko nagkaroon ng lakas para takpan pa ang sarili ko.
Tinitigan ako ng masama ni Mr. Hernold pero tinitigan ko rin siya ng masama pabalik.
"Sir, hindi ka pa ba aalis d'yan? Enjoying the view lang peg mo."
"Shut up! You are making me dizzy right now."
Hindi ako sumagot sa kanya dahil baka kung ano na naman ang masabi ko kapag nagsalita pa ko ulit. Nakatitig lang ako sa kanya ng masama at hinihintay siyang umalis.
Kapag hindi pa umalis ang isang 'to ay talagang mapipilitan na kong gawin ang hindi dapat gawin.
"What do you think you're doing bathing with my son?"
Hindi ako agad nakasagot sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa naging katanungan niya sa 'kin.
"Really? Yan ang itatanong mo sa akin habang nakatayo ka pa d'yan at wala pa kong saplot hanggang ngayon?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"What's there to see? You have nothing you could be proud of over there and don't change the subject. What do you think you're doing?"
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim dahil hindi ko alam kung hanggang kailan pa ko makikipagtalo sa isang 'to.
Napairap na lang ako ng mata ko at saka ako umupo sa tabi ni Kleo. Mas mabuti pa siguro kung hindi ko na lang pansinin ang isang 'to. Mas maigi pa siguro para hindi ko na maalala kung anong bagay ang ginagawa niya sa akin ngayon. Baka makasuntok pa ko ng amo ko e!
"Kleo, come here."
"Pumunta ka na sa dad mo, Kleo." kinalabit ko rin naman si Kleo para makaalis na 'tong kupal na 'to sa harapan ko.
"But, mommy. I'm still—"
"Kleo, pumunta ka na rito."
Nang marinig ni Kleo ang sunod na salita ni Hernold ay agad siyang tumayo at naglakad papunta sa tatay niya. Pagkatapos no'n ay tuluyan na silang nakaalis.
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko nang makapag-isa na ko. Maraming bagay ang dapat kong isipin sa mga oras na 'to pero hindi mawala sa isipan ko ang panginginig na naman ng katawan ni Kleo kanina bago siya sumunod sa tatay niya.
Bakit kaya takot na takot siya rito?