PINIGILAN ni Khloe ang sarili ngunit humulagpos pa rin ang kaligayahan sa kanyang buong pagkatao. Napakasaya nga ng naging araw niya. Pagkakain ng almusal ay niyaya siya ni Zantiago na mag-hiking sa kagubatan. Napakaraming wild flowers at nagtatayugan ang mga puno. Natuwa siyang malaman na pinoprotektahan ng resort ang kagubatan at wild life roon. Naliligayahan siya sa nakikita ng kanyang mga mata. Masaya siyang kasama si Zantiago na halos hindi pinapakawalan ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak. Tumataba ang puso niya tuwing pumipitas ito ng wild flowers at iniaalay sa kanya. Nananghalian sila sa gilid ng isang sapa. Pagkatapos magpakabusog ay nagtungo sila sa isang lumang kubo na ayon sa guide ay pinasadya upang maging pahingahan ng mga guests. Walang gaanong kagamitan sa loob ng kubo

