“BAKIT ka ba nagagalit?” Tiningnan nang masama ni Khloe si Zantiago. Nilunok muna niya ang pagkain sa bibig bago sumagot. “Tinatanong mo pa kung bakit?” naiinis na tugon niya. Nasa deck sila ng restaurant ng resort. Tanaw ang magandang dagat at masarap sa balat ang banayad na dapyo ng hangin. Masasarap ang pagkaing inihain sa kanila. Sa inis nga ni Khloe ay naparami na siya ng kanin. Ang totoo ay hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang nararamdaman sa kasalukuyan. Mas naiinis siya sa sarili kaysa kay Zantiago. “Let me get this straight,” ani Zantiago habang binabalatan ang sugpo. “Naiinis ka sa `kin dahil nakipaghiwalay ako kay Ginni?” Inilagay sa kanyang plato ang binalatang sugpo. Umabot pa ito ng isa. “Oo!” pagsisinungaling ni Khloe. “How can you two break up? You’re perfect f

