CHAPTER 14

1368 Words
HINAYAAN niya ang kaniyang sarili na nakababad sa tubig na nagmumula sa shower, nakailang sabon na rin siya ng katawan dahil pakiramdam niya ang dumi-dumi niya. Kasabay nang rumaragasang tubig sa shower ang patuloy niyang pagluha. Wala na siyang ginawa kundi umiiyak dahil sa isang iglap at pagkakamali niya nawala ang isang bagay na pinakaiingatan niya ng buong buhay. Isang bagay na tanging ipagmamalaki niya sa magiging asawa niya. Pero ano pa ang maipagmamalaki niya ngayon, wala na. Naibigay at nakuha ni Matthew ang kanyang sarili, ang lalaking umangkin sa kanya kanina. Ang lalaking akala niya ay mabait pero hindi pala, wala itong puso. Napasandal siya sa dingding ng banyo at pumikit. Paano na ngayon, anong gagawin niya? Anong sasabihin niya sa kaniyang mga magulang? Paano kung mabuntis din siya? Oh, may God, hindi maaari kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi magbunga ang isang pagkakamali. Kaya dali-dali niyang kinuha ang tuwalya at ibinalot sa katawan niyang basa. Pagkalabas niya ng banyo nakita niya si Matthew na nakaupo sa sofa at nakabihis na ito. Kinuha niya ang kaniyang mga kasuotan at akmang babalik sa banyo para doon sana magbihis. Ngunit hindi pa nga niya nahahakbang ang isang paa nang magsalita si Matthew. “Dito ka na magbihis, ano pa ba ang itatago mo, eh, nakita ko na iyan at nakain na rin.” Kaya naman inirapan niya ito. “Oo, may kasunduan tayo pero wala sa kasunduan natin ang magbibihis ako sa harapan mo.” inis na ani niya. Tumayo ito at lumapit sa kanya. “Anong wala, baka nakakalimutan mo ang nakasulat sa papel. Lahat ng gusto ko ay susundin mo sa ayaw at sa gusto mo.” galit na wika nito sa kanya. Kaya sa inis niya sinamaan niya ito nang tingin. At saka walang arte at hiya na tinanggal niya ang nakabalot na tuwalya sa katawan at hinayaan niya itong malaglag habang ang kaniyang mga mata ay nakatingin kay Matthew. Nang tuluyan nang nalaglag ang tuwalya sa kaniyang katawan, kita niya sa mga mata ni Matthew ang pagnanasa sa katawan niya. Hinayaan niya itong nakatingin sa kanya habang nagbibihis siya sa harapan ni Matthew. Wala na siyang pakialam kung lantad na lantad ang katawan niya dito. Tutal ito ang gusto niya ang sundin ang gusto niya kaya maglaway siya. Nagulat pa siya ng bigla siyang hinalikan nito sa labi mapusok ang halik nito. “Magbihis ka na at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, baka muli na naman kitang angkinin.” wika nito sabay talikod sa kanya. Agad siyang nagbihis at inayos ang sarili. Lumapit na siya kay Matthew. “Puwede bang maki-usap sa iyo, kahit ito lang pagbigyan mo ako.” nahihiyang wika niya kay Matthew. “Ano 'yon?” “Puwede bang ako na lang ang kakausap sa mga magulang ko. At saka puwede mo ba akong bigyan ng ilang araw bago ako sumama sa iyo. Kailangan ko lang kausapin ang dean ko upang payagan niya akong mag-online class.” nakatingin niyang wika kay Matthew. Ngunit lalong nagsalubong ang dalawang kilay nito kaya naman napayuko siya. “Please.” paki-usap niyang wika. “Paano ako makakasiguro na pagbalik ko ay sasama ka na? Paano kung pagbalik ko ay tumakas ka na? Hindi mo ako maluluko, babae.” seryosong wika nito. “Kaya, tayo na.” Hinawakan niya ang kamay ni Matthew na ikinagulat nito. “Kung gusto mo gumawa ka muli ng kasunduan para maniwala ka sa akin. Hindi madali sa akin ang ginawa kong ito Matthew pero kailangan kong gawin at pagbayaran ang kasalanan ko sa 'yo. At alam kung sa mga oras na ito nag-aalala na ang mga magulang ko. Kaya nakikiusap ako sa iyo na pumayag ka na.” naluluha na naman niyang wika. Narinig niyang nagbuntong-hininga ito kaya pumikit siya ng kanyang mga mata at umusal ng isang maikling dasal na sana pumayag ito. Dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwang sa magulang ang lahat. “Okay, pumapayag ako. Pero siguraduhin mo lang babae na tutupad ka sa sinasabi mo dahil once na hindi ka tumupad, alam mo na ang mangyayari sa 'yo.” wika nito sabay talikod at lumabas ng kuwarto na iyon. Nakahinga siya ng maluwag at pinunasan ang luha niya sa mata. Kinuha niya ang kanyang bag at lumabas na din ng kuwarto na iyon. Naabutan niya si Matthew na nakatayo sa tapat ng elevetor, hinihintay nitong bumukas ito. Huminto siya sa paglalakad at pinagmasdan si Matthew, kahit ito'y nakatalikod mababakas pa din dito ang angking kaguwapuhan. Matangkad ito, hindi niya akalain na ang governador na crush niya noon pa ay nakasama niya sa kama. At ito pa ang nakakuha ng kaniyang virginity. “Tatayo ka na lang ba diyan, o, papasok ka dito sa loob ng elevetor?” seryoso nitong wika sa kanya. Kaya dali-dali siyang pumasok sa loob at huminga nang malalim. Pagdating nila sa sasakyan ay pinagbuksan siya nito ng pinto, na kaniyang pinagtaka. “Puwede mo ba akong idaan saglit sa palengke, may bibilhin lang ako sa pharmacy.” malumanay niyang wika kay Matthew. Bumaling nang tingin ito sa kanya. “Kung masakit ang ulo mo may gamot ako diyan sa component. Buksan mo at kumuha ka may tubig din diyan.” “Hindi naman masakit ang ulo ko, may bibilhin lang ako.” Bumaba agad siya ng nakarating sila sa palengke. Naglakad siya patungo sa isang pharmacy na bukas, bumili siya ng pills at tubig. Pagkaabot sa kanya ng pharmacist ang pills at tubig ay agad siyang uminom noon. Hindi puwedeng magbunga ang nangyari sa kanila ni Matthew dahil sa huli siya ang talo dahil pagkatapos ng anim na buwan tapos na rin ang kasunduan nila. Kapag nabuntis siya nito kawawa lamang siya dahil alam niya na gagawin lang siya nitong pampalipas oras at lahat ng 'yon ay tatanggapin niya dahil kasalanan din niya. “Ano'ng binili mo?” tanong nito ng nasa loob na siya ng sasakyan. “Pain reliever lang.” pagsisinungaling niya. Kumunot ang noo nitong tumingin sa kaniya. “Sabi mo hindi masakit ang ulo mo?” “Hindi nga, ibang pain reliever ang binili ko. Para sa —” hindi na niya tinuloy ang sasabihin dahil bigla siyang nakaramdam ng hiya. Narinig niyang tumawa ito kaya naman umiwas siya nang tingin at binaling sa labas ang kanyang paningin. Wala pang kalahating oras at nakarating na sila sa tapat ng bahay nila. Akmang bubuksan niya ng pintuan ng sasakyan nito ng biglang pinigilan siya nito. Kaya nagtatakang tumingin siya dito. “Kailan kita susunduin dito?” “Pahingi ako ng number mo at tatawagan kita, huwag kang mag-alala hindi ako tatakas sa kasunduan natin. Pagbabayaran ko 'yon hanggang sa huling araw.” Matapos na kuhanin niya ang number nito ay binuksan na niya ang pinto pero bago pa man siya makababa ay pinigilan na naman siya nito. Bumaling ulit siya dito at ganoon na lamang ang gulat niya nang lumapat ang labi nito sa nakaawang niyang labi. Isang mabilis na halik ang binigay nito sa kaniya. “Aasahan ko ang sinabi mo, dahil kapag hindi ka tumapad sa kasunduan natin ibabalik kita sa kulungan. Sige, na bumaba ka na.” Pagkababa niya ay agad din itong umalis, kinakabahan na naglakad na siya papasok sa kanilang munting tahanan. Pagpasok niya ay agad siyang nakita ng kaniyang Inay Medina. “Saan ka ba galing Ivy at ngayon ka lang?” “Kina Rose po inay, sorry po kung ngayon lang ako.” pagsisinungaling niya sa kaniyang Inay. “Kumain ka na ba?” Tumango siya, “Si itay po?” “Tulog na, sige, na matulog ka na rin at bukas ay may sasabihin kami ng tatay mo sa iyo tungkol sa pag-aaral mo.” Nagugulohan siyang pumasok sa loob ng kuwarto nila ng kaniyang ate. Ano kaya ang sasabihin nina Inay bukas? Nagbuntong-hininga siyang humiga sa kama niya, wala ang kaniyang ate siguro nasa bahay ng boyfriend niya. Simula kasi ng ipaalam ng kaniyang ate na buntis siya ay lagi na itong doon natutulog. “Ivy Chezelle, anong ginawa mo, bakit hinayaan mong mangyari, ang angkinin ka niya ng ganoon na lamang? Ang tanga mo talaga, ang tanga-tanga.” may luha sa matang wika niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD