11

1097 Words

“SASALI ka raw sa Miss Gay Universe?” tanong ni Khloe kay Zantiago na abala sa pagbabalat ng saging. Iyon ang ulam nito sa kaning hinaluan ng alamang. Inialok ni Khloe ang kanyang ketchup ngunit hindi raw iyon bagay sa ulam ng lalaki. Piniritong itlog at ketchup naman ang kanyang tanghalian. Naroon silang muli sa lilim ng acacia at tahimik na nagsasalo sa tanghalian. May mga pagkakataon na naaawa siya kay Zantiago sa pagkain nito. May may pagkakataon pa nga na sadya siyang hindi nagbabaon ng masarap upang hindi naman ito mailang. Baka hindi na kasi sumalo sa kanya. Ngunit pinalis ni Khloe ang nararamdamang awa. Masarap naman ang alamang at saging sa kanin. Sinubukan niya minsan sa bahay nila dahil nakita niya iyon kay Zantiago. Mas maigi nga na may kinakain ito kaysa sa wala. Minsan din

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD