MARIEL PENINCULA
Grabe! Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Hindi ko alam kung nanloloko lang ba ang amo ko o totoo talaga ang lahat ng sinabi niya.
Sa pagkakaalala ko, nasabi ko naman sa kanila noon ang pangalan ko pero bakit hindi niya alam?
Hindi kaya niloloko lang talaga ako ng amo kong 'yon at wala talaga siyang balak na tuparin ang napagkasunduan naming dalawa?
Napasimangot ako bigla sa naisip ko. Anyway, tulog na nga pala pareho 'yong mag-ama. Hindi na ko natulog sa sahig dahil hindi rin naman ako makaalis sa hinihigaan ko ngayon. Grabe ba naman ang pagkakahawak ni Kleo sa damit ko at parang wala talaga siyang balak na pakawalan ko at makaalis mag-isa.
Hindi ko alam kung suwerte ba talaga ang nararanasan ko ngayon o nagbabalat kayo lang siya. Tsk!
Hindi pa naman ako nakakaramdam ng antok kaya umupo na lang muna ako at sumandal sa kama. Bigla namang bumalik sa isipan ko ang nangyari sa aming dalawa ni Hernold ilang oras pa lang ang nakakalipas.
Shet! Naalala ko na naman 'yong halik na 'yon. Hindi ko naman siya first kiss pero nakakawindang pa rin!
Sino naman kasing hindi magugulat kung bigla ka na lang hahalikan ng amo mo? Hindi ordinaryong tao kundi amo ko pa talaga. Tss.
Minsan din talaga med'yo may pagka-weird itong amo ko pero hindi ko alam kung bakit. Baka kailangan ko na lang din masanay kasi isang buwan lang naman akong magtatagal dito. Pagkatapos, magbabago na ang buhay ko.
Pft! Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti habang iniisip ko ang tungkol doon. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko sa iba pang pera na hindi ko naman magagalit sa pagbayad ng utang ni kuya pero nakakaramdam na agad ako ng excitement kahit hindi pa nangyayari ang iniisip ko.
"Alright, self. Wala ka pang isang linggo dito. Ayusin mo ang sarili mo at hayaan mo lang ang stress na dumaloy sa 'yong sistema. Magdidiwang ka sa dulo!" hindi ko maiwasan matawa pagkatapos kong kausapin ang sarili ko.
Tumingin pa ko ulit sa dalawang katabi ko kasi baka gising pala sila at narinig pa ang sinabi ko. Mahirap na no!
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mahimbing pa rin naman silang natutulog. Teka. Hindi pala sila kasi parang may nangyayaring hindi maganda ngayon kay Hernold.
Madilim na ang paligid dahil kanina pa nakapatay ang ilaw at ang tanging nagbibigay lang ng liwanag ay 'yong lamp shade na nasa gilid ng kama kung nasaan ako banda nakahiga ngayon.
Para makita ko ng maayos ang mukha ni Hernold ay lumapit na lang ako sa kanya. Narinig ko rin kasi siyang umungol kanina pero hindi ko naman alam kung bakit at ano 'yong problema niya.
"D-Don't. . . "
Don't ang alin? Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka. Hindi na maipinta ang mukha ni Hernold at parang pinagpapawisan na rin siya ng malagkit.
Hala! Shet! Binabangungot ba ang isang 'to? Hala! Anong gagawin ko?
Nakaramdam ako ng kaba bigla at hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Nasa pagitan naming dalawa si Kleo at mahimbing pa rin naman itong natutulog.
Inayos ko na lang ang sarili ko para makalapit ako kay Hernold. Niyugyog ko ng malakas ang dalawang balikat niya para magising siya agad.
"Sir! Sir!"
Nakailang yugyog pa ko kay Hernold bago siya tuluyang nagising habang hinahabol pa niya ang sarili niyang hininga.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nagmulat na siya ng kanyang mga mata. Shet! Akala ko talaga mamamatay pa siya ng wala sa oras at sa tabi ko pa talaga.
Baka imbes na sa magandang buhay ang punta ko, mapunta pa ko sa presinto ng wala sa oras dahil sa kanya.
Bumuntong hininga ako ng malalim nang makita ko ang naguguluhang expression ng mukha ni Hernold habang nakatingin sa akin.
Parang balak pa kong pagalitan ng isang 'to kaya bago pa siya makapagsalita ulit ay inunahan ko na siya.
"Sir, bago ang lahat. Wala akong ginawang masama. Okay? Ginising lang talaga kita dahil parang nananaginip ka ng masama. Gusto mo ba ng tubig at—"
Hindi ko natuloy ang pananalita ko dahil natigilan ako sa expression ng mukha ni Hernold.
Hindi siya nakatingin sa akin ngayon at mukhang may malalim na bagay siyang iniisip. Nakaramdam ako ng lungkot habang pinagmamasdan ko siya.
Wala mang expression ang mukha niya ngayon pero alam kong may mga bagay din siyang tinatago at kinatatakutan katulad ni Kleo.
Hindi na naman niya kailangang sabihin sa akin ang tungkol doon dahil kahit hindi siya magsalita o wala man laging expression ang mukha niya, nakikita ko pa rin 'yon katulad na lang sa mga oras na 'to. Hindi alam ni Hernold na para siyang batang paslit ngayon na habang nakatingin sa kung saan.
Sobrang sama siguro ng panaginip nito kaya hindi agad maalis sa isipan niya. Pft!
Nakakaawa naman siya. Mahilig pa naman matulog ang isang 'to pero mukhang hindi pa siya makakatulog ng maayos ngayon dahil sa panaginip niya.
"Sir, ano na? Ayos ka lang ba? May gusto ka bang gawin ko ngayon? Sabihin mo lang."
Sinubukan ko ulit kausapin si Hernold pero sa pagkakataon na 'to, tumango na siya sa akin.
"Yes, please. Come here beside me. Move Kleo so we could lay beside each other."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Hernold. Ano daw? Parang hindi ko kasi naintindihan ng mayos. Unang sentence lang niya naintindihan ko. Tsk!
Hindi na lang ako nagtanong ulit at sinunod ko na lang ang sinabi niya. Inurong ko si Kleo at nahiga ako sa tabi niya.
Ganito ba ibigsabihin ni Hernold? Teka. Sandali. Bakit ko naman kailangan matulog sa tabi ng amo ko? Wait! Parang nahilo tuloy ako bigla.
"Sir—"
Hindi na ko nakapagsalita dahil humiga na rin si Hernold sa tabi ko at hindi lang 'yon, yumakap pa siya sa akin.
Wait! Ano ba talaga ang nangyayari?!
"Let me do this for now so I could sleep."
Ni hindi na ko nakatango man lang sa kanya kasi kahit na magpaalam pa siya at tumutol ako ay wala na kong magagawa dahil nakayakap na siya at kasalukuyan nang nakapikit para matulog ulit.
Sige lang. Paano naman ako makakatulog niyan?