28

2579 Words

NATUTUWANG pinanood ni Khloe ang maganang pagkain ni Zantiago. Nakakamay ito at parang sanay pa ring kumain nang ganoon. Inihaw na hito at tinolang native na manok ang pinagsasaluhan nila sa tanghalian sa bukid. Mayroon ding inihaw na liempo ngunit hindi iyon gaanong pinapansin nina Zantiago at Gregorio kaya siya na lang ang kumain niyon. Siyempre ay hindi niya nakalimutan ang ketchup. Napangiti pa si Zantiago nang makita iyon. “Nana, puwede ko po bang yayain si Khloe sa beach resort bukas?” tanong ni Zantiago sa ina ni Khloe nang matapos silang kumain. Natigil si Khloe sa pagliligpit ng mga baunan. Inunahan na niya ang ina sa pagsagot. “Hindi puwede, eh.” Tila nagulat ang binata sa naging sagot ni Khloe. “Ayaw mong pumunta? Maganda roon.” “Paano mo naman nalaman? Hindi ka pa nga yata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD