
BLURB
PAANO kung magising ka na lang na wala na 'yong taong pinakamamahal mo? Na kahit anong gawin mo ay hindi na siya babalik sa 'yo? Makakaya mo kayang mabuhay kung ang pinakamamahal mong tao ay iniwan ka sa panahong kailangan mo siya. At sa panahon na kailangan mo ng karamay.
Makikilala mo ang isang tao na lalong magpapalugmok sa 'yo sa kalungkutan. Magagawa mo ba siyang patawarin kung pag-ibig na mismo ang nag-uudyok sa nararamdaman mo sa kanya?
Matthew Allarcon, isang guwapong lalaki. Mabait, mayaman, at 5'5 ang taas. May mabuting puso para sa kanyang mga kababayan na tinitingala sa larangan ng politika.
Isa siyang Governor sa lalawigan ng Romblon. Sa edad niyang biente nuebe anyos ay na halal siya bilang gobernador sa kanilang bayan. Dahil sa taglay niyang kabaitan at kagalingan ay minahal siya ng kanyang mga nasasakopan.
Mula nang mamatay ang kanyang asawa ay napabayaan na niya ang kanyang sarili at trabaho. Pati sarili niyang anak ay napapabayaan na rin niya.
Sa kagustohan niyang makalimot ay nagtungo siya sa isang isla ng Romblon kung saan doon niya makikilala ang babaeng muling magpapatibok sa kanyang puso.
Isang babaeng nagpahiya sa kanya sa harap ng maraming tao. Pinahiya siya nito at dinungisan ang kanyang pangalan. Isa siyang matapang na babae at hindi takot sa kanya kahit isa pa siyang gobernador.
At dahil dinungisan ng babae ang kanyang pangalan ay denimanda niya ito at pinakulong. Ngunit sa kabila nang lahat ay nagmakaawa ang babae upang iurong ang demanda at huwag siyang ikulong. Subalit nakipag kasundo ito sa kanya, isang kasunduan na magpapalapit sa kanila sa isa't isa.
Isang kapirasong papel ang mag-uugnay sa kanila tungo sa tunay na pag-ibig.
Ivy Chezelle Madrigal, isang simpleng babae, maganda, palaban, at walang kinakatakotan. Ang tanging hangad lamang niya ay makatapos sa kanyang pag-aaral. At dahil mahirap lang sila ay napilitan siyang mag-apply ng scholarship sa kanilang gobernador.
Ngunit tinanggihan siya at hindi pinirmahan ang kahilingan niyang scholarship. At dahil doon galit ang naramdaman niya para kay, Matthew. Ipinangako niya sa kanyang sarili na kahit ito na ang huling lalaki sa mundo ay hindi niya ito magugustohan.
Sa kanilang pag-kikita ay pinahiya niya ang lalaki sa harap ng maraming tao. Pinagsigawan niya ito at sinabing walang kuwentang gobernador. At dahil sa ginawa niya ay nasira ang iniingatang pangalan. Dinemanda at pinakulong siya nito. Ngunit nag-makaawa siya dito at pumayag na lamang sa isang kasundoan. Kasundoan na magtutulak sa kanya para mahalin ang lalaki.
Mababaliwala ba ang pangako niya sa kanyang sarili na hindi niya mamahalin si Matthew? Kung mismong puso niya ang kanyang kalaban?
Makakaya kayang ipaglaban, ni Matthew si Ivy sa mga magulang niya?
Masasabi kaya nila sa isa't isa ang salitang. . . . BECAUSE OF YOU?
Tunghayan ang kwento ng pag-ibig nina Matthew at Ivy na maghahatid sa inyo sa kulongan este magbibigay sa inyo ng kilig at saya.
Abangan. . .

