KINABUKASAN, nagising si Khloe sa katok ni Zantiago. Inaantok na pinagbuksan niya ito. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang ayos ng binata. Nakasuot ng tracksuit at ngiting-ngiti. Masiglang-masigla kahit hindi pa sumisikat ang araw. Tila hindi alintana na pareho silang napuyat nang nagdaang gabi. Halos umagahin na sila sa dalampasigan. Pinagkuwento niya nang pinagkuwento si Zantiago tungkol sa mga lugar na napuntahan at mga engkuwentro sa iba’t ibang tao sa Hollywood. “May kailangan ka?” tanong ni Khloe. Nais pa sana niyang bumalik sa pagtulog. Pinagmasdan ni Zantiago ang kanyang kabuuan na bahagyang ikinailang ni Khloe. Nahagod ng kanyang kamay ang buhok. Mukha siguro siyang ewan nang mga sandaling iyon habang ito ay guwapong-guwapo at handang-handa nang sumalang sa romorolyong kame

