Chapter 3

1156 Words
CHAPTER 3 HAPLOS nang maliit na mga kamay ang gumising kay Matthew. Mukha ng anak na si Amarah ang namulatan niya ng mga mata. Nangiti ito sa kanya. "Daddy." wika nito sa kanya. Kaya niyakap niya ito at itinabi sa kanya. "Good morning, my little one," nakangiti niyang wika sa anak sabay halik sa matambok nitong pisngi. "Good morning po, daddy ko." tugon nitong wika sa kanya. "Daddy, bakit po ang tagal ninyong umuwi kagabi? Umiyak po ako." malungkot ang boses nito na wika sa kanya. Kaya naman hinaplos niya ang buhok nito at kinintalan ng munting halik doon. "May pinuntahan lang kagabi si daddy. Kaya hindi ako nakauwi ng maaga, baby." wika niya sa anak. Bumangon si Amarah at nakangiting tumingin ito sa kanya. "Daddy, sabi mo kahapon pupuntahan natin si mommy ko." wika nito sa kanya. Bumangon na rin siya at pinaupo ang anak sa kanyang hita. "Mag-aalmusal muna tayo bago natin puntahan si mommy," wika niya sa anak. "Yeheyy! pupunta kami kay mommy ko." masayang wika ni Amarah. Tumalon-talon na ito sa ibabaw nang kama. Masaya na siyang makita ang anak na masaya ito. Sa edad na apat na taong gulang. Nauunawaan na nito ang mga bagay at nangyayari. Kailangan niyang bumawi sa anak dahil mula nang mamatay ang kanyang asawa. Halos nabayaan na niya ito. Matalino ang kanyang anak kaya madali nitong maunawaan ang kanyang sinasabi. Kamukha nito, si Arrah. Pati pagtawa at kilos nito ay nakuha sa kanyang asawa. Kaya sa tuwing nakikita niya ang anak, naaalala niya ang kanyang asawa. Kaya hindi madaling kalimutan ito. Ito lamang ang babaeng minahal niya ng buong buhay. Mabait at maalalahanin na asawa si Arrah. Ni minsan hindi sila nag-away dahil sa sobrang kabaitan nito. Masaya at puno ng pagmamahal ang kanilang pagsasama. Lagi itong nakaalalay at nakasuporta sa lahat ng ginagawa niya. Lalo na nang mahalal siya bilang Governador ng kanilang lalawigan. Sa edad na biente nuebe ay nahalal na siyang Governador dahil sa tulong ng kanyang asawa at pamilya nila. Dahil sa tulong ng kanyang asawa minahal at ginagalang siya ng kanyang mga kababayan. Tinitingala ang kanyang pangalan dahil sa galing at husay niyang magpatakbo ng buong lalawigan ng Romblon. Lahat ng pangangailangan ng kanyang mga kababayan ay naibibigay niya sa tulong ng kanilang mahal na Congressman. Tumayo siya ng programa para sa mga mag-aaral na kapos sa buhay. Na hindi kayang pag-aralin nang kanilang mga magulang. Ang programang ito ay mabigyan ng scholarship ang mga mag-aaral na gustong makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Marami silang nabigyan ng libreng scholarship. "Daddy," agaw-pansin ng kanyang anak sa kanya. Nanatili itong nakatayo sa harapan niya. Tumingin siya kay Amarah saka ngumiti. "Yes, baby." "Pagkagaling natin kay mommy. Puwede po ba tayong mamasyal doon sa park?" wika nito sa kanya sabay pacute. Kaya naman ginulo niya ang buhok nito. "Sure, baby. Saan pa gustong pumunta ng aking baby?" tanong niya dito. Bumaba na sila ng kama at kinarga niya si Amarah. Lumabas na sila ng kuwarto niya at dumaretso sa kusina. Kung saan naghihintay na sa kanila si Nanay Caring. "Good morning, Nanay Caring." bati niya kay Nanay Caring. Abala ito sa paghahanda ng kanilang almusal. Itinuring na niya itong pangalawang ina dahil ito ang nagpalaki sa kanya. Dahil ang kanyang mga magulang ay busy sa negosyo nila. Hindi na ito nakapag-asawa dahil sa pag-aalaga sa kanya. At ngayon ito na rin ang nag-aalaga kay Amarah. Kaya hindi na iba ang turing nila dito. "Good morning, iho. Ginising ka ba nitong si kulit?" nakangiti nitong tanong sa kanya ni Nanay Caring. "Hindi naman po." Hinila niya ang isang upuan at pinaupo si Amarah. Umupo naman siya sa tabi ng anak. Nilagyan niya ng kanin at hotdog ang plato nito. Inabot naman ni Nanay Caring ang gatas nito. "Nanay Caring, pupunta po kami kay mommy ko." wika nito kay Nanay Caring habang kumakain. "Puwede bang sumama si Nanay?" tanong nito kay Amarah. Umupo na rin ito sa tabi ni Amarah. "Nanay, puwede po."wika nito kay Nanay Caring habang patuloy na kumakain. "Kasi ikaw po ang Nanay namin ni mommy ko. At saka po, wala pong magbabantay sa akin." pagpatuloy na wika ni Amarah kay Nanay Caring. Napapangiti naman, si Nanay Caring dahil sa sinabi ng kanyang anak. "Pero huwag mo akong kulitin, ha." nakangiti nitong wika kay Amarah. Napakakulit kasi ng kanyang anak. "Okay, po. Magbabait po ako." Pinagpatuloy na nila ang kanilang pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na sila. Habang nasa biyahe sila hindi maubusan ng kuwento ang anak. Kaya napapatawa na lamang sila ni Nanay Caring dahil sa kadaldalan ng kanyang anak. Pagdating nila sa Eternal Garden, agad siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan ng pinto ang anak. Pagkababa nito ay tumakbo na patungo sa kanyang mommy kung saan ito nakalibing. Sinundan agad ito ni Nanay Caring at baka madapa. Ayaw pa naman nito na masugatan si Amarah. Inilapag niya ang dala niyang bulaklak sa harap mismo ng puntod nang asawa. Umupo siya sa tabi ng anak. Isang taon na ang nakakaraan nang iwanan sila ng kanyang asawa. Pauwi na noon ang kanyang asawa nang mabangga ang sinasakyang kotse nito. Kasama ang mga kaibigan nito. Dead on arrival na nang dalhin sa hospital ang kanyang asawa. Ito lamang ang namatay sa tatlong kasama niya. Dahil ito ang nagmamaneho nang kotse. Halos madurog ang kanyang puso nang makita ang kalunos-lunos na hitsura ng asawa. Basag ang mukha nito. Putol ang isang kamay. Hindi niya matanggap ang nangyari sa asawa kaya halos magwala siya sa loob ng hospital. Lalong gumuho ang kanyang mundo nang makita ang anak na laging umiiyak at hinahanap ang kanyang ina. Wala siyang magawa kundi yakapin at iparamdam sa anak na nandito pa siya. Halos napabayaan niya ang kanyang trabaho at anak. Gabi-gabi nasa bar siya para makalimot at maaliw ang sarili. Nilulunod niya ang kanyang sarili sa alak. Sinu-sinong babae ang kanyang ikinakama para lang makalimutan ang asawa. Napabalik siya sa realidad ng magsalita ang anak. May luha na rin sa kanyang mga mata. Kaya pinunasan niya ang kanyang luha. "Daddy, bakit po kayo umiiyak? Namimiss mo na rin si mommy ko." malungkot na tanong ng kanyang anak sa kanya. "Kasi ako po, miss na miss ko na si mommy." pagpatuloy na wika nito. May luha nang pumatak sa mata ng anak. Kaya pinunasan niya ito gamit ang kanyang daliri. Saka hinagkan sa noo. "Huwag ka nang umiyak, baby. Napuwing lang si daddy kaya may luha ang aking mga mata," pag-alo niya kay Amarah. "Ayaw, ni mommy na makikita kang umiiyak. Dahil malulungkot din si mommy doon sa langit. Kaya tahan na." wika niya sa anak. Pilit niyang ngumiti para hindi na malungkot ang kanyang anak. Niyakap niya ng mahigpit ang anak at pinadama dito ang kanyang pagmamahal. Tumingala siya sa langit at saka pumikit. Naramdaman niya ang malamig na hangin, na parang yumayakap sa kanilang mag-ama. Nakangiting nagmulat siya ng kanyang mga mata at sabay bumulong, "I love you honey."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD