18

1337 Words
Nang mga sumunod na araw ay inabala ko ang sarili sa pag-aaral para sa advance exams. Pagkatapos nito ay puspusan na ang practice para sa game sa darating na Christmas party. Nang huli kaming mag-usap ni Max ay hindi ko na s'ya napagkikita sa school. Ang sabi ng mga kaklase n'ya ay may sakit daw ito at ilang araw ng hindi nakakapasok. Natutukso akong puntahan s'ya sa bahay nila pero ayoko namang makipagkompitensya kay Rusty na s'yang dumadalaw sa'kanya araw araw mula nung nagkasakit s'ya. Pinapakiramdaman ko nga ang mga kilos ni Rusty dahil sabay sabay naman kaming nagrereview kasama ang iba pang players pero wala naman s'yang kibo. Gusto kong magtanong kung ano ng status nila ni Max pero baka magduda lang s'ya kaya hinayaan ko nalang. Sasabihin naman siguro n'ya kung sila na. That same week, exactly 2 days before we took our advance exams, pansin na pansin ang pananahimik n'ya. Ni hindi s'ya nakikipagbiruan sa amin at hindi nakakasakay sa mga biro ni Reid na s'yang palagi n'yang kabiruan. Madalas ko pa s'yang makitang nakatulala at minsan ay nahuli ko pa s'yang nakatingin sa akin. Tinaasan ko s'ya ng kilay at nagtanong kung bakit pero umiling lang s'ya at sumubsob sa table. Minsan ay napagsolo kami dahil si Kit ay madalas ng dumidikit kay Mariel. Sa pagkain nalang ng lunch s'ya sumasabay sa amin. "Nakakasira talaga ng tropa ang pagshoshota..." natatawang biro ko nang dumaan si Kit sa harap namin bitbit ang mga libro ni Mariel. Tinignan n'ya lang ako ng masama kaya inasar ko pa. "Taga bitbit ka nalang ng libro ngayon, pre?" sabi ko sabay dukot ng phone sa bulsa at kuha ng picture sa'kanya. Ngumisi ako. "Tag ko sa'yo. Relationship goals!" sabi ko sabay wagayway at pakita sa'kanya ng kinuha kong picture. Napabalik s'ya at inambaan ako ng suntok. Tumatawang nilagay ko ang phone sa bulsa. "Tang ina mo, Gav. 'Pag ikaw nainlove, mas malala pa dito gagawin mo, ungas!" sigaw n'ya pa bago lumayo dahil narinig na ang tawag ni Mariel. Tinawanan ko lang s'ya. Nalingunan ko pa si Rusty na nakasubsob sa desk n'ya at nakapikit ang mga mata. Napatitig ako sa'kanya. Paano kaya kung s'ya na ang gumawa 'nun para kay Max? Magawa ko pa kayang mang-asar sa'kanya? Napailing ako at pinilig ang ulo. Of course, I can't. Gago na kung gago pero hindi ko maipapakitang masaya ako para sa'kanila. Iiwas ako pero 'yung ipapakitang masaya ako para sa'kanila? That's bullshit. Kagaguhan 'yun. Nagulat pa ako nang isang araw ay sumabay na ulit si Max sa amin sa pagkain. Kasama rin namin noon sina Kit at Mariel. Nang magtama ang paningin namin ay nag-iwas s'ya ng tingin. Sila na ba ni Rusty kaya sasabay na s'ya sa amin ngayon? Gusto kong magtanong pero hindi ko alam kung paano palalabasin iyon na hindi awkward. Nang marealized ko ang posisyon namin ay parang gusto kong magmura. Silang apat tapos ako? f**k! I am so f*****g out of place! "Gav, dapat sinama mo 'yung bago mong chix para may partner ka!" pang-aasar ni Kit habang kumakain kami. Napatigil ako sa pagnguya at napatingin sa'kanya. How many times do I have to tell him na hindi ko pinopormahan 'yung babaeng kasama ko last time? Bago lang 'yung babae sa subdivision at nagtanong kung saan ang court kaya tinuro ko. Nang makita namin 'yung babae sa labas ng school ay binati ako. Akala naman nitong si Kit ay pinopormahan ko na. Tsk! "Just eat your f*****g foods, Kit." tamad na sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain. Nahuli ko pa ang titig ni Max at Rusty sa akin. "Talaga, pre? May bago ka ng pinopormahan? Bilis, a!" sabi pa ni Rusty. Umiling iling nalang ako at hinayaan sila. Pasimpleng sinusulyapan ko si Max kapag hindi s'ya nakatingin sa akin. Damn it! Paano ako didistansya kung ganito s'ya kalapit sa akin? Nakita kong inihihiwalay n'ya ang mga shrimp sa gilid ng plato n'ya kaya kinuha ko ang mga iyon at pinalitan ng mga gulay na inihiwalay ko mula sa akin. She loves vegies at alergic s'ya sa shrimp kaya madalas ganito ang ginagawa namin noon. Napatingin s'ya sa akin pero hindi ko nalang s'ya pinansin at patay malisyang sinubo ng sinubo ang mga 'yun. Puta, Gav. Dumidistansya ka ba o lumalapit pa lalo? Nang makita kong bibigyan s'ya ng juice ni Rusty ay agad na inagaw ko 'yun at tuloy tuloy na ininom. Kunot noong napatingin si Rusty sa akin dahil sa ginawa ko. I just gave him an apologetic smile. "Sorry, pre. Nabulunan ako, e!" sabi ko at saka nagsalin ng tubig para kay Max at saka inabot 'yun sa'kanya. Napakurap kurap pa s'ya bago tinanggap 'yun. Wala sa sariling napangisi ako pagkatapos. Rusty will surely hit me hard pag nalaman n'yang sinadya ko 'yun para ako ang mag-abot kay Max ng inumin. Minsan ay sinasadya kong magtanong ng kung anu-ano para kausapin n'ya ako. "Tsong!" tawag ko sa'kanya nang maabutan ko s'ya sa gate ng school. Maaga akong pumasok kahit practice lang naman kami. Sinadya kong hintayin s'ya para makita ko s'ya bago dumiretso sa gym. Dala ko ang gitara ko at balak kong magtanong sa'kanya ng chords. Lumingon s'ya at napakunot noo pa nang makita ako. Nakita kong napasilip pa s'ya sa relo n'ya bago nag-angat ng tingin sa akin. Lumapit ako sa'kanya. "Late ka na ba? Magpapaturo sana ako ng chords." nakangiting sabi ko. Napatingala pa s'ya sa akin at naiilang na umiling. "H-Hindi pa naman. Wala naman kaming klase ngayong umaga. Manonood lang ako ng... practice n'yo." sabi n'ya at nag-iwas ng tingin. Tumaas ang kilay ko. Supportive sa manliligaw, huh? "Ganun ba? So, pwede mo akong turuan muna? Mamayang eight pa start ng practice." sabi ko. Hinintay kong tumango s'ya at halos mayakap ko na s'ya nang tumango s'ya. Para pa s'yang nanigas dahil sa ginawa ko kaya napabitaw ako agad. "Uhh.. tara na?" yaya ko. Tumango s'ya at dinig na dinig ko ang buntong hininga n'ya at nagsimula ng maglakad papunta sa tambayan. Ngiting ngiti ako habang nakasunod sa'kanya. "Ano bang song ang ipapaturo mo?" tanong n'ya nang makaupo na kami sa bench. As usual, may mga nagpapractice na agad sa soccer field. Sinabi ko ang title ng kantang gusto kong ipaturo pagkatapos ay sinabi n'ya ang chords at dinemo n'ya muna pagkatapos ay hinayaan na akong tumugtog. Titig na titig ako sa'kanya at hindi ko na namalayang iniaabot na pala n'ya sa akin ang gitara ko. Napakurap ako ng isang beses bago kinuha 'yun. "Subukan ko nga..." sabi ko habang humahanda sa pagtugtog. Nagsimula akong mag-strum at sinimulan sa ibang line bago ang sa chorus. "There I was... thought I had everything figured out..." napatingin ako sa'kanya habang sinasabayan ng kanta ang pag-strum. "It goes to show just how much I know... About the way life plays out..." Nagbaba s'ya ng tingin at tinuon ang atensyon sa daliri kong nag-istrum. "I take one step away... And I find myself coming back to you... My one and only... One and only you..." Tumigil ako sa pag-strum at tinitigan s'ya. Unti-unti s'yang nag-angat ng tingin. Ano na, Max? Naramdaman mo bang para sa'yo 'yung song? "O-Okay na! Kaya mo na agad..." sabi n'ya at ngumiti ng pilit nang mapansin ang titig ko bago tinuon ang mga mata sa mga paa n'yang naglalaro ng mga tuyong dahon. Alam kong nakakaramdam na s'ya pero pinipilit n'yang balewalain. Mapait na napangiti ako at tinuon nalang ang pansin sa gitara. Maybe she chose to stay like this because she likes Rusty at ayaw n'yang magkaproblema dahil magtropa kami. Damn... It hurts! Natigil ako sa pag-iisip nang tumama ang bola ng soccer sa tenga ko. Napangiwi ako. Agad na dinaluhan ako ni Max. "Gav! Okay ka lang?" nag-aalang tanong n'ya. Ngumiwi ako kahit hindi naman 'yun ganun kasakit. Mas masakit pa nga ang ginagawa n'yang pag-iwas sa akin. "Masakit ba?" tanong n'ya nang makitang nakahawak ako sa tenga ko. Tumitig ako sa'kanya bago sumagot. "Masakit... Sobra." sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD