NAPABALIKWAS ng bangon si Ivy nang hampasin siya ng kanyang Inay Medina nang walis tambo sa paa.
"Aba! Ivy, ano'ng oras na at tulog ka pa?" galit na wika ng kanyang Inay Medina sa kanya.
"Inay naman, eh." nakangusong wika niya sa kanyang inay. "Inaantok pa po ako. At saka po linggo naman ngayon, wala akong pasok." pagpatuloy niyang wika sa kanyang inay sabay huminga ulit sa kama.
Ngunit hinampas muli siya ng walis nito kaya wala siyang nagawa kundi bumangon. Padabog na bumaba siya nang kama. Sinulyapan ang relo na nakasabit sa dingding nang kuwarto nila ng kanyang Ate Ericka.
"Inay, alas singko pa lang po. Ang aga aga pa naman, eh." nakangusong reklamo niya sa kanyang Inay Medina.
"Ivy, ako'y huwag mong habaan ng iyong nguso." bantang wika ng kanyang inay. "Tumayo ka na diyan at pumunta ka nang palengke. Nandoon na ang iyong itay." wika pa nito sa kanya. Kaya na patingin siya sa kanyang Inay.
"Inay, akala ko ba hindi tayo magtitinda ngayon? Sabi mo kagabi magpapahinga muna tayo ngayon." Tanong niya sa kanyang Inay Medina.
"Iyong Tatay mo ang ayaw paawat. Sayang daw ang kita ngayong araw, kaya magbihis ka na at tanghali na." wika pa nito sa kanya.
"Eh, bakit ako? Hindi na lang si Ate Ericka." reklamo pa niyang wika sa kanyang Inay.
"Nandoon na ang Ate mo, kaya magbihis ka na. Ang dami mong reklamo diyan." wika ng kanyang Inay sabay labas ng kuwarto niya. Kaya wala na siyang nagawa kundi tumayo at sumunod sa kanyang Inay sa kusina.
Nagtimpla siya nang kape upang mainitan ang kanyang sikmura. Pagkatapos magkape ay agad siyang nagbihis at nagpaalam na sa kanyang inay Medina. Pagdating niya sa palengke naabutan niya ang kanyang Itay Marsing na inaayos ang mga panindang gulay.
"Itay, si Ate Ericka nasaan?" tanong niya sa kanyang Itay.
"May binili lang doon kina Aling Belen." tugon ng kanyang itay sa kanya.
Hindi nagtagal dumating na ang kanyang Ate. May dala itong hilaw na mangga. Nagtataka siyang tumingin dito.
"Ate, ang aga naman niyan. Baka sumakit ang tiyan mo." nagtataka na wika niya sa kanyang Ate.
"Ang sarap kasi bunso kahapon ko pa gustong bumili nito kaso walang tinda si Aling Belen." tugon nito sa kanya sabay kain nang hilaw na mangga.
Napapailing na lang siya, ang weird kasi ng Ate niya. Kahapon nagalit ito sa kanya dahil mabaho daw siya kahit bagong ligo naman siya. Tapos ngayon kumakain nang hilaw na mangga. Hindi kaya. . . Na pahawak siya sa kanyang bibig dahil sa naisip niya. Tumingin muli siya sa kanyang Ate na abala sa pagkain nang mangga. Sarap na sarap ito habang kumakain.
Umiling-iling na lang siya at iwinaksi sa kanyang isipan ang bagay na iyon. May tiwala siya sa kanyang Ate. Hindi ito gagawa nang isang bagay na ikakagalit ng kanilang mga magulang.
Bumaling na lamang siya ng tingin sa kanilang Itay na abala sa ginagawa.
"Itay, akala ko ba hindi tayo magtitinda ngayon?" tanong niya sa kanyang itay.
"Anak, sayang ang kita." wika nito sa kanya. "Kailangan nating makapag-ipon para sa pag-aaral mo." pagpatuloy na wika nito sa kanya.
"Itay, kailangan ko nga pa lang bumili ng bagong cellphone. Kasi itong cellphone ko sira na." nahihiyang wika niya sa kanyang Itay.
"Hayaan mo anak bukas na bukas din bibigyan kita nang pambili mo nang bagong cellphone. " nakangiti nitong wika sa kanya. Kaya niyakap niya ang kanyang Itay.
"Salamat po, Itay." nakangiti niyang wika sa kanyang Itay. "Pangako po mag-aaral ako nang mabuti para matupad ko ang pangarap kong maging isang nurse. At kapag ako'y nakapagtapos na, pupunta akong America. Doon ako magtratrabaho para mabigyan ko kayo nang magandang buhay ni Inay." wika pa niya. Pangarap niyang makapunta ng ibang bansa at doon magtrabaho balang-araw.
Gusto niyang mabigyan nang magandang buhay ang kanyang pamilya. Mahirap lamang sila, pagtitinda sa palengke ang tanging hanapbuhay ng kanyang mga magulang. Sa pamamagitan nang pagtitinda nang mga gulay, nakapagtapos ang kanyang Ate sa kursong education. At ngayon naman siya ay nasa 3rd year college na.
Maliit lamang ang kinikita ng kanyang mga magulang sa pagtitinda nang mga gulay. Kaya gumawa siya nang paraan para kahit papaano ay makatulong sa kanila. Nag-online seller siya ng mga damit. Ang kunting kinikita niya sa pamamagitan nang pag-o-online seller ay kanyang inipon. Ngunit maubos lahat nang naipon niya. Nang magkasakit ang kanyang Inay.
"Ivy, ako'y aalis mo na. Dito ka muna, ha. wika nito sa kanya.
"Sige, po Itay ingat po kayo."
Pagkaalis ng kanyang Itay ay inayos naman niya ang mga gulay na bagong dating. Nagulat pa siya nang may biglang magsalita sa likod niya.
"Hi, Miss maganda." wika ng tao na nagsalita sa likod niya.
Nilingon niya ito. Ganon na lamang ang pagkairita niya sa taong nasa likod niya. Si Penny, ang lalaking kahit anong pagtataboy niya ay hindi tumitigil nang panliligaw. May hitsura naman ito, masipag, mabait may malaking tindahan dito sa palengke. Ngunit kahit anong gawin nito, wala talaga siyang nararamdaman dito.
"Ikaw na naman?" mataray at galit na tanong niya kay Penny.
"Para sa'yo," wika nito sa kanya sabay abot ng bulaklak at chocolate.
"Ano'ng gagawing ko diyan? Penny, ako'y tigilan mo at baka 'yang dala mo ay maihampas ko lang sa'yo." malditang wika niya dito.
"Bakit ba napakatapang mo at maldita? Gusto lang naman kitang ligawan."
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi nga ako nagpapaligaw." naiinis na niyang wika. Pinagkrus pa niya ang dalawa niyang kamay sa tapat nang dibdib niya. At sinamaan niya ito ng tingin.
"Napakahirap mo namang ligawan, Ivy. Guwapo naman ako, may pera, mabait. Bakit ba ayaw mo sa akin?"
"Gusto mong sagutin ko 'yang tanong mo ha, Penny." wika niya kay Penny.
"Huwag na at masasaktan lang ako sa sagot mo." malungkot na wika nito sa kanya. "Aalis na ako." paalam na wika nito sa kanya sabay talikod.
Sinundan na lang niya nang tingin ang lalaking papalayo. Nalulungkot siya para dito dahil kahit anong gawin nito ay hindi niya kayang mahalin. Hindi niya kayang turuan ang puso na ibigin din ito. Pinagpatuloy na lamang niya ang kanyang ginagawa. Sa ngayon wala siyang oras para sa pag-ibig. Gusto niya'ng makapagtapos ng pag-aaral.