“PAYAG na akong secret muna ang relasyon natin,” sabi ni Khloe kay Zantiago habang recess. Karamihan sa mga kaklase nila ay lumabas at nagmemerienda. Kagaya ng madalas mangyari, nasa sulok si Zantiago at abala sa paggawa ng mga assignment. Natigilan si Zantiago ngunit makalipas ang ilang sandali ay ipinagpatuloy ang ginagawa na tila hindi siya nagsalita. Ni hindi tumingin sa kanya. Napangiti si Khloe. Hindi siya maghihinampo at hindi rin magagalit sa reaksiyon nitong ganoon. Alam naman niya ang dahilan kung bakit ganoon ang binata. “Hindi natin ipapahalata sa iba ang relasyon natin,” ani Khloe sa mas mahinang tinig. “Ipinapangako ko sa `yo, magbe-behave na ako. Hindi na ako magiging pasaway. Hindi na rin ako masyadong dadaldal. Walang makakaalam ng sekreto natin kundi tayo lang. Hindi

