19

1079 Words
"Cute mo talaga, Tsong..." Para akong timang na kinakausap ang wallpaper ng phone ko. Picture 'to ni Max na nadownload ko mula sa f*******: account n'ya. Sa sobrang pagkamiss ko sa'kanya ay wala akong ginawa kundi mag-stalk sa mga social media accounts n'ya. Libang na libang ako sa pagtingin ng mga old pictures n'ya. Kamukhang kamukha n'ya ang Mommy n'ya at mayroon s'yang mas batang kapatid na lalaki na hawig naman ng Daddy n'ya. May mga nakita akong pictures n'ya na parang nag-guguitar lessons kasama ang Daddy n'ya. Mayroon din s'yang mga covers na tanging nakapost lang ay screenshot ng mga videos mula sa phone n'ya. Napasimangot ako dahil sa curiousity. Gusto kong mapanood ang mga 'yun. Bakit kaya hindi n'ya ina-upload? "Parang gusto tuloy kitang halikan..." patuloy parin ako sa pagkausap sa wallpaper ko. Kung may makakakita sa akin ngayon ay pagkakamalan akong may sayad sa utak. "Hindi mo naman ako masasapak kasi picture ka lang 'di ba?" nakangisi kong bulong. "Silence means yes?" natawa ako ng mahina at saka unti-unting pinikit ang mga mata at inilapit ang nguso sa screen ng phone ko. "Kuya-" Wala sa sariling naitapon ko ang phone nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napamura ako at halos malaglag sa kama dahil sa gulat. "Gizelle! What the hell? Hindi ka ba marunong kumatok manlang?!" magkahalong inis at kahihiyan ang nararamdaman ko. Inis na napahawak ako sa tenga ko nang maramdaman ang init doon. Hindi s'ya nagsalita at nanatiling nakatingin sa akin at saka kunot noong binalingan ang phone kong nahulog sa sahig. Humalukipkip s'ya at nagdududang tinignan ako. "What were you doing?" tanong nito. Agad na pinulot ko ang phone ko at tinago sa likod. "N-Nothing. May katext lang ako." palusot ko at tinangkang ibahin ang usapan. "Why are you here? May kailangan ka ba?" Hindi s'ya nagsalita at halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Don't tell me-" "What-? Wala nga 'yun!" sagot ko agad. Napasinghap s'ya at umiling iling. Nagdududa parin ang mga tingin na ibinabato n'ya. "Were you watching "that thing" when I entered your room, Kuya?" nanlalaki ang mga matang tanong nito. Nalaglag ang panga ko nang makuha kung ano ang ibig n'yang sabihin. "What-! Hell no, Gizelle! Where the hell did you get those goddamn ideas? Kay Brittany ba?" inis na tanong ko na ang tinutukoy ay ang pinsan kong daig pa ang lumaki sa ibang bansa sa pagiging liberated. Ngumiwi naman s'ya at umupo sa gilid ng kama ko. "That thing is pretty normal in the US, Kuya. Mas bata pa nga sa'yo o sa akin..." sagot n'ya at kibit balikat na tumayo at ginala ang paningin sa kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko nang lapitan n'ya ang laptop kong naiwan kong nakabukas! Halos magkanda dapa dapa ako para pigilan s'yang makalapit at makita 'yun pero huli na ang lahat. "Maxene Crystal Jimenez?" mahinang basa n'ya sa pangalan na nakalagay sa profile ni Max. Ilang sandaling napatitig s'ya sa mga pictures dahil naiwan ko iyon sa album ni Max! Kunot noo na s'ya nang tignan ulit ako. "Who is this girl, Kuya?" "W-Wala. Kaklase ko..." sagot ko at dahan dahang ibinababa ang laptop. Nanahimik s'ya at pinanood ang kilos ko. Nilagay ko ang laptop sa isang gilid at saka bumalik ng upo sa kama at inabot ang cellphone ko. Pero bago ko pa 'yun magawa ay naunahan na n'ya ako. Nanlalaki ang mga mata ko nang magsimula s'yang pumindot doon at agad napatulala sa screen. Inis na inagaw ko ang phone ko mula sa'kanya. "What the hell, Gizelle? Sinabi ng hindi ako nanonood ng p**n!" iritadong sigaw ko. Imbes na masindak ay nakangisi n'ya akong tinignan ng nakakaloko. "You are stalking someone!" ngiting ngiting bulalas n'ya. Tinignan ko lang s'ya ng masama. "My god! My almighty brother is stalking someone! Mukhang totoong mag e-end of the world na!" nakakalokong palatak n'ya habang tumatawa. "You are overreacting..." naiiling na sabi ko. Lalo lang s'yang tumawa at nakakalokong tinitigan ako. Iritadong tinignan ko s'ya. "What?!" "Look at you!" patuloy na pang-iinis nito. "You are blushing and sweating!" Pikon na lumapit na ako sa'kanya para patigilin s'ya sa pang-aasar. "Shut up, Gizelle-" "Why not bring her here? Hindi ka pa nagpapakilala ng girlfriend kay Mommy-" "She's not my girlfriend. Sabi ko sa'yong kaklase ko lang. Stop assuming things-" Pero lalo lang yata s'yang naintriga sa isinagot ko. "Hindi mo girlfriend pero ini-stalk mo at wallpaper pa ng phone mo? Hmm! Things are getting interesting, huh?" nanliit ang mga mata nito at humalukipkip. Napakamot nalang ako sa ulo at itinaboy na s'ya palabas ng kwarto. "Get out and do your things. Stop mucking around my room!" sabi ko habang iginigiya s'ya palabas ng kwarto. Tumatawa parin s'ya. "I really can't believe this! Gavin Tristan Reynozo is in love!" pahabol pa n'ya nang nasa labas na ng kwarto ko. Sinimangutan ko s'ya dahil sa lakas ng boses n'ya. It's Sunday at nasa paligid lang ang parents namin. "Shut up, Gizelle." saway ko ulit sa'kanya. She sneered at my reaction and ran away shouting. "Mommy! Daddy! In love si Kuya!" Napahilot ako sa sentido dahil sa kakulitan ng kapatid ko. That little wench! Alas kwatro ng hapon nang magpasya akong mag-bike. Tuwing bakasyon ay madalas kaming mag-stroll ng mga pinsan ko paikot dito sa buong subdivision. Nakakapagbonding na kami ay nakakapag exercise pa. Kinabit ko ang headset sa magkabilang tenga ko at pumili ng kanta bago nagsimulang mag-bike. Nakangisi ako habang marahang nagpepedal. Nawala ako sa sarili habang nag i-stroll. Namalayan ko nalang na nasa kanto na pala ako papasok sa kina Max. Napailing iling ako at babalik na sana nang makita ko silang dalawa ni Rusty na palabas ng bahay nina Max. Napatigil ako sa pagpedal at pinanood silang masayang naglalakad. Nakangiti si Max ng maluwang habang hinahatid si Rusty sa tapat ng gate. May sinabi si Rusty at umamba pa si Max na tatadyakan ito pero nakaiwas si Rusty. Sinalo ni Rusty ang magkabilang pisngi ni Max at inilapit ng bahagya ang mukha. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Inabala ko ang mga mata ko sa pagpindot pindot sa preno ng aking bike. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanila ay kumakaway na si Max kay Rusty. Ngiting ngiti si Rusty lalo na nang makapasok na si Max sa loob ng bahay. Huminga ako ng malalim at agad ng pinaandar ang bike palayo doon. Parang may kung anong mabigat na bagay sa dibdib ko. It sucks. This feeling sucks!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD