HERNOLD
"Kleo, are you ready now?" I asked him again for the last time.
However, Kleo nodded his head again in response to my question.
Nang makita ko ang naging sagot sa akin ni Kleo, nauna na kong bumaba ng sasakyan sa kanya at sumunod naman siya sa akin.
Hindi ko na kinailangan buksan ang pinto ng sasakyan ko dahil may gumawa na no'n para sa akin. Sumunod naman si Kleo sa pagbaba pagkatapos ko.
Hindi muna ako naglakad pagkababa at hinintay ko pa si Kleo. Nang makababa na siya ay pinalawak ko na ang dalawa kong kamay para kargahin na siya. Pagkatapos naglakad na ko habang hawak-hawak ko siya.
"You know what to do right?" I asked Kleo again and he nodded in response to my question.
Pagkatapos niyang sagutin ang katanungan ko ay naglakad na ulit kami papasok ng bahay na pinuntahan namin ngayon.
This is the most tiring thing I have ever done. However, this is the most important thing I should not mess with in the first place.
Isang malalim na buntong hininga na naman ang napakawalan ko. Sa tuwing pupunta kasi ako rito ay parang hindi ako makahinga ng maayos. Parang lagi pa kong pagod mas'yado. Kaya sinusubukan ko na lang huminga ng malalim at nagbabakasakali akong maisaayos ko pa ang emotion ko.
Sinalubong kami ng mga tauhan ng pamilya ko na nandito katulad ng inaasahan ko. Hindi naman sila nagsasalita at sinamahan lang talaga nila kami papunta sa kuwarto na dapat naming puntahan sa mga oras na 'to.
Sa gitna ng paglalakad namin, tahimik lang din si Kleo habang nakapulupot ang kanyang dalawang kamay sa aking leeg.
He is still a child but he knows how to behave himself in times like this.
Hindi na ko nagtaka sa reaksiyon na binibigay ni Kleo ngayon. Ilang beses na rin naman kasing nagpunta kami rito at pare-pareho lang din naman ang mga bagay na dapat naming gawin.
Nang marating na rin namin sa wakas ang kuwarto na pinunta namin dito ay huminga na naman ako ng malalim bago ko hinayaan ang mga tauhan ng pamilya ko na buksan ang pinto na 'yon.
We entered that room while Kleo looks like sleepy right now.
"Kleo," I called out his name first while whispering to his ears to get his attention.
Hindi rin naman ako nabigo dahil narinig din naman niya ko agad at tumingin pa siya sa direksiyon ko at tumango.
Nasa loob na kami ni Kleo at hindi ko mabilang kung ilang pares ng mata ang nakatingin sa direksiyon namin ngayon.
I chose not to mind those eyes and just sat in the chair I was assigned to sit.
Nang makaupo na ko habang bitbit ko pa rin si Kleo ay binalingan ko na ng tingin ang dalawang magulang ko na siyang dahilan kung bakit din ako nandito ngayon.
"Good day, mother and father." nagawa ko pang bumati sa kanila kahit na wala pa ring expression ang mukha ko.
Binaba ko na rin si Kleo at lumapit ito sa kanila para halikan sila sa kanilang pisngi. "Good day, grandfather and grandmother."
Pagkatapos sabihin ni Kleo ang mga katagang 'yon, naglakad na ulit siya papunta sa direksiyon ko.
Sumulyap ako ng tingin sa mga magulang ko at wala pa ring pinagbago ang itsura nila hanggang ngayon. Minsan tuloy iniisip ko na lang na baka talagang gano'n lang talaga ang itsura nila o may ginagawa talaga silang surgery para mapabata ang kanilang itsura.
Anyway, I didn't look at them for so long because I also didn't want them to catch me looking in their direction.
Damn. Ito na. Magsisimula na sila. Tsk!
I hate silence in times like this.
"Jem, how are you?" my father asked me first.
Hindi ako nakasagot agad dahil nakita ko ang isa sa mga kapatid kong nakatingin pa sa direksiyon ko sa mga oras na 'to.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil may mas mahalagang bagay akong dapat pagtuunan ng pansin sa mga oras na 'to.
"I'm fine, father. The company is also doing well." Nakayuko lang ako habang sinasagot ko ang katanungan ng tatay ko.
"How's your child, Kleo?"
Now, I could hear my mom's voice. I looked in my child's direction and stared at him.
Naintindihan din naman ni Kleo ang nais kong iparating at isang tango ang tinugon niya sa 'kin.
"He is doing good," maikling sagot ko.
"I am behaving myself well and—"
"Yey! Parang kailan lang ay napakaliit mo pang bata ka. Ngayon ang laki-laki mo na. Sino bang nagbigay sa 'yo ng karapatan para tumanda ha? Halika rito at tumabi ka sa amin. Humiwalay ka na muna sa sarili mong tatay!"
Urgh! This is what I don't like the most and they are showing this cruel side of them again.
Napasapo na lang ako sa sarili kong noo nang makita ang napakalaking ngiti sa labi ng mga magulang ko.
Tumayo rin naman agad si Kleo at naglakad patungo sa magulang ko. Wala pang isang minuto, tumayo na rin ang mga kapatid ko at nagtungo kay Kleo para kausapin ito.
"Bro, bakit ngayon ka lang ulit nagpakita rito?"
"Kaya nga. Ang dami ko nang gifts na naipon para kay Kleo," nakasimangot naman akong binigyan ng tingin ni Lei.
Tumingin ako sa direksiyon ng kambal na sina Larry at Lei. Nagkabit balikat lang ako sa kanila dahil in the first place, wala naman talaga akong balak na pumunta dito kung hindi lang nagbigay ng warning sina mom at dad sa company na pinamamahalaan ko.
This house is indeed tiring. There's a lot of people and a lot of energy you need to meet. Tsk!
Tumingin ako sa direksiyon ni Kleo. Mukhang tuwang tuwa pa siya habang nilalaro siya ng ibang kapatid ko at nang magulang ko.
Bale anim kaming lahat na magkakapatid. Isang kambal na babae at lalake. Dalawa pang babae at ang bunso namin ay lalaki. Bale tatlong babae at tatlong lalaki kami lahat.
Maiingay nga lang sila lahat kaya tuwing nasa bahay ako dati, wala akong ibang ginawa kundi magkulong sa kuwarto ko at matulog dahil napapagod ako agad makita ko lang ang mga mukha nila. Tsk!