HERNOLD
Pinunasan ko lang sandali si Kleo at saka siya binihisan. Pagkatapos, sabay na kaming naglakad palabas ng kuwarto at pumunta na kami sa kuwarto ko.
Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya sa mga oras na 'to pero nang makita ko silang magkasama simula pa nang nasa kusina sila kanina ay hindi ko na gusto ang nangyayari.
Just when did they become so close? Tsk!
Pagkapasok namin sa loob ng kuwarto ko ay sabay kaming naupo sa may kama.
"Kleo, you know what you did." panimula ko habang nakatingin sa ibang direksiyon.
"Yes, father." sagot naman niya agad sa akin.
"That woman is not your mother."
Naghintay ako ng ilang minuto para sa sagot sa akin ni Kleo pero hindi na siya nagsalita.
Nakaramdam ako bigla ng inis kaya tumingin ako sa direksiyon niya pero nakita ko siyang nagpipigil ng luha habang kagat-kagat pa niya ang kanyang ibabang labi.
"Do you want to get punish?" I asked him.
Sunod-sunod ang naging pag-iling sa akin ni Kleo. "No. That's why I am trying not to cry, father."
Matalino si Kleo. Alam niya ang mga dapat at hindi dapat gawin kahit na bata pa lang siya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit minsan, kailangan niyang suwayin ang utos ko kahit na alam naman niyang hindi 'yon tama.
This is not the first time that these happened between us. Madalas niyang suwayin ang mga simpleng utos ko bago pa niya nakilala ang babaeng 'yon. Walang katulong ang natagal sa kanya at madalas pa niyang guluhin ang trabaho ko kaya mas lalo akong nakakaramdam ng pagod noon at wala akong ibang choice kundi i-hire ang babaeng 'yon.
"Do you want her to get fired?" tanong ko ulit kay Kleo pero hindi siya ulit sumagot sa katanungan ko.
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Kung ganito lagi si Kleo ay malabong masasagot niya ko ng maayos.
"Alright. Lay on the bed and sleep."
Pagkasabi ko ng mga katagang 'yon ay agad niyang sinunod ang sinabi ko. Humiga na rin ako sa tabi niya.
Hindi rin nasunod si Kleo sa kahit na sino noon bukod sa akin. Minsan tuloy hindi ko alam kung tama pa ba na nandito siya sa mansion pero kailangan ko pa rin ang batang 'to. May mga bagay pa rin na kailangan niyang gawin at kailangan pa rin siyang makita ng magulang ko.
"Father, I can't sleep."
"Why?"
"Let me sleep with mommy."
Bumuntong hininga ako ng malalim sa sinabi niya. "No."
"Please, dad."
"Why do you want to sleep with her?" tanong ko sa kanya.
"I can only sleep with her beside me."
Same. I mean I want to tell the same thing with him but that doesn't help me at all.
"What will you do in return?"
"It's okay to get punish. Just let me sleep with her."
"I told you she's not you—"
"Dad!"
Natigilan ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumigaw si Kleo sa akin. Hindi ako inaasahan ang pagsigaw niya. Magsasalita na sana ulit ako pero narinig ko na lang bigla ang pag-iyak ni Kleo sa tabi ko.
"Why are you crying now? You're making my head hurts. Get up and reflect yourself."
Tumayo rin naman agad ang anak ko at humarap sa pinakasulok ng kuwarto. Nakatayo lang siya roon habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Hanggang sa bigla na lang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Tsk. Hindi na ko nakapagpahinga. Parang ayo'ko na rin tuloy pumasok bukas nito.
Wala pa rin akong ibang choice kundi buksan ang pinto ng kuwarto at salubungin kung sino man ang kumakatok sa labas.
Nang mabuksan ko na ang pinto ay hindi ko inaasahan ang makikita ko. Nasa labas ng kuwarto 'yong babae habang may hawak-hawak pa siyang damit ni Kleo.
"Nakalimutan kong ibigay kanina. Ito oh. Maduming damit 'yan ng anak mo."
I still wonder how the hell did she talk like that to me. Hindi ko alam kung talagang wala lang talaga siyang respeto dahil sa buhay na meron siya o baka sa tingin niya ay hindi ako mas'yadong mahigpit sa kanya.
Anyway, hindi ko rin naman nakuha agad ang inaabot niya sa akin dahil napatulala ako sa kanya. Lalo na nang ngumiti pa siya sa akin. Parang nagkaroon bigla ng bulaklak sa paligid.
Damn! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Nananaginip na yata ako. Tsk.
"Teka. Bakit parang naiyak si Kleo? Pinagalitan mo ba siya?"
Tinitigan ko siya ng masama pero hindi pa rin natinag ang babaeng 'to sa akin. Nagpumilit pa siyang tumingin sa loob ng kuwarto.
"Hoy! Bakit mo naman siya pinagalitan? Wala namang ginawang mali 'yong bata. Naliligo lang naman kami doon. Inggit ka lang dahil hindi mo 'yon nagawa sa anak mo. Siguro, dati may ginagawa ka pang iba sa kanya kapag may nagawa siyang mali. Ang laki na tuloy ng takot niya sa 'yo. Isa pa—"
"Shut up. If you have nothing more to do, get out of here now."
Kinuha ko na sa kanya ang inaabot niya sa aking damit ni Kleo. Pagkatapos, sinarado ko na agad ang pinto.
Napabuntong hininga ako ng malalim pagkasarado ng pinto. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng babaeng 'yon. I mean, ang dami niyang sinasabi pero parang iisa lang din naman ang ibigsabihin ng lahat ng 'yon.
Tumingin ako sa paligid nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Nakita ko naman 'yon sa lamesa at agad na kinuha.
I saw the name of the person registered on the phone. I am more awake now that I saw what was on the screen of my phone.
This is what I mean when the child of mine become useful to me. I need him to meet the condition of my own family and now, they are asking for him again.
Tumingin ako sa direksiyon ni Kleo na wala pa ring hinto sa pag-iyak. Lumapit ako sa direksiyon niya at hinawakan ko ang kanyang balikat dahilan para mapalingon siya sa direksiyon ko.
Tumingin ako sa kanya at nakipagtitigan lang. Gusto ko man ngumiti sa kanya pero hindi ko magawa dahil hindi rin naman ako marunong ngumiti.
"We will go somewhere else."