"Kailan pa?"
Tanong agad n'ya nang makaupo na kami sa bench sa ilalim ng puno. Nakatanaw s'ya sa malawak na soccer field na may mangilan ngilang players ang kasalukuyang nagpa-practice. Nilingon ko s'ya. Bahagyang nililipad ng hangin ang mga buhok na tumatakas mula sa pagkakatali n'ya. Nakabaligtad ang cap na suot n'ya kaya malaya kong napagmamasdan ang buong mukha n'ya. Nag-iwas agad ako ng tingin bago n'ya pa mahalatang pinagmamasdan ko s'ya. Tumikhim ako.
"Halos isang buwan na, Tsong..." sagot ko na nakatanaw narin sa soccer field. Tinanaw ko ang mga paa ko at nilaro ang mga tuyong dahon na nasa paanan ko. Nakita kong tinignan din n'ya iyon.
"Sinong nakipagbreak? Ikaw?" magkasunod na tanong n'ya. Bumuntong hininga ako at tumango ng hindi s'ya tinitignan. Nag-angat s'ya ng tingin sa akin na parang binabasa ang bawat reaksyon sa mukha ko. Ilang sandali pa s'yang nakatitig sa akin bago nagawang magtanong ulit.
"Bakit?" tanong n'ya. Sa pagkakataong iyon ay nilingon ko na s'ya. Blangko ang ekspresyon sa mga mata n'ya. Nag-iwas ako ng tingin at nagkibit balikat.
Ayokong mabasa n'ya sa mga mata ko ang totoong dahilan. A part of me wants to tell her the reason behind. A part of me wants to take the risk. Gusto kong sabihin sa'kanyang s'ya ang isa sa mga naging dahilan kung bakit ako nakipagbreak sa pinsan n'ya. A part of me wants to know her reactions to it. Gustong gusto kong malaman kung anong magiging reaksyon n'ya pag nalaman n'yang nakipagbreak ako sa pinsan n'ya dahil s'ya talaga ang gusto ko. Pero...
Kapag naiisip ko si Rusty at ang mga posibleng mangyari kapag binitawan ko ang mga salitang 'yun at narinig ko ang mga gusto kong marinig... parang gusto ko nalang tumahimik at sarilinin ang nararamdaman ko.
Kung ako ang tatanungin, I don't care about the friendship we built. Wala akong pakialam kung masira ang friendship namin dahil lang aamin ako sa totoong nararamdaman ko. I am not afraid to cross that thin line between love and friendship. Alam ko sa sarili kong hindi ko rin kakayaning makasama s'ya araw araw na tanging pagkakaibigan lang ang kaya n'yang ibigay. Mas gugustuhin ko nalang na iwasan n'ya ulit ako at maging civil nalang sa isa't isa kaysa palihim akong magkagusto sa'kanya. One sided love isn't my thing. Kapag may gusto ako sa'yo, dalawa lang ang posibleng mangyari.
Sasabihin ko sa'yo ang totoo or I will just choose to stay out of your sight.
And for this situation, I think I can't do any of those. Gusto kong sabihin sa'kanya ang totoo pero ayokong magkaproblema kami ni Rusty. Pwede akong lumayo sa'kanya pero hindi ko yata kayang gawin.
I'm the type of person who's never afraid of taking the risk. Lalo na kung may kinalaman sa taong mahal ko. But if taking the risk will also means breaking someone who's close to me, then I will just let these questions in my mind.
Unless, sasabihin n'ya sa aking gusto n'ya rin ako. Wala na akong pakialam kung sinong masasaktan. Pag ako ang pinili n'ya, I don't care who will get hurt.
"Nalilito ako sa nararamdaman ko." sagot ko at sinulyapan s'yang bahagya bago ngumiti at humarap ulit sa soccer field.
"Kaya ka nakipagbreak? Dahil nalito ka sa feelings mo? Wow, Tsong! Sabi mo sigurado ka na sa'kanya, 'di ba? S'ya pa nga 'yung ideal girl mo, 'di ba? Tapos nakipagbreak ka lang dahil nalilito ka? Putek 'yan..." nanunuyang tumawa s'ya habang naiiling.
"Masyado akong nagfocus sa goal ko na mapasagot si Ginger. Maybe, I took that as a challenge-"
"Tang ina kasi basta maganda, e, 'no? Kapag maganda, akala true love na. Akala forever na! Sorry, pero ang babaw ng tingin mo sa salitang pagmamahal!" naiiling na sabi n'ya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi n'ya. Mukhang nagulat din s'ya nang makita ang reaksyon ko at agad nag-iwas ng tingin. Hirap na lumunok ako bago nagsalita.
"Siguro nga, Maxene," sabi ko. Kitang kita ko ang pagbaling n'ya sa akin nang tawagin ko s'ya sa buong pangalan n'ya. Sinalubong ko ang tingin n'ya. "Mababaw nga siguro ang tingin ko sa love dahil kahit kailan ay hindi pa ako tinatamaan talaga. Siguro nga hindi pa ako nagmamahal ng totoo kaya kahit dumating na, hindi ko manlang namalayan. Ni hindi ko akalain na tatamaan ako." mapait na tumawa ako ng mahina at inalis ang tingin sa'kanya. Nakatingin lang s'ya sa akin at mukhang pinipilit intindihin ang mga sinabi ko.
"Akala mo ba madali? Well, to tell you the truth, it was confusing as hell! Sobrang nakakalito at nakakawindang. You know that feeling when realization and reality hits you? Yung andun na tapos wala ka ng magawa kasi hulog na hulog ka na!" nakangising sabi ko habang umiiling.
"I felt so helpless. Basta nagising nalang ako isang araw na hindi ako masaya dahil nagtagumpay ako sa gusto ko-Yun ay ang mapasagot ang babaeng pinapangarap ko. Hindi ako masaya kasi sa iba pala ako nahulog talaga. I lost and fell in love along the way. I never knew I was in between. Nalaman ko nalang lahat nung nandoon na ako sa finish line. I got the prize but I wasn't satisfied. Para akong nanalo sa pandaraya. Nakuha mo nga ang gusto mo but in the end.. sarili mo lang pala ang niloloko mo." napailing ako.
Napatingin ako sa'kanya at seryoso parin s'yang nakatingin sa akin. May kaonting gulat at pagtataka sa mga mata n'ya pero hindi ko alam kung anong nasa isip n'ya. I can't directly confess my feelings for her but I guess I just did it indirectly! Damn!
Ilang sandali pa ay tumayo na s'ya at binitbit ang bag. Napatingin ako sa'kanya.
"U-Uuwi na 'ko." paalam n'ya at nagsimulang humakbang palayo. Agad na kinuha ko ang bag ko at sinundan s'ya. Inilang hakbang ko ang pagitan namin at hinigit ko ang braso n'ya. I don't know kung nakuha n'ya ang gusto kong sabihin pero malaki ang pag-asa ko na nakuha n'ya dahil ganito ang naging reaksyon n'ya.
"Sandali, Tsong-"
"Balikan mo..." rinig kong sabi n'ya at napatigil sa paglalakad. Hawak hawak ko ang braso n'ya pero nanatili s'yang nakatalikod sa akin kaya hindi ko makita ang mukha n'ya.
"Balikan ang alin?" nalilitong tanong ko.
"Balikan mo 'yung naging dahilan kung bakit ka nalito. Ayusin mo... at pagkatapos ay magsimula ka ulit. K-Kung... s'ya talaga ang pangarap mo, walang ibang pwedeng makapagpalito sa'yo. Kung s'ya talaga ang gusto mo, hindi ka pwedeng malito." sabi n'ya at hinawi ang kamay kong nakahawak sa braso n'ya at mabilis na tumakbo palayo. Wala akong nagawa kundi panoorin s'yang tuluyang makalayo sa akin.