20

1747 Words
Nang magLunes ay para akong wala sa sarili. Parang tamad na tamad ako habang nagpa-practice. "Pre, okay ka lang?" tanong ng ka-team kong si Denmar nang matapos ang isang game at sabay kaming umupo sa bleacher. Pumulot ako ng isang gatorade sa tabi at saka uminom doon. Napatingin ako kay Rusty na ganadong ganado at nakikipagbiruan pa kay Reid. Napailing ako at binalik ang tingin kay Denmar. "Hindi ako okay, pre..." pabirong pag-amin ko. Nagpunas s'ya ng bibig pagkatapos uminom ng tubig at saka nilingon ako. "Bakit? May sakit ka ba?" tanong n'ya. "Oo, pre. Sakit sa puso!" natatawang sagot ko. Tumawa din s'ya at umiling. "Masakit nga talaga 'yan, Pre. Hindi kasi 'yan tulad ng sipon at ubo na madadala ng gamot." medyo pabirong sabi n'ya. Napangiti ako. "Pero alam mo kung anong mabisang gamot d'yan?" tanong n'ya. Natatawang umiling ako. "Hindi ko alam, pre. Meron ba?" "Meron naman. Kaso, pwedeng dumoble o tumriple ang sakit kapag nagawa mo. Pero sigurado, pre, pagkatapos 'nun tapos ang paghihirap mo!" sabi n'ya at uminom ulit. "Paano naman?" curious na tanong ko. Natatawa ako dahil nakikipag-usap ako ng ganito sa mga kasama ko. Akalain mo bang kakailanganin ko ng advice pagdating sa babae? E, ako nga ang madalas hingan ng advice ng mga 'to dahil magaling daw ako pagdating doon. "Confess." simpleng sagot n'ya. Napatawa ako ng pagak. "Hindi na pwede, pre. It's quite too late. Huling huli na ako." naiiling na sabi ko. Ngayon pa ba ako magtatapat gayong mukhang sila na ni Rusty? Kahit di na magtanong ay halatang sila na. Halata sa kilos ni Rusty. Masyado s'yang ganado at... 'yung kahapon. Napailing iling ulit ako. "Kahit na, pre. Magcoconfess ka lang naman. Confess but never assume." seryosong sabi n'ya. Natigilan ako. Binaba n'ya ang tumbler na hawak at muling binalingan ako. "Minsan mas madaling mag move forward kapag alam mong wala kang naiwan sa nakaraan. Mas madaling humakbang palayo kapag wala ka ng binalik balikan..." seryosong sabi n'ya. Natahimik ako. Matamang nakinig lang ako sa mga sinasabi n'ya. I wonder if he ever fell for someone secretly? 'Yung tipong hindi lang 'yung taong gusto mo ang posibleng mawala sa'yo kapag nagkamali ka kundi pati 'yung isang taong malapit din sa'yo. I wonder if he ever experienced heartbreaks? Nagpatuloy s'ya sa pagsasalita. "Kung pag-aaralan mo, pre... Pare-pareho lang ang nagiging dahilan ng mga tao kung bakit nahihirapan silang mag-move on. Sa totoo lang, hindi naman talaga mahirap. Sila lang ang nagpapahirap sa mga sarili nila..." sabi n'ya at muling uminom ng tubig. "Dalawa lang naman ang posibleng dahilan n'yan, pre. It's either they still choose to hold on to that someone or... they regret coz they hesitated a lot when they've had the chance." Napalunok ako. The latter hits me. "Sa kaso mo, kung hindi ka magtatapat ngayon, hindi ka makakamove on agad. Hindi ka patatahimikin ng utak mo sa mga "what ifs" and "what could have been" mo..." natatawang sabi n'ya. "Isipin mo nalang, pre.. Ang hirap na nga n'yang kalimutan tapos dudumugin ka pa ng mga pesteng tanong na 'yan sa utak mo. How miserable you could get, right?" sabi n'ya sabay tapik sa balikat ko at tumayo. Tsaka ko lang napansin na magsisimula na pala ulit ang practice. Tatayo na sana ako nang sunod sunod na sumipol ang mga kasama ko. Nakita kong nakatingin din si Den sa tinitignan nila. "Anong meron?" tanong ko. Nilingon n'ya lang ako saglit at iiling iling na ngumisi at tinuro ang pinto ng gym. Agad na nilingon ko 'yun at naabutan ko si Rusty na nakayuko at yakap yakap si Max. Mukhang nagulat pa si Max sa simula pero unti unti ring ngumiti. Kantyawan at hiyawan ng mga players at ibang volunteer ang maririnig sa paligid. Nag-iwas agad ako ng tingin at nag-jog para kuhanin ang bola. Nakita ko pang napatingin si Max sa akin pero binalewala ko nalang 'yun. "Practice na!" sigaw ko sabay dribble ng bola. Napatingin si Captain na kausap pa ang girlfriend sa isang tabi at agad naring tumayo at lumapit sa akin. "Anong problema?" natatawang baling n'ya sa akin. Umiling lang ako at pinasa na ang bola sa'kanya. "May lakad lang. Para mabilis matapos." simpleng sagot ko. Tumaas ang kilay n'ya at tinitigan ako. "Yan ang hirap kapag nasanay kang nakukuha ang lahat ng di pinaghihirapan..." makahulugang sabi n'ya. Nang lingunin ko s'ya ay ngumisi lang s'ya at tinapik ako sa balikat. Tumawa ako. "Nagsalita!" kantyaw ko nang makuha kung anong ibig n'yang sabihin. Ang lakas ng tawa n'ya. Napalingon tuloy sa amin ang girlfriend n'yang si Nikki. Leon was an asshole before he met her. "Ano 'yun, panget?" usisa nito. "Wala! Ang ganda mong tsismosa!" pang-aasar nito at binalik ang tingin sa akin. "Atleast maganda!" nakadilang sigaw ni Nikki. Ngumuso si Captain at napatingin sa paligid. Pagdating kay Nikki ay lumalabas ang pagiging possesive n'ya. Napailing ako. Nagbabago talaga ang tao 'pag tinatamaan ng love. "Isigaw mo pa sige! Babasagin ko mukha ng mga titingin sa'yo!" ganting sigaw ni Captain. Tinawanan lang s'ya ni Nikki. S'ya lang yata ang nakakapagpainit ng ulo ni Leon. Kahit kami ay hindi mapantayan ang lakas ng pang-aasar n'ya. Inakbayan ko na s'ya bago pa n'ya maibaling ang inis sa buong team at sabay ng pumunta sa gitna ng court. Nagtama pa ang paningin namin ni Rusty. He looked mad. "Game!" sigaw n'ya pa na ang mata ay nakatuon sa akin. *** Sa huling practice game ay ako ang binantayan ni Rusty. Hindi ko alam kung dahil sa selos o ano pa man, pero naging ganado ako. Halos ma-foul out na s'ya sa game sa kakabantay sa akin. "f**k!" mahinang mura n'ya nang pumasok ang lay up ko habang tinawagan pa s'ya ng foul. Nakangisi ako habang nagpupunas ng pawis sa gilid ng jersey ko. Tinaas ko na 'yun hanggang dibdib habang naglalakad pabalik sa bleacher. Nagulat pa ako nang madatnan sa tapat ng bleacher ng mga kagrupo ko si Max. Nag-aabot na s'ya ng towel kina Den. Napatingin pa s'ya sa gawing tyan ko nang gumawi ang tingin n'ya sa akin. Inabot n'ya ang towel ko at nag-iwas ng tingin. Tinabihan ko na ng upo si Den. "Kala ko may problema ka sa puso, Brad? Ba't ang init mo ngayon? Gigil na gigil ka, e!" natatawang komento n'ya habang umiinom. Napakislot ako dahil nakita ko ang paglingon ni Max sa gawi namin. f**k! Nagkatinginan kami pero agad din akong nagbawi ng tingin. Hindi ko kaya ang titig n'ya. Uhaw na uhaw ako at nasa tabi n'ya ang cooler. Hindi ko tuloy alam kung paano ako lalapit doon para kumuha ng maiinom. Tumawa ako ng pilit sa sinabi ni Den. "Para kahit manlang sa court manalo ako..." sabi ko. Nagtatanong na napatingin s'ya sa akin. Wala na akong pakialam kung malaman nilang lahat. Alam narin naman ni Captain kaya sigurado kakalat na sa buong team. Gago 'yun, e. Malakas mang-asar. Napailing si Den at tumawa. Mukhang nakuha na ang sinasabi ko. Nagulat pa ako nang may mag-abot sa akin ng mineral water. Nang mag-angat ako ng mukha ay si Max ang nasa harapan ko. Napalunok ako at tinanggap ang binibigay n'ya. "T-Thanks..." sabi ko. Tumango lang s'ya at saka pumunta na sa gawi nila Rusty. Kitang kita ko pa ang tingin ni Rusty sa akin. Sinalubong ko ang titig n'ya. Ano? Girlfriend mo ang lumapit! Naputol lang ang titigan namin nang tapikin ako ni Den sa balikat kaya nabaling ang atensyon ko sa'kanya. "Magtapat ka, pre. I don't think it's late." nakangising sabi n'ya. Umiling lang ako. Wala kasi silang alam dahil hindi nila nakita 'yung nakita ko kahapon. "Pag ang playboy natorpe, asahan mo tinamaan na 'yun!" napalingon ako nang may magsalita sa gilid ko. Pabalik na kami sa locker room at kasabay ko si Captain. Kinawit agad ni Nikki ang braso n'ya sa braso ni Captain. Napailing ako. Mapang-asar din. Bagay nga sila ni Leon! "Um-oo ka naman, Panget!" pangungulit pa nito kay Captain at tinusok pa ang pisngi. "Oo na! Kaya nga ang swerte mo sa'kin!" proud na sagot naman nito. Tumawa ng nakakaloko si Nikki. "Hindi rin!" sagot nito. Napatigil si Captain sa paglalakad at tinitigan s'ya. Bumungisngis si Nikki at tinulak s'ya tsaka tatawa tawang tumakbo palayo. "Ya!" malakas na tawag ni Captain sa'kanya pero binelatan lang s'ya nito. Natawa ako. Naiiling s'ya nang ibalik ang tingin sa akin. "Tawa pa! Mas malala si Max d'yan!" nakangising bulong n'ya. Tinulak ko s'ya kaya tatawa tawa s'yang nag-jog palayo. Napailing nalang ako at sumunod narin. Didiretso na sana ako palabas ng school pero hindi ko itinuloy. Paniguradong makikita ko sina Max at Rusty sa abangan ng jeep. Ayokong makisabay dahil paniguradong magiging awkward ang buong byahe. Dumiretso nalang ako sa tambayan para magpalipas ng ilang minuto. Yung tama lang para makapag-abang sila ng masasakyan. Dumukot ako sa bulsa ng yosi at naglakad papunta sa bench. Uupo na sana ako nang makarinig ako ng mga yabag palapit sa gawi ko. Maraming tuyong dahon kaya dinig na dinig kung may papalapit. Sumilip ako para makita kung sino. Sina Max at Rusty! "Tangina naman, oh. Dito pa talaga?" bulong ko habang nagmumura palapit sa isang puno doon. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magtago samantalang ako ang nauna dito! Nagtatawanan pa sila habang palapit sa bench. "Don't tell me dito sila magde-date?" sarkastiko kong bulong habang sinisilip sila at nagsindi ng yosi. "Ano ba kasing sasabihin mo, Kalawang? Di ba pwedeng bukas na 'yan? Taeng tae na 'ko!" nakangiwing reklamo ni Max. Halos mailulon ko ang usok ng sigarilyo dahil sa sinabi n'ya. Damn! Hirap na hirap akong magpigil ng ubo para hindi nila ako marinig! "Wow! Kung kailan naman magtatapat na-" Napatigil si Rusty. Kunot noong nilingon ko sila kung bakit. Nakatitig pala si Max sa'kanya at ganoon din si Rusty. Hindi ko makita ang mukha ni Max kaya hindi ko alam kung anong reaksyon n'ya. Nanatili silang ganun nang mga ilang minuto. Walang nagsasalita. Nakatingin lang sila sa isa't-isa. "Mahal kita, Max..." maya maya ay rinig kong sabi ni Rusty. Para akong nanghina nang marinig ko 'yun. Unti-unti rin na nag-iwas ako ng tingin sa'kanila. Mas hindi ko yata kakayanin kung sa bibig mismo ni Max ko maririnig 'yung sagot. Mas madali siguro kung sa iba ko na malalaman na sila na kaysa 'yung harapan kong marinig. Bago pa magbago ang isip ko ay dahan dahan na akong umalis sa pinagtataguan ko at mabibilis ang mga hakbang na lumabas ng school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD