AGAD na ipinarada ni Matty ang kanyang sasakyan sa tapat ng capitolyo. Sinipat niya muna ang pambisig na relo. It's almost 10 o'clock in the morning. Ibig sabihin late na naman siya. Lately, lagi na lang siyang late mula nang mamatay ang asawa niya. Nawalan ng direksyon ang buhay niya.
Marahan siyang huminga bago lumabas ng sasakyan. Pagpasok niya sa loob ng capitolyo ay agad siyang binati ng mga empleyado. Sinalubong siya ng kanyang secretary.
Ngumiti ito sa kanya bago nagsalita. "Gov. kanina pa po kayo hinihintay ni congressman." ani nito sa kanya.
Nagtataka na napatitig siya ng tingin dito. "Bakit ako hinihintay ni congressman?"
"May sasabihin po sa inyo. Importante daw po.
" Okay, susunod na ako." wika niya sa kanyang secretary.
Pagpasok niya sa opisina ni congressman ay naabutan niya itong may kausap sa telepono. Kaya tahimik siyang umupo sa sofa na nandoon. Habang hinihintay niyang matapos si congressman ay naisipan muna niyang lumabas ng opisina nito. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantaloon. At tinawagan si Kian.
Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. "Hey, bro. Napatawag ka?" wika nito sa kabilang linya.
"Busy ka ba?" tanong niya kay Kian.
"Hindi naman, bakit may problema ba?"
Umupo siya sa upuan na nandoon bago sinagot si Kian. "Puwede ba akong magbakasyon diyan sa inyo. Kahit one week lang?" tanong dito. Kaibigan niya si Kian. Nakilala niya ito dahil matalik na kaibigan siya ng kanyang asawa na si Arrah. Lalong naging malapit sila sa isa't isa noong nangangampanya siya.
"Welcome ka lagi dito, bro. Matagal na kitang iniimbita na pumunta dito."
Tumayo siya at naglakad patungo sa balkone ng capitolyo. "Okay, salamat Kian."
Nang matapos ang kanilang pag-uusap ni Kian ay bumalik na siya sa opisina ni congressman. Nakaupo na ito at mukhang hinihintay na siya.
"Good morning po, congressman." nakangiti niyang bati dito.
Tumango ito sa kanya. "Good morning din sa iyo, Matthew. Maupo ka at may sasabihin ako sa 'yo." seryoso na wika nito sa kanya.
Umupo siya at nagtataka na tumingin dito. "Ano po ba ang pag-uusapan natin congressman?" tanong niya dito.
Nagbuntong-hininga ito bago nagsalita. "Alam ko ang pinagdadaanan mo sa ngayon. Pero, Matty napapabayaan muna ang trabaho mo. Iyong nga proposal na dapat ay naipasa na sa akin
Hanggang ngayon wala pa rin. Hinihintay na ng mga mayor's ang proposal na iyon. Hindi mauumpisahan ang isang proyekto ng walang pirma mo Matty. "
Umiwas siya ng tingin dito." Pasensiya po congressman kung napapabayaan ko ang trabaho ko. Hindi ko lang kasi matanggap ang pagkawala ng asawa ko. "paumanhin na ani niya kay congressman.
Tumayo ito at lumapit sa kanya sabay tapik sa balikat niya." Nauunawaan ko, Matty. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng asawa. Pero, Matty maraming umaasa sa iyo ngayon. Bilang isang governor tungkulin mong paglingkuran ang bayan mo." wika nito sa kanya.
Tumayo na rin siya at humarap dito. "Congressman, hindi ko alam kung paano ko patatakbuhin ngayon ang bayan ko. Sapagkat naghihina ako at na pababayaan ko sila dahil sa nangyari sa buhay ko." may lungkot na wika niya dito.
"Matthew, nandito ako. Hindi kita pababayaan. Ang hihilingin ko lang sa iyo, huwag mong idamay ang trabaho mo. Sapagkat maraming umaasa sa atin. Bilang isang tapat na lingkod ng ating bayan. Tungkulin natin na paglingkuran sila. At ibigay sa kanila ang pangangailangan. " paliwanag na wika nito sa kanya.
Tumango siya dito at saka umupo muli." Susubukan ko muli na gampanan ang trabaho ko congressman. "
" Huwag mong sabukan, Matty. Gawin mo dahil iyon ang nararapan mong gawin. Ang programa mong scholarship para sa mga kabataan. Halos hindi mo na naasikaso. Noong isang araw may isang studyante na lumapit sa akin. Tinatanong ako bakit daw hindi mo pinirmahan ang kanyang scholarship." nakatayo pa rin nitong wika sa kanya. Seryoso pa rin ito.
"Pinatigil ko muna ang pagtanggap ng mga studyante na nag-aaply ng scholarship dahil kakaunti na ang pondo ng programa ko." wika niya dito.
Maliit na ang pondo nila para sa programa niya. Kaya pinatigil niya muna ang pagtanggap ng mga nag-aaply ng scholarship. Kailangan pa niyang maghanap ng pondo at sponsor para sa kanilang programa.
"Matty, hindi puwedeng mawalan ng pondo ang programa mo. Maraming umaasa na studyante at magulang sa scholarship. Malaking tulog ito para sa kanila. Kaya gumawa ka ng paraan para madagdagan ang pondo mo." may himig na galit sa boses nito.
Pumikit siya ng kanyang mga mata at marahan na huminga. Paano siya makakahanap ng sponsor sa programa niya kung mismong siya ay nahihirapan? Hindi niya alam kung saan at paano magsisismula.
Tumayo na siya at humarap kay congressman saka pilit na ngumiti. "Aayusin ko ito, pero hindi ko alam kung paano? Sapagkat hanggang ngayon masakit pa rin ang pagkawala ng asawa ko. Pipilitin kong magtrabaho ng maayos dahil kailangan ako ng bayan ko. At alam kung nandiyan kayo." wika niya dito.
"Sa ngayon, hayaan mo muna akong makapag-isip ng tama. Gusto ko sanang magleave nang isang linggo. Hahanapin ko lang ang sarili ko."
Nauunawaan na tumango ito sa kanya. "Sige, ako muna ang bahala dito. Pero huwag muna ngayong linggo dahil kailangan kong pumunta ng Manila. Pagbalik ko saka ikaw magleave." wika nito sa kanya sabay alis sa harapan niya.
Huminga siya nang malalim habang nakaupo sa table niya
Nandito na siya ngayon sa loob ng opisina niya. Ngayon lang niya naisip na halos napabayaan na nga niya ang trabaho. Paano na ang mga kababayan niya kung ang kanilang governador ay mahina? Tama si congressman at Nanay Caring. Kailangan siya ng bayan nila. Maraming umaasa at aasa pa sa kanya. Kaya kailangan niyang hanapin ang sarili alang-alang sa anak niya at sa mga taong umaasa sa kanya.
Napabaling ang kanyang paningin sa picture frame na nakapatong sa table niya. Kinuha niya ito at tinitigan. Picture nila iyon ni Arrah nang ikinasal sila. Niyakap niya ito habang may luha na sa mata niya.
"Honey, tulungan mo akong makalimot at maka move on. Nahihirapan na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal na mahal kita." umiiyak niyang wika sa kawalan habang yakap ang picture frame.
Hinayaan niya ang sarili na umiyak. Hindi niya alam ang gagawin. Nahihirapan siyang harapin ang bukas sapagkat puno ng kalungkutan ang buhay niya.