CHAPTER 20

1037 Words
HERNOLD Natapos na rin ang issue sa pagitan naming dalawa ni Kleo. Hindi ko pa rin gusto na mas'yado siyang close sa babaeng pansamantala lang din naman niyang makakasama pero wala rin naman akong magagawa dahil gusto talaga siya ni Kleo at nanay talaga ang turing niya rito. Tsk. I am being kind right now because I need Kleo to follow my order properly when we finally get out. That's why, I also grant his wish to go to that woman and sleep beside her. Nandito na nga kami ngayon sa harap ng kuwarto ng babaeng 'yon at hinayaan si Kleo na siya na ang kumatok at naghintay na lang ako na pagbuksan na lang kami ng pinto. Alam ko naman na laging bukas ang pinto ng kuwarto na 'to pero hindi ko na lang din 'to binuksan sa ngayon dahil ayo'kong maulit ulit ang nangyari kanina lang. Nang bumukas ang pinto ay agad na bumungad sa amin ang nakasimangot na mukha ng babaeng 'to. She looks like she's not in the mood to talk right now but that doesn't matter because I'm not here to talk to her right now. I'm just here to sleep. I mean, I am with my son right now. "Oh. Anong ginagawa mo rito? Natapos ka na bang pagalitan ang anak mo?" nakataas pa ang isang kilay niya sa akin habang nagsasalita siya. I just stared back at her. I don't know why she has this attitude towards me even though she is just a babysitter to my son but still, I don't have the strength to fight with her so I just let her do what she wants. I don't want to waste my energy on her. "Mommy!" Nahinto lang ang masasamang tingin na binibigay namin sa isa't isa nang bigla na lang magsalita si Kleo. Lumapit siya rito at umupo pa siya sa harapan ng anak ko. "Kleo, sabihin mo sa 'kin ang totoo. Ayos ka lang ba? Sandali nga at titingnan ko ang katawan mo. Kapag nalaman ko at napatunayan kong sinasaktan ka ng taong 'to, hindi ako magdadalawang isip na isumbong siya sa pulis." Bigla na lang niyang tinaas ang damit ni Kleo. Nang makita na niya ito ay hindi pa siya nakuntento at binaba naman niya suot na panjama ni Kleo. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim dahil sa ginagawa niya ngayon. She thinks too much. I'm indeed strict with my child sometimes, but I never raise my hands on him. I didn't hurt my blood. Nang masiguro na niya na wala namang kahit na isang galos sa katawan ni Kleo ay tumayo na siya ulit at hinarap ako ng maayos. Hinawakan pa muna niya ang kamay ni Kleo bago siya ulit nagsalita. Hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha niya habang nakatingin siya sa 'kin at ako naman, kanina pa hindi maintindihan kung anong klaseng scene ang nasa isipan niya ngayon at ganito na lang ang pakikitungo niya sa akin. "Dito matutulog si Kleo, sir. Walang problema. Matutulog na kaming dalawa rito." Bigla na lang tumalikod sa akin 'yong babae habang hawak pa rin niya ang kamay ng anak ko. Nakaramdam na naman ako ng inis dahil sa inaakto niya sa akin ngayon. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya ang ganitong trato niya sa 'kin. Wala akong balak matulog dito. I mean, gusto ko ring matulog dito dahil dito lang ako nakakatulog ng maayos pero kung ganito siiya umakto sa 'kin, mas magandang pumasok na lang ako sa loob at samahan silang dalawa. Pumasok na rin ako sa loob. Sinunod ko ang kagustuhan ng isipan ko kahit na hindi rin naman 'yon ang inaasahan kong ikikilos ng katawan ko. Nakapasok na rin ako kaya hindi na ko lumabas ulit dahil baka hindi na ko makapasok ulit. Bigla na lang huminto sa paglalakad 'yong babae at humarap siya sa akin. Nagsalubong sa pagtataka ang dalawang kilay niya nang makita niya kong nasa loob na rin ng kuwarto niya. "Sir, anong ginagawa mo rito? Dito ba talaga kuwarto mo? Kasi kung oo, sa ibang kuwarto na lang ako matutulog. Doon sa maid room talaga." Kalmado pa ang boses niya pero alam ko naman na hindi rin niya ko gustong makita rito. I crossed both of my arms and looked at her with my usual expression. "What? Do you want me to get out of my things? I gave this room for you to sleep but that doesn't mean that I should not barge into your room, right?" Hindi siya nakasagot agad sa akin kaya hindi ko maiwasan mapangiti habang nakatingin ako sa kanya. I mean, same expression pa rin ang mukha. Sa isipan ko lang 'yong ngiti na sinasabi ko. "Ano? Sir, maliit ba 'yang kuwarto mo at nandito ka lagi?" "Nandito ako dahil hindi ko p'wedeng iwan si Kleo sa 'yo." katwiran ko rin naman sa kanya. Bigla na lang nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. Binitiwan din niya ang kamay ng anak ko at tinuro ako kaya nagsalubong tuloy ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka. Did I say something weird? "Hala! Sir, marunong ka pala magtagalog? Akala ko marunong ka lang umintindi pero hindi ka marunong magsalita." I could see the happiness in her eyes but I just found her expression annoying. "What? What do you think I am? Urgh! I don't want to talk anymore. Leave me alone. I need to sleep now." Naglakad na ko patungo sa kama habang nakamasid naman sa akin 'yong babae. Nang makahiga na ko ay may isang bagay akong naisip na itanong bigla sa kanya. "What is your name again?" I asked her without looking in her direction. "Huh? Hindi mo alam pangalan ng anak mo? Kakasabi mo lang ah!" "I'm not talking about him. I'm talking about you." Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko pagkatapos magsalita. Hindi ko alam na may pagka-slow din siya minsan. "Ako? Hindi mo pa ko kilala? Grabe naman, sir. Talagang para ka lang nagpapasok ng kriminal sa mansion mo. Pft! Mariel Penincula name ko. Ayos na?" Hindi ako sumagot sa kanya at sa halip, pinikit ko na lang ang mga mata ko. And I never notice that an actual smile curved to my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD