NAHIGIT ni Khloe ang kanyang hininga habang pinagmamasdan ang magandang tanawing dinaraanan nila. Malapit na sila sa Amarillo Beach Resort. Natatanaw na niya ang magandang dagat. Luntian ang paligid. Napuno ng kasabikan ang kanyang buong pagkatao. Sinikap niyang huwag iyong ipahalata kay Zantiago ngunit nahihirapan siya. Ang akala niya ay naglaho na ang masidhing hangarin na makarating sa magagandang lugar, ngunit naroon pa rin pala iyon sa kanyang loob. Unti-unti iyong nagigising habang palapit sila sa resort. Kanina ay nag-atubili pa siyang sumama kay Zantiago. Ayaw niyang iwan ang kanyang ina ngunit ang ina rin ang pumilit sa kanya. Itinulak pa nga siya pasakay sa sasakyan. Hindi niya maiwasang mag-alala kahit alam niyang hindi ito pababayaan ni Gregorio. “Matagal mong hinintay na m

